Kabanata 2Nganga ako sa sobrang sarap ng aking pakiramdam. Kagat labi at nakapikit pa ang aking mga mata lalo na at lumapat na sa ibabaw ng aking itim ng boxershort ang bulsa de yelo na kinuha ko sa pridyider kanina. Pinalitan ko ang aking pajama ng boxer sa banyo sa kusina. Gustuhin ko mang sa mismong banyo ko sa kwarto, hindi ko magawa dahil nandoon ang batang iyon na makapal ang mukha, pilya pero ubod ng ganda. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang nangyari kanina. Hinawakan niya eh, nope------- nilapirot niya kaya agad akong nagpunta sa ibaba para icheck ng mabuti sa banyo kung naputol niya ang MIGHTY EAGLE KO. Kasi parang namanhid tapos masakit. Ilang beses ko pang hinaplos at hinawakan para masuri ko ng mabuti. Mabuti na lamang at kamay lang niya na nakakapaso ang humawak na hanggang ngayon pakiramdam ko minarkahan niya ako. Kasi sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, nakikita at nararamdaman ko pa rin ang lapirot niya doon.
Humilig ako sa beanbag chair na nandito sa may paanan ng kama. Nilasap ng aking ibaba ang kaginhawaan na tinatamasa niya ngayon. Huminahon na rin sa wakas ito dahil kanina halos humulagpos iyon sa aking pajama dahi sa batang iyon na kung makalait sa akin ng matanda ay wagas na wagas!!ploook-----------
" Fvck!!" nabitawan ko ang bulsa de yelo at parang tangang hinaplos ko ang parteng tinamaan sa aking dibdib na mabigat na bagay na iyon. Wala pa, I swear wala pa kahit sinumang nakagagawa sa akin nito bukod sa kapatid kong si Maxene na matigas ang ulo. Ang iba titigan ko pa lang nangingilag na, muestrahan ko pa lang umaatras na pero ang babaeng nene na it-------------- ay sumusobra na tala-----------
Naningkit ang aking mga mata ng makita ko kung ano ang ibinato niya sa akin. Isang bote ng lotion na hindi pamilyar sa akin. Nasa lapag na iyon kasama ng bulsa de yelo kong nahulog.
Tiim bagang kong tiningnan ang pinanggalingan ng lotion na iyon pero hindi ako naging handa sa bumungad sa aking paningin. Putcha!! anak ng tipaklong Theo!! masusubukan talaga ang tatag at pagpipigil mo! Pede na ba akong magdasal?
Aba Ginoong Maria napupunuan ka ng grasya ang panginoong diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ng anak ni Hesus. Santa Maria Ina ng Diyos------------ nagdadasal ako sa aking isipan pero alam kong mali mali na ang aking mga sinasabi.
YOU ARE READING
Men of Honor Series (4) : Atty. Matheo Liel Nicol
HumorMen of Honor Series (4) : Atty. Matheo Liel Nicol