Chapter 2

992 12 0
                                    

Two years ago…

He was so excited… matagal niyang pinag-isipan ang gagawin niyang ito.  Bawat detalye ay pinag-aralan niya.  He wanted it to be so special na hindi makakalimutan ng girlfriend niya.

HE IS GOING TO PROPOSE TO HER, HE WANTED TO MARRY HER and he is on his way now to do it.  Halos isang linggong nawala si Maya dahil sa trabaho nito.  At sa isang linggo na yun napag-isip-isip niya na he wanted her to be always by his side.  Isang taon na rin silang magkasintahan and he thinks that now is the right time.

Dumating siya sa condo ni Maya. Ni hindi na siya kumatok, dire-diretso siyang pumasok sa loob ng condo nito and nothing can prepare him sa sumalubong sa kanya.

Maya and James Ventura, passionately kissing each other in the couch.

“M-maya…”

The two stop kissing each other and look at him.

“Ser Chief.” Si Maya.

He didn’t even wait for Maya to stop him.  Agad-agad siyang lumabas ng condo nito at patakbong tinungo ang elevator.   Nang nasa kotse na siya ay agad-agad din niyang pinatakbo ito.  Ilang oras din siyang paikot-ikot lang, ni hindi niya alam kung saan siya pupunta hanggang huminto siya.

Hinang-hina siya, he thought they we’re ok, that they are so in-love with each other pero bakit nagawa ni Maya ang bagay na yun sa kanya.

“Damn you Maya, damn you.”  Di namalayan ni Richard… umiiyak na pala siya.

***************

Present time…

“Good-evening Mr. Lim.”

“YOU???” he is so shocked to realize na ang babaing matagal na niyang iniiwasang makita, ito ngayon at nasa harapan niya… Si Maya.

“Yes it’s me, tuloy ka muna.  Mahirap mag-usap dito sa pinto.” Nakangiting sabi nito.

Ayaw man ni Richard na pumasok sa kuwarto ay napilitan siya.  Ayaw niyang isipin ni Maya na he is still affected by her pero sinong niloloko niya.  The moment na bumungad ito sa harap ng pintuan ay halos di na siya makahinga.

“So how are you?” tanong nito sa kanya ng makapasok na siya.

“I’m good and you?”

“I-i’m fine.”

Yes she looks fine, she looks beautiful.  Even more beautiful than before.  Richard ano bang mga iniisip mo, saway niya sa sarili.

“So you’re the one who bid for me?”

“Yes.”

“Nagbago ka na nga, bumibili ka na ng lalaki ngayon.” He’s insulting her.

Huminga ng malalim si Maya.  “Don’t flatter yourself too much Mr. Lim.  Mapagbigay lang talaga akong tao and since ikaw lang ang pinakamatino sa lahat ng lalaking nasa bachelor auction kanina, I’d rather go with you.  Sayang nga lang wala si James may flight kasi siya ngayon pero kung andun siya siguro wala kangayon dito.”  She’s challenging him.

“So second choice mo lang pala ako?”

“Hmmm, let’s just say that I don’t have a choice.”

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Richard sa mga naririnig kay Maya.

“Ok lang din naman.  Worth it ka naman sa ganung kalaking halaga.”

Maya slowly closes the gap between them.  Sobrang lapit na halos mahirapan ng huminga si Richard sa kung ano mang nararamdaman.

“Tell me Richard, di ka ba natutuwa na ako ang nakabili sa’yo?  Hmmm.”  She put her hands on his shoulder.

Maya’s voice was so soft para siyang hinehele.  He misses her so much.  He is so sure that she is going to kiss him and he automatically closes his eyes pero walang halik na dumampi sa mga labi niya.  Binuksan niya ang kanyang mga mata at nakitang nakatangin lang si Maya sa kanya, nakangiti ito.  Bumitaw ito sa kanya.

“I have to go, gabi na masyado.  Here.”  Kinuha niya ang kamay ni Richard at inilagay ang isang papel.  “I’ll see you tomorrow… babe.”  And she gave him a peck on the cheek and umalis na siya.

Naiwang nakatulala si Richard, nang makabawi ay naramdaman niya ang hawak na papel at binasa niya ito.  Nagsimula na namang kumunot ang noo niya.

“I really hate you Maya Dela Rosa.”

Written neatly on the paper were the following:

Saturday (Day 1) – 8:00 a.m. breakfast

Watch movies while hugging and kissing.

Lunch

Date preferably in Baywalk, eating balut and barbeque.

Dinner

S*X

Sunday (Day 2)  More S*X

Note:  You will be meeting me here in the hotel, same room number at 8:00 am sharp tomorrow.  Bring extra change of clothes, you will be spending two days and one night with me.  Attached is my calling-card, call me if you have any questions.

-roxygirl5-

The AuctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon