The Cool Kids

281 17 7
                                    

Naging close kami ni Oliver pagkatapos nun.

Palagi niya kong sinasabayan sa library tuwing mag-aaral ako para sa mga subjects namin. Madalas din kaming sabay gumawa ng mga assignments. Tinuturuan ko siya palagi kapag may mga di siya alam. Nakasanayan na namin yun at parang naging routine na namin ang pagpunta sa library ng magkasama.

Pinakilala ko rin siya kay Winter. Syempre kailangang makilala ng bestfriend ko ang bago kong kaibigan. Ok naman sila pero napansin kong pagkatapos nilang magkamayan, di na sila ulit nag-usap. Siguro ay di pa sila komportable sa isa't-isa.

Lumipas ang mga araw na madalas si Oliver ang kasama ko. Nakakasabay ko lang si Winter tuwing pagpasok at pag-uwi.

Buong 9th grade, naging "study buddies" kami. Madalas kapag natatapos ang periodical test namin, yayayain niya kong mag-unwind. Kakain lang kami sa mga resto tapos tatambay sa mga sikat na "hanging out spots" malapit sa school. Inaangkas niya ko sa motor niya -Ducati- kahit na wala pa siyang lisensya para magdrive. Nung una, nagdadalawang-isip pa ko dahil di pa ko nakaka'angkas sa motor. Pero pinilit niya ko at di kalaunan, nagustuhan ko narin. Iba kasi yung feeling, yung thrill na delikado pero masarap. Adrenaline rush, ika nga. Oo, dun ko lang narealize na masarap palang umangkas sa likod ng motor.

Di ko naiwasan na makilala ang iba pang kaibigan ni Oliver. I became a permanent fixture sa social circle nila dahil palagi kaming magkasama. Napansin ko agad ang pagkakaiba ng nga kaibigan niya sa mga normal na estudyante ng West View. Mga sikat kasi sila, yung tipong sa sobrang cool nila, mapadikit ka lang ay mahahawa ka na sa aura nila.

Kaya naman nung umpisa ng 10th grade at niyaya nila akong mag-bar, agad akong pumayag. I was curious, gusto ko rin kasing maramdaman kung ano yung feeling na makasama sila. That was the first time that I drank alcohol, with Oliver and his friends.

Napansin ko rin ang pagbabago mula ng mapasama ako sa kanila. People started recognizing me. They refer to me as Summer, the girl who's always with Oliver and the cool kids. Not the outcast Summer who's a  nerd.

And somehow, it made me feel like I hold some kind of power because they recognize me. Like I finally belong.

I started going to parties with them. I experienced drinking a lot more, wearing the kind of clothes that I usually don't wear. They also offered me a stick of cigarette before, but I refused. I hate the smell of it. That's one of the vices that I'll never dare to try.

But it doesn't stop me from hanging out with people who smoke.

Unti-unting nagbago ang pananaw ko sa mga bagay-bagay. I loved the attention, the power, the feeling of being in control of things.

I loved the change.

At dun nagsimula ang lahat. Ang pagbabago ni Summer Clemente.

Nabawasan ang oras ko para kay Winter. Alam niyang palagi kong kasama si Oliver at ang barkada nito, at palagi niya rin akong pinagsasabihan sa mga kilos at galaw ko.

But I just shrugged him off.

Kaibigan ko siya at di magbabago yun, pero I need to have other friends as well. Yun ang tumatak sa isip ko. I need to get myself out there.

Di ako napigilan ni Winter lalo na sa mga parties at bars tuwing niyayaya ako ng barkada. Palagi naman akong nagpapaalam sa Mama ko na mag-oovernight lang sa bahay ng isang kaibigan para gumawa ng project. Dumating pa sa point na nagalit sakin si Winter dahil nagrerebelde na raw ako. I just said that I'm having fun.

Ang nakakagulat pa, hindi na ulit ako binully ng grupo ni Aya. Minsan ay nakakasama ko siya sa parties pero di niya ko pinapansin. It's as if I don't exist. Pero mas okay na yun, 'cause as far as I'm concerned, she's just a bimbo who loves attention as much as I do.

Summer's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon