Teka lang, sandali lang.
Lumingon ka naman.
Tigil kahit sandali.
Pagkatapos nitong sasabihin,
Maari kanang tumalikod.Uumpisahan sa ako;
Sa ako na minsang naging parte ng ikaw.
Sa ako na, oo si ako na ginago ka.
Uumpisahan sa ako;
Sa ako na minsang tumalikod sa iyo.
Kaya naman ngayong ikaw na tatalikod.
Nagising ako; nagising sa katotohanang:
Ang tanga ko.Uumpisahan sa ikaw;
Sa ikaw na naging sandalan ko.
Sa ikaw na umintindi sa akin.
Sa ikaw; sa ikaw na tumanggap at minahal ako sa kung ano ako.Mahal, uumpisahan sa simula, sa umpisa ng kung paano at kailan na ang tayo ay sinira ko.
Mahal, nang minsang tinanggihan ka, hindi dahil sa aral o trabaho, kundi dahil sa babae.
Mahal, ang minsan ay naulit.
Pinaulit-ulit dahil ika nga nila: 'masarap ang bawal'.Mahal, sa bawat sandali na ikaw ay wala.
Sa bawat oras na imbes na ikaw ang kasama.
Sa mga panahong ang dating ako ay bumalik.
Kasabay ng paglimot sa iyo ay pagkasira ng tayo.Mahal, alam kong mali, pero di ko nagawang baliin.
Marahil dala ng udyok at dating gawi.
Ang pagmamahal at paniniwala Sakanya ay nawala; nilimot dahil ginusto.Tama na, wakasan na natin ang ako at ikaw.
Ang tayo ay huwag ng balikan dahil masakit.
Wala nang babalikan dahil sira na.Mahal, talikod na; paalam.