3M

3.8K 78 7
                                    







KABANATA 1








"What the fvck! "


" Pakyu ka rin , Gago!! " tulala lang akong nakatingin sa kanya habang nakanganga ng bahagya. Ilang beses pa akong napalunok ng laway habang pinagmamasdan ko ang namumula niyang mukha, leeg at ang lantad niyang balikat. Putcha! Ang hot! Pakyu daw ako eh kung gawin ko nga talaga sa kanya iyon? Papalag ba siya? Lalabanan niya ba ako?





Punyeta!! Ilang beses kong ipinilig ang aking ulo dahil sa kung anong pinag iisip ko. Talaga bang sinabi niya iyon?  Langya Maxene the second yata ang babaeng ito. Kailiit liit na tao pero ang bunganga kasing garapal ng kapatid kong babae. " O? bakit ganyan ka makatingin Tanda? Ngayon kalamang ba nakarinig ng babaeng nagmumura?  Ngayon ka lamang ba  nakasagupa ng kagaya ko? Pwes! Ngayon pa lang masanay ka na dahil matagal tagal tayong magsasamang dalawa."  Huminto ito pansamantala at taas kilay na pinagmasdan niya ang pagitan ng aking mga hita na lalong nakapagpainit ng aking buong katawan, nanadya ang babaeng ito. " And please, pakirendahan ang alaga mo sa pagitan ng iyong mga hita dahil hindi ako pumapatol sa DIRTY.OLD.MAN."








Pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang galit, sumusobra na ang batang ito sa panlalait sa akin ah! Kanina matanda na lang ngayon dirty old man na!! Im only 27 years old for fvck sake! Hindi naman ako ganung katandang tingnan! Kung makapagsalita siya--------- aalma na sana ako ng mapagtanto kong wala na siya sa aking harapan. Kunut noong binalibag ko pasara ang pintuan ng aking penthouse. " Hoy! Bata!  Bahay ko ito!! Wala kang karapatan na basta basta pumasok kasi pwedeng pwede kitang kasuhan ng trespassing. At para sabihin ko sayo hindi ako matandang uugud ugod at ulyanin!!" malakas na hiyaw ko na may kasamang galit dahil baka sakaling marealize niyang pamamahay ko to!! Ngani ngani ay magmura ako at ibalibag ko ang maleta niyang nasa living room na malapit sa kusina. Kunut noong pinagmasdan kog mabuti ang aking nilalakaran. Ang kapal ng mukha ng batang iyon ah! At saka papaanong mangyayaring ako ang legal guardian niya kung wala naman akong natatandaan na pinirmahan na kahit anong papeles ng hindi pinag aaralang mabuti. At saka oo kilala ang kanyang ama dahil ako ang umayos nga mga properties niya or in other words ako ang nag ayos ng last will testament niya para sa maiiwanan nito. Pero wala akong natatandaan kahit katiting----------





" Fvck!!!" muntikan na akong madapa at mawalan ng balanse ng mapatid ako sa kung anong bagay na nasa lapag. Walang abog ko iyong inabot at doon ko napagtantong sandals niya iyon. Feel at home na feel at home siya! Ni hindi pa nga ako pumapayag. Hindi ko siya kilala maliban sa kanyang pangalan. Basta na lamang siyang darating sa harapan ng pintuan ng penthouse ko na akala mo kung sino at magdedemand ng kwarto dahil inaantok na siya sa sobrang pagod  at aasta na akala mo ay may karapatan siyang gawin ang lahat ng kanyang naisin. Hindi ako makakapayag!!  Hindi ako makakapayag na tumira kami sa iisang bubong. Hindi maaari! Dahil base sa reaksyon ng aking katawan---- wala pang isang linggo may mangyayari na sa amin at sa loob ng isang buwan dala dala na niya sa kanyang sinapupunan ang aming magiging supling! And for Christ sake!!  Wala pa yatang 19 ang batang iyon na nagmamay ari ng napakaseksing katawan!!!





Men of Honor Series (4) : Atty. Matheo Liel NicolWhere stories live. Discover now