hb | 01

1.2K 49 17
                                    

chapter 1

-

"Isha bumangon ka na diyan! Ilang buwan ka na nagmumukmok dito sa bahay niyo! Hindi ka ba nababagot! Kasi ako bagot na bagot na ko! Lumabas naman tayo like partying, shopping kasi you know malapit na magpasukan tapos andiyan ka lang sa bahay niyo nagpapakabulok! Sayang ganda gurl?! 'Di mo ba alam na ang dami daming lalake diyan mas gwapo, mas gentleman, mas caring, mas sweet, mas yummy kaysa sa Asher Sarate na yan? Girl bangon na! Ihahanap kita ng bagong fafa!" sabi ni Brielle sa telepono.

"Aga aga pinuputakan mo nanaman ako, para ka talagang nanay ko eh. Eto na nga bumabangon na, saan ba tayo magkikita?" tanong ko sa kanya

"Yes! Usual spot. UP Town ha! 5 pm" sabi niya naman, "Oo oo sige good bye" sagot ko sabay baba agad ng telepono.

Yung nga pala si Gabrielle Simondo pero Brielle tawag sa kanya ng karamihan, siya yung pinaka unang naging kaibigan ko nung lumipat ako sa UP para sa college. Ako naman si Elisha Andrada, second college student and heartbroken dahil lang naman kay Asher Sarate, isa sa mga pinaka sikat na estudyante sa university namin dahil sa talent niyang kumanta. Ang ganda na ng boses ang gwapo pa, madali nga lang magpalit ng babae. Parang mas madalas pa ata siyang magpalit ng babae kesa sa pagpapalit niya ng brief niya.

Tumayo ako mula sa kama ko at naligo. Pagkatapos kong maligo agad akong nagbihis at sumakay ng kotse para pumunta sa meet up place namin ni Brielle. Mga ilang minuto lang ay agad akong nakadating sa pinag usapan naming lugar.

Pagkatapos kong iparada yung kotse agad akong bumaba at nilock iyon. Habang naglalakad ako papunta sa meet up place namin nag ring naman yung phone ko. Kinuha ko sa bag ko at binuksan 'to.

From: Brielle

Ishaaaa, medyo malelate ako ha! Ikot ikot ka muna diyan sa mall kung nakarating ka na. Sorry! Traffic kasi eh! Text kita pag nakarating na ako.

As expected of Gabrielle Simondo, siya nagyaya lumabas pero siya yung late. Magrereply na sana ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko napalingon ako at nakita ko si Asher.

"Elisha ikaw nga!" sabi niya at niyakap ako. Shit.

Sa dami dami ng araw na pwede ko siyang makita. Bakit ngayon pa? Ngayong pang sinusubukan kong maging masaya.

Humiwalay ako sa yakap niya at nginitian siya, "Long time no see" sabi ko sa kanya.

"Oo nga eh, kamusta na?" tanong niya, Gabrielle where are you now that I need you?!

"Okay lang naman ako, ikaw-" naputol yung sinasabi ko ng may tumawag sa pangalan niya.

Niyakap naman niya yung babaeng yon at ipinakilala sa'akin, "Ah babe, tapos ka na?" tumango naman yung babae hanggang sa nakita niya ako.

"Oh! You're Elisha Andrada right? Nice to meet you!" masigla niyang sabi sabay abot ng kamay niya sakin.

Pero tinangihan ko yung kamay niya, "Uh, Elisha, si Acantha nga pala girlfriend ko" sabi ni Asher.

Girlfriend ko, parang gumuho yung mundo ko nang marinig kong lumabas sa sariling bibig niya yon. Ilang buwan nang lumipas pero bakit hindi ko padin tanggap na hindi na ako yung mahal mo Asher? Bakit ang hirap mong pakawalan?

I laughed bitterly, "Halata naman na girlfriend mo siya, hindi mo na kailangan ipamuhka sakin" sabi ko sa kanya then they both froze, "Uh, are you alone?" tanong niya ng biglang may lalaking dumaan sa harap namin.

"Love!" hinila ko yung braso niya at niyakap siya, "Kanina pa kita hinahanap! Andito ka lang pala!" bigla siyang tumingin sakin at binigyan ako ng 'anong-ginagawa-mo' look kaya naman binigyan ko siya ng 'makisakay-ka-please' look

"Yuson? Girlfriend mo si Elisha?" tanong ni Asher sa kanya pagkatapos naman ay inakbayan niya ko, nakahinga naman ako ng maluwag ng akbayan niya ako. Buti nalang mabilis makapick up tong si Kuya.

"Oo, girlfriend ko 'tong si Eliza" sabi naman niya kaya napaface palm ako mentally. Elisha pangalan ko kuya. Hindi Eliza. Elisha po.

Bigla naman umalis si Acantha which is weird, "A-ah, sige una na ako. Nice to see you again Isha. I'm happy for you two" sabi ni Asher at sinundan si Acantha.

"Great. Another issue" bigla akong bumalik sa realidad ng magsalita si Kuyang hinatak ko tapos inalis ko yung braso niyang naka akbay sakin.

"Uh hey. Salamat sa pag sakay ha? Thank you and bye" sabi ko sa kanya, gwapo siya pero ang laki ng tenga niya. Tumalikod na ako para umalis pero hinigit niya yung braso ko.

"Wait, hindi pwedeng umalis ka nalang bigla bigla" he said then sighed, "Kailangan mong panindigan yung sinabi mo kanina" he added.

Panindigan? Uhm, did I make him pregnant or something?

-

hatak boyfriend | p.cyWhere stories live. Discover now