Napabuntong hininga ako.
Nakatayo ako sa harap ng isang eskwelahan. Ang totoo niyan ay kaharap lang talaga ito ng Art Gallery ko sa kabilang kalye.
Masaya kong pinapanood ang dalawang Estudyante na nakaupo sa bench, nasa around 17 years old ata ang edad nila base sakanilang itsura.
Napansin kong tahimik lang yung babae habang yung lalaki naman ay kanina pa siyang kinakausap.
Napangiti ako.
Mukhang magkakasundo kami ng batang babae na 'yon kung sakali.
Napatingin ako sa wristwatch ko, at napakunot ng noo.
"I see your having a great time there!"
Mabilis akong napalingon sa kaliwa ko pero wala siya doon. Kaya lumingon naman ako sa kabilang banda.
"Mahina pa rin talaga pandinig mo, tsk tsk." Sabi niya habang nakangiti, Malapit na siya ngayon saakin.
Napakurap ako dahil sa ganda ng nakikita kong tanawin ngayon, ang mukha niya na hinding hindi ako magsasawang titigan.
Nakaramdam ako ng biglang kaginhawahan. Matagal ko nang hindi 'to nararamdaman dahil natabunan ng pangungulila ko sakanya, pero ngayon masasabi ko na talagang,
Kapag may tiyaga, May nilaga.
At siya ang nilaga para saakin, ang premyo sa lahat ng paghihirap ko noon, ang matagal ko nang minimithi.
"I love you." Sabi niya na siyang kinagulat ko naman. Pero nakatitig lang siya sa akin.
This is his first time na mag i love you saakin..at sobrang kakaiba pala nga pakiramdam na masabihan ng ganito..
"B-bakit mo naman yan n-nasabi?"mahina ang pagkakasabi ko, iba pala talaga..
Tumawa lang siya ng bahagya, "Bakit naman hindi? Eh i love you naman talaga." Nakatawang sabi niya.
"Ang tagal tagal mo, hinihintay na tayo ni kuya!" Pag-iiba ko ng usapan.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kotse niya. Hinawakan niya ang kamay ko.
Omg. Holding hands while walking..
"Pero mas matagal kitang hinintay." He said, smiling so bright.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, hinawakan ki ang kabilang pisngi niya at hinalikan sa pisngi.
"I love you too, Paul."
Oh god, finally! Nasabi ko na.
-- End --
...
Pero syempre mas thank you sa'yo na nagbabasa nito! It is my pleasure!
[February 08, 2018 - February 17, 2018]
BINABASA MO ANG
Words We Couldn't Say Yet #DreamersAward2018
Short StoryMay pagkakataon sa buhay natin na nakakalimot tayo ng mga bagay na mahalaga sa atin as the time goes by. Intentionally or not. Pero para kay Riz, kahit ilang taon o siglo pa ang makalipas, malabo na atang makalimutan niya ang taong minsang naging...