ÂPROLOGUE
Ding dong.. ding dong..
Ding dong.. ding dong..
Ding dong.. ding dong..
"What the hell------- pupungas pungas na pinilit kong idilat ang aking mga mata. "Anong oras na ba?!" wala sa sariling hinawakan ko ang alarm clock na nasa kanang bahagi ng end table. Muntikan pa nga iyong malaglag dahil padarag ko iyong inabot. " It's 3 am in the morning, sino namang siraulong mang iistorbo sa akin ng ganito kaag-------
Ding dong.. ding dong..
Ding dong.. ding dong..
" Tangna Martin oras lang malaman ko na ikaw yan! Bubunutin ko lahat ang buhok mo sa ibaba!!!"
Ding dong.. ding dong..
Ding dong.. ding --------
Punung puno ng inis na inalis ko ang comforter na nakatakip sa pang ibabang katawan ko. Panandalian akong umupo sa kama at hinawi ko ang kurtinang nakatakip sa malaking bintana ng aking silid. Madilim na madilim pa ang paligid. Ang tanging naaaninag ko ay ang mga ilaw na nagmumula sa mga building, condos na nakapaligid sa penthouse na kinalalagyan ko.
Ding dong.. ding dong..
" Fvck! Oo nandyan naaa!" malakas na aking sigaw habang pinupulot ang pajamang nasa paanan ng aking kama. Wala akong saplot kung matulog, ayaw ko kasi ng sagabal sa pagkilos sa gabi dahil naiinitan ako at naiirita.
YOU ARE READING
Men of Honor Series (4) : Atty. Matheo Liel Nicol
HumorMen of Honor Series (4) : Atty. Matheo Liel Nicol