"Yuson Perez! What the hell were you thinking?!" sabi ng manager niya sa kanya, "Nag syota syota ka pero yung career mo hindi mo maayos ayos?! Tapos yung girlfriend mo pa anak ng kalaban nating kompanya! Alam mo ba kung ano ano na ang sinasabi sayo ng mga fans mo? Kumakapit ka daw dito kay Elisha kasi palubog na yung career mo at kapag tuluyang kang natanggal dito sa TV1 may sasagip daw sayo kasi anak siya ng may-ari ng NTV! Jusko, ano bang nangyayari sayo?"
Andito kami ngayon sa TV1 Entertainment, isang entertainment group kung saan nagtratrabaho si Yuson bilang artista at singer. Ngayon ko lang din nalaman na ex-girlfriend niya pala ang ngayong girlfriend na ng ex-boyfriend ko, si Acantha Tomas. Dati lang silang mag on-screen partner hanggang sa naging totoo.
"Edi pagtakpan niyo rin 'to, tulad ng pagtakip niyo ng katotohan noon. Doon naman kayo magaling diba? Bakit ko aayusin ang career ko eh hindi naman ako sumira non?" sabi niya sabay tawang asiwa, tumingin siya sakin at hinawakan ang kamay ko sabay taas nito, "Masama bang maging masaya? Wala na akong pake sa sabihin ng iba. Mahal namin ang isa't isa" sabi ni Yuson na ikinagulat ko, "P-pero-" magsasalita sana ako ng biglang kong maramdaman ang pag higpit ng hawak ni Yuson sa kamay ko, "Kung wala ka nang ibang sasabihin, aalis na kami" sabi niya sabay tayo at hawak ng kamay ko.
Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang top floor button, hawak hawak niya parin yung kamay ko kaya nakatingin lang ako sa kanya. Bigla naman siyang napatingin sakin kaya napaiwas ako ng tingin. Ngumisi naman siya, "What? You pity me?" sabi niya, "H-hindi, yung kamay ko kasi.." sagot ko sa kanya, napatingin naman siya sa kamay kong hawak niya at binitawan niya agad, "S-sorry" sabi niya, magsasalita pa sana ako ng bumukas ang elevator.
"Follow me" sabi niya sabay labas ng elevator, pumasok siya sa isang makitid na butas malapit sa gilid ng elevator, "Huy Yuson! Saan ka ba pupunta" tumalikod siya ng bahagya at ngitian lang ako, tinaas niya ang kamay niya ng bahagya na para bang inaalay niya ang kamay niya sakin kaya naman lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.
Dumating kami sa isang sulok kung saan may pintuan, kumatok siya dun at ilang segundo lang ay bumukas ang pinto at bumungad samin ang isang poging maliit, "Uy Perez, long time no see" binitawan saglit ni Yuson ang kamay ko at niyakap ang lalaking nagbukas ng pinto samin.
"Musta Tomas, ikaw lang andito?" sabi ni Yuson sa lalaki sabay hawak ulit ng kamay ko, "Ayos lang naman, bumaba lang saglit si Rafael. Tinawag ng manager niya. Teka, pasok muna kayo" sabi naman niya sabay ngiti
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Hi Elisha" sabi niya sakin, "K-kilala mo ako?" napatawa naman siya at kinurot ang pisngi ko. "Ang cute mo pala talaga! Syempre kilala kita, nakwekwento ka samin ni Asher noon!"sabi niya sakin na ikinagulat ko pa lalo, "Kilala mo si Asher?!" tanong ko sa kanya, napatawa naman siya sabay tango sa tanong ko, "Magkakaibigan kami dati" bulong niya sakin