Pumunta na ko sa class. Kasama ko pala dito yung apat na babae kanina, tapos pinakilala namin yung mga sarili namin since bagong students nga kami.
After that, I went to the cafeteria at tinawag ako nila Rich sa table nila kasama sila Milliana.
At may chika ako sa inyo. They asked me to join their gang! How awesome and heartwarming is that? Kaso medyo nakakakaba.
Pagka uwian, dumiretso ako sa mall para gumala. Siyempre to unwind na din tsaka pag isipan yung about sa gang, kung i-aaccept ko ba o hindi.
"Miss, 1 mochi ice cream yung bubble gum, 1 order kimchi with rice and ddukbokki" order ko dun sa babae, gutom na ko eh.
Tapos pumunta na ko dun sa table ko, ang layo naman kase. Titikim na sana ko sa mochi ice cream ko kaso--
WTF?!
Somebody bumped me.
Nahulog yung ice cream, na sinundan ko yun ng tingin habang gumugulong gulong sa floor. My beloved, stress-reliever ice cream! Mabuti pa yung floor natikman siya!
I blinked three times tapos nag pout at ipinatong sa table yung serving ng meal ko. Buti nalang hindi natapon yun! Tapos pinulot ko yung mochi ice cream at tinapon sa trash can then I gave another pout. Mahal kaya yun! At syempre, kuripot ako kaya di na ko ulit bibili. Psh.
I crossed my arms and turned to the person who bumped me.
"S-sorry, miss." Sabi niya ng nagkakamot ng ulo.
Psh. Kung namatay ako dahil sa kanya, mabubuhay ba ako dahil sa sorry niya? Hindi naman kaya minsan naiinis ako lalo pag nag sorry yung mga tao. Eh kaso, hindi naman yata niya sinasadya talaga so...
Hingang malalim, Angel. "It's fine."
Magsasalita pa yata sana siya kaso I shook my head and went somewhere na malayo sa kanya to eat my meal. Mas okay nang lumayo since naiinis parin ako.
Pagkatapos kumain, naglakad lakad lang ako at window shopping. Gusto ko sana bumili ng gamit kaso ngayon uwi ni daddy at ayoko namang salubungin niya na puno ng bags yung kamay ko diba? Isa pa, I plan to walk home and there's no way na maglalakad ako pauwi ng maraming bags na dala.
I was planning to call mom and tignan na din sana yung current time, actually kinakapa ko na yung bulsa ko nung napansin kong wala dun yung phone ko.
Hala?
Tinignan ko sa loob ng bag ko and even sa loob ng bra ko. (Minsan kasi, lalo na pag may tournament kami nilalagay ko yun sa loob para di mahulog or sa case ng Philippines, para naman hindi ako ma hold-up) pero wala parin! Pati yung favorite hanky ko, wala! Anobanamanyan, Angel! Napaka clumsy mo talaga. Papagalitan nanaman ako ni mommy, pangatlong phone na yun this year.
I was stomping my feet na parang batang nagmumukmok nung naalala ko yung nangyari sa kanina. Baka naman mandurukot yung lalaki kanina? Baka dinukutan niya ako? Uso ba yun dito sa Seoul? Naman eh! Malay ko ba!
Napa pout nalang ako at alam kong nababalutan ako ng napaka itim na aura pagdating ko sa bahay. Kumakatok ako sa pinto nung si daddy ang nagbukas and, like magic, my black aura was gone!
"Daddyyyyyyy!" I shrieked and threw myself at him na para bang hindi kami halos magkasing tangkad lang.
Namiss ko daddy ko! Ilang months din kaming hindi nagkita due to his business. Oo na, minsan nabwibwisit na ako sa business namin. Lagi kasing wala parents ko at napaka loner ko.
Daddy patted my head at kiniss niya ako sa cheeks. "Hey, Angel. I missed you, too." Sabi ni daddy sakin.
Alam niya kasi na namiss ko siya kahit di ko sabihin. Like duh, di pa ba obvious?! Kinalas ko na sarili ko sa kanya at nag sign ng one second then went to mom at kiniss din siya. "Hi, mom! Namiss din po kita kahit magkasama lang tayo kanina!" Bati ko at tumawa naman siya.
Mom smiled kaso si daddy sabi "Where's your phone? Kanina ka pa namin tinatawagam eh kaso walang sumasagot." Usisa niya sakin.
Huhu. Lagot. Sabi na eh. I plan to not tell them sana hanggang di pa ko nakakabili ng bagong phone kaso may idea na yata sila.
I pouted at nagpa cute sa parents ko. Malay natin, tumalab at hindi magalit tapos bigyan ako ng pambili!
"Nawala po sa mall kanina eh. Uso po ba mandurukot dito? Nadukutan yata ako eh." Tapos kinwento ko sa kanila yung nangyari at tawa naman sila ng tawa nung nagrarant ako tungkol sa ice cream.
Oo na! Ako na isip bata. Ako na hindi makapag move on sa pag iwan sakin ng ice cream ko. Masakit kasi, alam nyo yun? Mahal na mahal ko yon tapos, nawala lang bigla sakin.
BINABASA MO ANG
The Gangster or The Good Boy? *On-Going*
Teen FictionWill she choose the good boy, or the one who is toxic for her being?