"O-Oh... Oh my..." Napatayo ako sa kama habang nakatingin sa cellphone ko. Nanlalaki ang mata ko at nanginginig ang kamay ko.
Nakita kong nagising si Jimin sa pagkakatulog niya pero wala akong pakealam, masyado akong nakafocus sa cellphone ko ngayon at sa isang message na natanggap ko.
"Ano ba! Ang ingay mo naman!" Sigaw niya sa akin bago niya ako binalibag ng unan pero ng mapansin niyang hindi ko siya binalibag pabalik ay tiningnan niya ako ng maayos.
"Bakit ganyan ekspresyon ng mukha mo?" Tanong niya.
"OMG! OMG! Jimin! Jusko po Jimin!" Sigaw ko habang nagtatalon ako sa kama, napataas ang kilay niya bago niya inagay sa akin yung cellphone ko at pati siya ay nanlaki rin ang mata ng makita niya ang nakasulat doon.
May isang publishing company ang nag-ooffer sa akin na ipapublish nila yung libro ko na sinulat ko sa wattpad.
"Shit Rose, shit." Aniya habang nakanganga at nakatingin sa akin.
Panay na ang tili ko habang nagtatalon ako at winawagwag ko si Jimin pero hindi niya ako sinusuntok kaya sa tingin ko ay ayos lang na iwagwag ko sa kanya sa sobrang saya ko.
Narinig naming bumukas yung pinto at bumungad sa amin si Mommy at Daddy na parehong hinihingal.
"OMG! Mommy! Daddy!" Nagtatakbo ako papunta sa kanila bago ko sila niyakap ng mahigpit. Nakatinginan silang dalawa bago sila napatingin sa akin, nagtataka.
"May magpapublish ng story ko, OMG!" Sigaw ko.
Hanggang sa nakisigaw na rin si Mommy at Daddy, pero habang nagsisigaw kaming apat doon ay bilang huminto si Jimin at tiningnan niya yung cellphone niya.
"Rose, shit. Kanina pa pala nagsisimula yung party." Sabi ni Jimin.
Nakatulog kasi siya habang hinihintay niya akong mag-ayos para sa celebration party sa pagkapanalo ni Jungkook at Lisa, pero alam ko namang uhaw lang talaga sa party si Namjoon at Seokjin, kahit nga ata maihi lang yung palaka ay nagpapaparty na silang dalawa eh. Wala ng bago.
"Sige na, dy, my. Alis na kami ni Jimin." Sabi ko sa kanila bago ako humalik sa pisngi nilang dalawa.
"Sige, mag-ingat kayong dalawa ha." Sabi ni Mommy sa amin.
"Wait lang." Sabi ni Daddy kaya napatigil kaming dalawa ni Jimin sa paglabas ng bahay. "May dala ka bang condom, nak?" Tanong nito.
Napairap ako sa kawalan bago ko tiningnan ng masama si Daddy pero imbes na ipagtanggol ako ni Mommy ay natawa lang ito. Bihira lang kasi yung gantong magulang. Well, except nalang kung yung magulang mo ay typical bad girl and bad boy nung college days nilang dalawa.
Nakita kong nagtataka si Jimin sa sinabi ni Daddy pero hinila ko nalang siya palabas ng bahay namin bago niya inabot sa akin yung helmet niya.
"Para san yung condom? May balak ka bang i-seduce si Taehyung mamaya at makipag-sex sa kanya?" Tanong ni Jimin.
"Jimin, watch you words. Baka masampal kita." Sabi ko sa kanya bago ako umangkas sa motor.
"Type mo si Taehyung no." Tinusok niya yung tagiliran ko kaya naman tiningnan ko siya ng masama. "Nag-shave ka ba? Baka madisappoint yun." Biro pa niya sa akin.
"Jimin, isa." Banta ko sa kanya nakunware magbibilang ako.
"Admit it, gusto mo si Taehyung." Nang-aasar na sabi niya.
"Okay, fine. Gusto ko si Taehyung, happy?" Tanong ko sa kanya.
Mas lalong lumawak yung ngiti niya sa akin bago siya may kinuha sa bulsa ko at kinuha niya yung kamay ko, bago niya inilagay iyon.
BINABASA MO ANG
ROSALINE (Short Story)
FanfictionBTS & BLACKPINK; "My name is Roseanne but they call me Rosaline."