Chapter 13 *Big Big Bird!*

3.8K 63 5
                                    

[ 7am ]

Haay.. Ang sarap ng tulog ko. Feeling ko nasa Heaven ako. Tumingin ako sa Wall Clock. 7am. Maaga pa. 10 am ang pasok ko. Tatayo na lang sana ako nang mapansin kung parang may nakadagan sa akin.

Nang mapatingin ako sa paligid ko. Nakadapa pala ako. Ang ulo ko ay nasa malapad na katawan ni Razor. Ang isang kamay nito ay nakayakap sa akin at ang isang kamay ay nasa bewang ko. Nakatanday naman ang paa ko sa mga paa nito.

Mayamaya ay naramdaman kong humigpit ang yakap nito sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Napatingala tuloy ako dito.

Kitang kita ko ang mukha nito. There was already trace of muta and tulo-laway sa mukha nito. Pero Joke lang syempre. 

Gusto kong magfreakout kaso ayaw kumilos ng katawan ko. Masarap kasi sa feeling.

Hanggang sa nagmulat ito. Ako agad ang unang nakita nito. Ilang minuto rin kaming nagtitigan bago kami mahimasmasan.

Mabilis kaming naghiwalay at bumangon. Isa lang ang gusto kong sabihin.

AWKWARD!

Gusto kong sigawan ang sarili ko. Nakakahiya. Baka isipin nito gusto ko na siya. Teka, wala namang nangyari. Ano naman ikakahiya ko.

"Bakit nasa kama kita? Ginapang mo ba ako kagabi habang natutulog ako?"

"What?!" Nilingon ko ito. "Ako? Gagapangin kita! Kapal mo. Rule #1,2,4 & 5. Tandaan mo yan. Baka binuhat mo ako kagabi."

"Siguro. Mabait naman akong tao."

Napatingin ako dito. Nakangiti na ito. Wala nang sumpong. Haay. Buhay talaga. Tumayo ito at kinuha ang tuwalya sa drawer nito na katabi ko. 

Pagkakuha nito. Tiningnan ako nito bago maglakad papuntang banyo. Pero bumalik ulit ito sa akin at hinawi ang buhok ko.

"What are you doing?"

"Do you always look like this in the morning?"

"Yes, at wala ka nang paki----"

30 Days to LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon