Baka nga away nya ako maging kaibigan. Kaya tumayo ako at tinawag ang aming guro. "Madame? Maari bang lumipat ako ng upuan? Kung maaari lang?" tanong ko kay Madame. "Pasensya na, Binibini. Ngunit hindi ka na pwde ng lumipat ng upuan. Bakit mo gustong lumipat ng upuan?" tanong din sa'kin ni Madame. Tingan mo nga ako yung unang nagtanong tas tatanungin din ako! Kaloka! "Ah eh w-wala lang p-po." sagot ko naman. "Oh ganon naman pala." tugon ni Madame. Lumingon naman ako sa kanya. At nagtanong ulit. "Nathan ayos ka lang ba?" tanong ko. Pero akala ko di siya sasagot kaso bigla siyang nagsalita! "Ayos lang naman. Pwede bang makining tayo sa leksyon natin. Baka mag bigay ng pasulit si Madame satin." sagot niya. "Ah cge makikinig na nga lang ako!" tugon ko.
Nung nagbigay nga ng pasulit si Madame nasagotan ko naman lahat ng tanong nya.
"Kung may insipirasyon ka talaga iba talaga ang buhay mo. Parang may inspirasyon kang mag-aral at magsikap sa buhay."
Nung nag ring na ang bell, agad kaming pumunta sa next subject namin. Nahuli na akong lumabas. Tas si Nathan ayun na una na. Feeling ko lumalayo siya sa'kin. Siguro ayaw nya sa'kin. Upang maging kaibigan nya.
Bigla akong napa-isip. Dapat ko ba siyang iwasan narin? O dapat alamin ko ang dahilan kung bakit siya lumalayo!? Ewan at ako'y naguguluhan na! Nung malapit na akong makapasok sa aming silid, bigla akong nakaramdam ng hilo. Pero hindi ako tumigil sa paglakad. Patuloy parin akong naglakad. Hanggang sa hindi ko na kinaya. At ako'y biglang nahimatay!
At narinig ko ang mga kaklase ko na nagsihiyawan na. Dahil para umigay yung buong klase! At agad namang napatayo si Nathan. At agad lumapit sa'kin. Nakaramdam ako na parang binuhat nya ako? Na agad siyang naawa sa'kin? At tinulungan ako?
Sa Hospital~
Mahimbing ang tulog ko. Mga 5 oras ata akong nakatulog. Minulat ko ang mga mata ko. Nakita kong may isang lalaki na nakatulog sa sofa. Bumangon ako at nagsalita. "Ginoo, sino ka? Kilala ba kita?" tanong ko. Nagising naman ang lalaki. At lumingon sa'kin!
Si Nathan!
Agad akong nagulat sa nakita ko! Bakit siya nandito. "Mabuti't gising kana, Binibini. Nag alala kaming lahat sa iyo. May nararamdaman ka bang kakaiba?" tanong nya. Napa irap nalang ako! Nangingilit ako sa galit sa kanya! Wahhhh!
Maya-maya dumating na sila Ina Ama at aking mga kapatid. Agad lumapit si ama kay Nathan upang alamin kung bakit siya naririto. "Ginoo, sino ka? At bakit mo kasama ang aking anak? May gusto ka ba sa kanya?" tanong ni ama.
Nagulat ako sa sinabi ni ama. Na parang si Nathan din ay nagulat dahil hindi na ito nakapagsalita! Agad namang nagsalita si ina. "Oh anak, kamusta ka na? Ayos kana ba?" tanong ni ina. "Opo, ina. Maayos na ako. Salamat sa Ginoong iyan at nakapunta ako dito." sagot ko.
Napatingin siya sa akin at lumingon din ako sa kanya. Dahilan para magkatagpo ang aming mga tingin. Agad na lumingon ako kila ina para hindi nila mahalata na nagkatinginan kaming dalawa. "Oh kamusta kana, Santine? Ayos kana ba?" tanong ni Ate Anna. Napabuntong hininga ako. "Oo naman, Ate Anna. Maayos na maayos na ako. At tsaka kaya ko nang tumayo! Kaya umuwi na tayo!" pagmamandar ko!
Nauna na sila Ate Anna at Ate Mae. Kasi may pasok pa daw sila. Masyado daw masungit yong guro nila kaya ayaw nila mahuli sa klase nila. Maya-maya ay nauna narin sila ina at ama. May aasikasuhin daw sila. Kaya binilin daw ako nila ina at ama kay Nathan! Nung narinig ko yun kumulo dugo ko! Hindi ako kinikilig ako'y nagagalit! Pagkaraan ng ilang oras ay nagising siya.
"Magandang hapon, Binibini." masigla nyang bati. "Magandang hapon din, Ginoo." matamlay kong sagot. "Ibinili------" hindi na nya natapos yung sasabihin nya kasi agad akong nagsalita! "Oo alam ko! Binilin ka nila ama at ina para bantayan ako dito sa hospital!" mataray kong sabat. "Oo mabuti't alam mo. Nag-aalala tuloy ako sa'yo." nag-aalala nyang sambit. "Ah hindi ko kailangan ang pag-aalala mo!" mataray kung sagot.
YOU ARE READING
Unconditional Love
Novela JuvenilAng TUNAY NA PAG IBIG, ay iyo ding mararanasan sa pagdating ng TAMANG PANAHON.