June 06, 2005, Unang araw ng pasukan sa St. Jude College where i decided to take up fine arts. Ito ang unang araw na nakaramdam ako ng sobrang kabog sa dibdib ko na para bang gusto ng kumawala ng puso ko sa dibdib.
Hindi kasi ako sanay na makipag-socialize. Ewan ko ba naman sa akin at dito pa sa sikat at maraming tao ko naisipang mag enroll eh. Pero hayaan na, kilala kasi 'tong College na 'to lalo na pag dating sa advertising arts.
Hinatid lang ako ng kuya ko gamit ang sasakyan niya, hindi kasi ako sanay mag commute ng sobrang layo. Naisipan ko nga na maghanap na lang ng boarding house para hindi na masyadong gahol sa oras pero ayaw naman ng kuya..
Sa Open ground lahat dumiretso ang mga freshmen, may welcoming party kasi para sa amin ang dean. Maraming ornasyon at ritwal silang ginawa bago nagsimula ang party.
Ako as ussual ay nakatengga lang sa kung saan at naghihintay na matapos ang party. Umakyat ako papunta sa bleachers, dahil out of control na ang nangyayaring sayawan.
Ganito pala mga tao dito..
Nasabi ko na lang ng mapanood ang mga freshmen mula sa bleachers. They're wild as lions.
"I see you're having a great time there!" I heard out of nowhere, na nangibabaw sa malakas na tugtog so napalingon ako sa tabing kaliwa ko on the thought na baka ako yung kinakausap
"With yourself!"this time i went on my left and there i saw a man.
Biglang kumabog ang dibdib ko ng sobra dahil di ko inaasahang may kakausap sa akin.
"Ah! O-Oo eh!" Bulyaw ko pabalik sakanya.
If i were the one to judge his looks, masasabi kong he's simple but attractive. He is wearing eyeglass, napansin ko din na ang taas ng grado nito dahil sa kakapalan, moreno siya at matangos ang ilong. He got his both ears pierced, wearing a plain v-neck t-shirt and jeans--ripped jeans. Para siyang nerd na bad ass.
"Paul!" Sigaw niya habang inaabot ang kamay sa'kin "Riz!" At nag shake hands kami.
"Nice to meet you cheese!"
Umiling ako habang pinipigilang tumawa.
"Riz!!" Sabi ko pero mukhang di niya padin naintindihan masyado dahil mas lumakas ang tugtog.
Napatakip ako ng tenga dahil 'di naman ako sanay sa malakasang tugtugan, nilapitan ko siya at binulong ang pangalan ko "Riz!" Tumango siya at nakipag shake hands ulit sa akin.
Pagtapos namin magpakilala sa isa't isa pinanood na lang namin ang mga tao sa ibaba habang nagsasaya. Wala nang nagsalita sa amin dahil mahirap magkarinigan. Hindi rin nag tagal ay natapos na rin ang party at dumiretso na ang freshmens sa designated rooms nila.
Di ko na rin nakita si Paul dahil sa dami ng tao kaya dumiretso na ako sa unang klase ko.
Natapos ang buong araw ko sa St. Jude nang puro pagpapakilalahan lang ang naganap. May mga nakilala din ako na mga ka blockmates ko, pero syempre sila ang unang nag approach sa akin.
Pababa na ako sa Hallway nang napansin kong may naglagay ng payong sa itaas ko, sinundan ko ng tingin ang nakahawak dito.
"Umaambon oh" sabi nito, napatingin ako sa unahan at umaambon nga, bakit di ko napansin?
"Paul nga pala incase na nakalimutan mo haha"
"Ah! O-oo nga paul"sabi ko naman sakanya. Ngayon lang nag sink in ulit sa utak ko ang itsura niya, masyado kasing na-occupied ng mga itsura ng prof ko ang utak ko.
"Pauwi ka na?"tanong niya, at sa tono niya halatang friendly talaga siya. Tinanguan ko lang siya.
"Sakto! Ako rin eh, san ka ba? Sabay na tayo." alok niya
BINABASA MO ANG
Words We Couldn't Say Yet #DreamersAward2018
Short StoryMay pagkakataon sa buhay natin na nakakalimot tayo ng mga bagay na mahalaga sa atin as the time goes by. Intentionally or not. Pero para kay Riz, kahit ilang taon o siglo pa ang makalipas, malabo na atang makalimutan niya ang taong minsang naging...