Kirstel's PoV❤
may dala dala syang sanggol nakaka-anak lang din, nang manganak ang Mama mo pumunta sya sa pinaglagyan sayo at pinagpalit ang batang dala nya sayo, umalis sya ng dala ka, nakita namin sa CCTV lahat" pagkukwento ni Papa
"Kaya walang nakapansin na iba ang bata na pinakita sa amin kasi hindi namin alam na ganon ang nangyari, pero nagtaka si Lola nun kasi iba ang lampin na nakabalot sayo, sya ang nagburda ng pangalan mo sa lampin kaya alam nya, pero sabi nila baka pinalitan ng nurse" dagdag pa ni Lolo
Nakatulala lang ako sa mga nalaman ko bakit ginawa ni Tita Melissa ang lahat ng yun?
"Pa, bakit nagawa ni Tita Melissa lahat yun?" tanong ko kay Papa, nagkatinginan muna sila ni Lola
"Si Tita Melissa mo ang Ex Girlfriend ni Papa mo, Mahal na Mahal nya Papa mo kaya nung nalaman nya na gusto ni Papa mo si Mama mo, gumawa sya ng mga paraan para hindi magustohan ni Papa mo si Mama mo isa na dun ay ang pagkukunwari nyang buntis sya at Papa mo ang Ama, pero hindi kami naniniwala sa kanya, at kaya sya mas nagalit ay ang ipakulong ni Papa mo ang asawa nya dahil pinagtangkaan ng asawa nya na galawin si Mama mo pero nalaman agad yun ni Papa mo kaya napigilan ang plano nila, kaya ka kinuha para ikaw ang iganti sa mga nangyari sa kanya, at mabuti at pinalayas ka nya kung hindi hindi ka namin makikilala siguro patuloy parin kami magbubulag bulagan sa mga nangyayari" paliwanag ni Lola, ex girlfriend ni Papa ang bruha na yun, ang sama pala talaga ni Tita
"Pero ngayong alam na namin lahat, hindi kami papayag na walang kabayaran lahat ng ginawa nila sayo" sabi ni Lolo na nagpipigil ng galit, bawal eh baka atakehin sya sa puso
"Lolo, Lala, Papa? Alam ba ni Mama?" tanong ko sa kanila
"Hindi pa Apo" sagot ni Lolo, kaya pala wala sya
"Sasabihin namin pag hindi na mainit dugo nya sayo, Minahal na ng Mama mo ang batang pinalit sayo" paliwanag ni Papa, bakit ako hindi nya ba ako Mahal huhuhu
BINABASA MO ANG
MR. COLD HEARTED
RomanceMay isang simpleng babae na makakakilala ng isang mayaman na lalaki. Ang lalaking ito ay Cold hearted at Hindi sya marunong magmahal pero nagbago yun nung makilala nya si babae Ano kaya ang mangyayare sa kanila? Magkakasundo ba sila? Kakayanin kaya...