SEEN

38 7 2
                                    

Bahala na si batman sa gagawin ko. Sana talaga makausap ko sya. Malay nyo magbago isip nya? Malay nyo mahal nya pa ko? Sana.

Binuksan ko yung computer ko. Naglog in lang ako sa facebook. Oo,eto ang plano ko ang ichat sya,sasabihin ko lahat pati yung nararamdaman ko pero ewan ko lang kung magwowork to. Pero masama bang itry?

Nakalogin na ko sa facebook. Hinanap ko sya sa chatbox ko. At yes! Online sya! *u*

Inhale exhale lang Patrisha. Kaya mo yan!

Kinakabahan ako. Jusko! Lord,kayo na po ang bahala saken.

Hi Troy! Nakakamiss ka din pala. Hehe :) Sorry sa lahat ah? Sorry talaga! Sana mapatawad mo ako. Ang tanga ko kase eh. May gusto lang akong sabihin sayo....

Mahal kita Troy. Hindi ko kayang nakikita kang may kasamang iba. Sana mahal mo pa din ako. Kase ako mahal na kita Troy. Saka ko lang nalaman na mahalaga ka nong umiwas ka saken. :( Kumain ka na ah? Wag magpapalipas! <3 :)

Yan. Yan ang sinabe ko sakanya. Laking tuwa ko ng makita ko sa screen na Troy is typing....

Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Ano kayang reply nya?

Pero biglang gumuho ang mundo ko ng nakita ko ang mga salitang 'yon

SEEN: 10:15 PM

-

SEEN(FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon