Prelude

837 30 9
                                    

"Mahal kita, Summer." Huminga siya ng malalim pagkasabi ng pangalan ko sabay lagay ng mga kamay niya sa bulsa ng suot niyang pantalon.

"You had my heart since that day you punched my nose. Di ko akalain na yung batang babae na yun pala ang magiging first love ko..." umiling siya habang nakangiti tapos ay humakbang palapit sa akin. "Naalala mo pa ba? Simula pa lang ikaw na."

"I'm sorry it took me this long to tell you this but, w-will you be my girl?"

Kita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Ang tagal kong hinintay 'to, yung sabihin ng lalaking mahal ko na mahal niya rin ako. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Kilala ako dito sa school, ako ang tinitingala nilang lahat. Habang siya, parang nerd na binubully nila.

"Guys, tignan niyo oh! Nagtatapat yung nerd kay Summer! Hahaha!"

"Yuck! As if naman na papatulan siya ni Summer!"

Rinig kong sabi ng mga estudyanteng nakapaligid samin. Gusto kong isigaw na napaka-judgemental nila. Na di nila kilala ang taong nasa harap ko para husgahan siya ng basta-basta lang.

Pero di ko magawa. Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Parang biglang nanlambot ang mga tuhod ko.

"Lakas naman ng loob mo, nerd!" Sabi ni Oliver sabay tulak sa kanya. "Gumising ka nga sa kahibangan mo!" Hinawakan niya ito sa kwelyo habang umaamba ng suntok.

"Stop it, Oliver!" Pigil ko sa kanya.

"Oh come on! Don't tell me pag-aaksayahan mo ng oras yang lampayatot na yan?" sabi niya sakin habang tinititigan ako.

"Dude, wag kang KJ! Hintayin natin kung anong gagawin ni Summer!" sigaw ng isa niyang kaibigan.

"Oo nga! She's going to break his heart. This is gonna be fun!" rinig kong sabi ng babae sa tabi ko.

Lahat sila hinihintay kung anong gagawin ko, kung anong sasabihin ko. Nakapalibot na silang lahat sakin, saming dalawa.

Napatingin ako sa mga mata niya, sa mga matang sakin lang nakatingin. Siguro kung dati niya pa ginawa 'to, di kami hahantong sa ganito. Siguro kung nasa mas pribado kaming lugar at di nakatayo sa gitna ng hallway na 'to, siguro iba ang gagawin ko.

Siguro iba ang mga salitang lalabas sa bibig ko.

Ibang-iba.

But I had no other choice. I have a reputation to take care of. Marami na kong sinakripisyo para makarating dito. Kaya kahit na masakit para sakin, kahit na labag sa damdamin ko, I said the words that I know would crush him to pieces.

"Tss, nananaginip ka ba? What made you think that I will return your feelings? Get lost, nerd!"

I saw different emotions play in his eyes. Pero may isang nangibabaw, pain. He's in a lot of pain. At ako ang dahilan nun. Di ko napigilang kagatin ng madiin ang labi ko.

He smiled painfully at me habang umiiling. Pagkatapos nun, wala na. Naglaho ng parang bula ang emosyon sa mga mata niya. Mas okay pa sana kung sisigawan niya ko, kung magagalit siya sakin. Pero hindi, all I saw was emptiness in his eyes. Then he turned around and walked away.

Away from me...

Rinig ko ang tawanan ng mga estudyante sa paligid. Hinila na rin ako ni Oliver pero di ako makagalaw, nakatingin pa rin ako kung saan siya nakatayo kanina.

Bakit ganun? Pakiramdam ko ako yung napahiya? Ako yung pinagtawanan? Nung tumalikod siya at umalis, pakiramdam ko kinuha niya yung puso ko at paulit-ulit niyang tinapakan?

Sinaktan ko ang bestfriend ko, yung nag-iisang taong nakakaintindi sakin, yung taong palaging nandiyan tuwing kailangan ko siya.

Yung taong mahal ko.

You're fvcking stupid, Summer! Fvcking stupid!

Summer's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon