POEM #1 - Parting Bodies

45 0 0
                                    

  Sa isang relasyon, walang perpekto.

 Lahat maaring magbago.

Parang nangyare sa ikaw at ako,

 Impossible nang mabuo.


 Sa bawat araw dinadamdam ko,

 Ang hinanakit na iniwan mo sa puso ko, 

Tiniis ko, hinayaan ko.

 Tiniis ko, hinayaan ko.

 Tiniis ko ang kirot at hapdi sa dibdib kong naghihingalo na,

 Hinayaan ko ang bawat sakit na pumintig sa aking dibdib na tila na kaya ko na.

 Kaya ko na bang magisa? 

Kaya ko na nga bang maging masaya?


 Pero sa bawat pintig ng dibdib kong sumusuko na,

 Ang katawan ko na tila hinahanap ka,

 Hinahanap ang bawat pangarap at alaala nating dalawa.

 Hinahanap ang pagmamahal mong Hindi na maaring makita.


 Saksi ang mga bituin at ang kalangitan,

 Sa pagibig kong hinangad na iyong mapagbigyan. 

Mas pipiliing masaktan ng lubusan, 

 Kaysa kalimutan ko ang ating mga pinagsamahan

hindi ko magawang malimutan, 

pero kailangan ko ng lumisan ng tuluyan,

hanggang dito nalang, paalam.

A/N 

HELLO! This is my first time writing a poem here in wattpad. so please bear with me, beginner palang po hahaha! so, thanks for reading!  

  

POEM OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon