💘THIRTEEN - CRY💘

4.8K 74 1
                                    

Klenton's PoV❤

Nagising ako sa sobrang liwanag kahit naka-pikit ako nasisilaw ako

Masakit ang ulo ko at nanghihina ako, ano bang nangyari?

Dumilat ako at nasa hospital ako, syempre luma na yung hala nasa langit na ba ako tssk

Tumingin ako sa buong paligid, ako lang magisa ang sakit naman

Biglang may nagplash sa CR ata yun at maya maya pa nag bukas ang pinto at lumabas dun si Cy

Tumingin sya sakin ng walang kagana gana

"Gising kana pala" bored nyang sabi at umupo sa sofa na nasa loob ng room ko, syempre nasa hospital parin

"Anong nangyari?" tanong ko, tumingin naman sya sakin

"Wala namang sinabi yung doctor na may amnesia ka ah" sabi nya tssk

Bigla ko naalala ang nangyari f*ck, si Kirst musta na kaya sya? Kailangan ko syang makita

Pinilit ko bumangon sa pagkakahiga pero inawat ako ni Cy

"Pre di kapa pwedeng tumayo" sabi nya at pinahiga ako ulit tssk

"Si Kirst asan?" tanong ko sa kanya, bigla syang nagseryoso

"Tssk ngayon naalala muna yung kagagohan na ginawa mo" inis na sabi nya alam ko naman yun tssk

"Asan nga sya?" inis na tanong ko sa kanya

"Nasa Private Room na" sagot nya pero seryoso parin

"Musta lagay nya?" tanong ko ulit

"Ok na pero di pa sya nagigising" sagot nya, tssk gusto ko syang makita

"Pre gusto ko syang makita" pakiusap ko sa kanya

"Wag mo ng naisin pa pre, baka mamatay kalang tuloy pag pumunta ka dun" seryosong sabi nya, bakit naman ako mamamatay naging halimaw ba si Kirst

"Bakit? gusto ko lang syang makita" pagpapaliwanag ko, totoo naman eh gusto ko syang makita

"Ayaw ka nilang makita pre, lalo na ang magkapatid" seryosong sabi nya ulit, galit sila ibig sabihin

Hindi ko na sya kinulit pa baka suntukin ako nito alam kung galit din sya, parang lahat naman ata sila tssk

Biglang nagbukas ang pinto at pumasok si Ron, may dala syang plastic at basket ng prutas tssk

Kasunod na pumasok is si f*ck si Megan ang baliw na baliw sakin tssk

"Hey babe" maarteng bati nya pero umirap lang ako tssk

"Hindi mo ba ako namiss?" pabebeng tanong nya tssk hinding hindi

"Ano ba ginagawa mo dito?" inis na tanong ko sa kanya, mas sumasakit ulo ko boset na babaeng to

MR. COLD HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon