May mga pagkakataon talaga sa buhay na hindi natin alam kung maniniwala ba tayo o hindi. Kahit nasa harap na natin yung mismong ebidensya, nandun pa rin yung natural na ugali nating kumontra. Halimbawa kapag nakakita tayo ng babala sa pader na "wet paint", hahawakan pa rin natin yun. O kaya kapag alam na nating mabaho ay aamuyin pa lalo. O kaya kapag merong mahikero tapos sasabihan natin na peke. Siguro ganun nga, gusto kasi nating makasigurado. Ayaw nating magkaroon ng pag-aalinlangan.
Wala naming masama dun. Yun na siguro ang isa sa mga pinakamaganda nating ugali. Ang pagiging mapanigurado. Hindi pwedeng basta basta lang natin naririnig o nakikita, dapat nararamdaman din natin. Yun yung tinatawag nilang curiosity. Ang gandang pakinggan. Pero sa parehong paraan ay hindi rin. Kasama nyan ang risk. Hindi pwedeng hindi ka mahihirapan bago ka matuto. Ang hassle no? Kaya siguro magandang respetuhin na lang natin yung mga bagay na hindi natin naiintindihan at tanggapin na nag-eexist sila.
Ngayon, kapag sinabi ko sa yo na totoo ang mga alien at kaibigan ko ang isa sa kanila, maniniwala ka ba? Siguro oo. Siguro hindi. Depende.
************************************************************************************
Yan ang usapan naming ng kaibigan kong si Gelo. Dahil unang araw ng klase, maagang nagpauwi ang prof namin. Umalis na ang karamihan sa mga kaklase ko at konti na lang ang natira. May kanya-kanyang pinagkakaabalahan. At ganun din kami ni Gelo. Di ko alam kung pano nagsimula ang mala-deep shit naming usapan pero sa pagkakatanda ko ay tinanong nya ko kung napanood ko na ba yung pelikulang IT.
"Shit naman pre. Grabe naman yung sinabi mo. Pero alien na kaibigan huh? Pano mo naman nalaman na alien yung kaibigan mo na yun?"
Paano ba ipakita ang mga alien sa pop culture?
"Hm... parang may powers sila tapos sobrang talino. Minsan walang emosyon. Parang ganun."
May nakalimutan ka pa.
"... Ah, kamukha sila ng mga tao! Ganun daw yun kasi parang nag-aadapt yung katawan nila sa kung ano ang nasa paligid nila. Parang paraan nila yun ng survival."
Nice, nerd ka nga. Ang dami mong alam tungkol sa kanila.
"Oy hindi naman. Mahilig lang talaga ako maniwala sa sci-fi. Ang saya kaya manood ng mga explanation tungkol sa universe and shits. Mas mukha ka pa ngang nerd kesa sa kin eh."
Dahil lang yan sa salamin ko.
"Hahaha. Basta talaga kahit sino magsuot ng salamin nagiging nerd talaga eh. Galing e no? Parang may magic."
Hindi naman palagi. Yung iba nagiging cute, tulad ko. Wala ka na bang tanong? Aalis na ko.
Napakunot ang noo ni Gelo sa sinabi ko. "Kita mo, totoo nga ang mga alien. Seryoso ka ba sa sinabi mo? O gusto mo ng sapak? Tsaka ba't aalis ka na?"
Napabuntong-hininga ako. "Syempre joke lang yun. Di na ko uulit. Aalis na ko kasi pupunta pa ko sa guidance office."
Lalong kumunot ang noo ni Gelo at napanganga. "Ha? Guidance office? Rit naman, first day pa lang may offense ka na agad? Nagbago ka na pre, nagbago ka na."
"Wag ka ngang OA dyan. Eto o, basahin mo." Inabot ko sa kanya yung cellphone ko at pinakita yung text sa kin.
"Wait, galing sa ate mo? Wait nga. [Rit, nakausap ko na yung discipline unit. Naasikaso ko na rin yung mga requirements mo. Pumunta ka na lang dun at ipakita ang id mo. Hanapin mo si maam lisa. Good luck and wish you all the best. Baka umuwi na ko dyan sa susunod na buwan. Baka kasi namimiss mo na ko. Wag mong sasabihin kay papa. Okay ha? Sige goodluck!] Ano nga ulit sports ng ate mo?" tanong ni Gelo.
YOU ARE READING
Grade 300
Teen FictionAng buhay ni Rhythm Reyes kasama ang isang babaeng alien... o alien nga ba?