"Mama, nasaan na po ba iyong lipstick kung MAC ang brand?"Sabi ko habang patuloy na kinakalkal ang aking louis vuitton na bag. Syempre hindi siya original. Iyong fake lang kaya kung bilhin ehh. Pero whatever! Atleast branded pa rin 'yung bag ko.
Halos nakuha ko na lahat ng mga gamit na nakalagay sa bag ko pero nyemas, hindi ko talaga makita 'yung lintek kung lipstick. Litse, MAC 'yun ehh! Aabutin pa siguro ako ng ilang taon bago ko mabili kahit isa man lang nun'. Mabuti nalang talaga maganda ako kaya pasimple kung kinuha iyon sa nakaawang na bag ng classmate ko. Umiyak nga raw iyon ng malaman niyang nawawala ang pinakamamahal niyang lipstick. Aba ehh, bahala siya. Wala akong pake. Hindi naman bagay sakanya maglipstick. Nagmumukha lang siyang isda na tinubuan ng dobleng mukha. (Laughtrip!)
Humahangos naman na pumunta si mama sa kwarto ko habang pinupunas sa damit nitong suot ang basa nitong kamay. Napangiwi naman ako dahil doon. Like duhh! May tuwalya naman kami, bakit sa damit pa talaga?
"Ha? Hindi ko alam 'nak. Ikaw lang naman ang palaging may hawak niyang mga gamit mo."
Inirapan ko siya bago padabog na umupo sa sahig naming gawa sa kahoy. Oo, wala akong kama at sa lapag lamang ako humihiga. Pakialam niyo ba? Basta maganda ako.
"Paano ako makakapunta niyan sa lakad namin ngayon ng mga friends ko?"
Nakasimangot kung tugon habang sinisimulan ko ng suotin 'yung sapatos kung adidas na may logo ng nike ang brand.
"Pwede naman na hindi ka na maglagay. Mas maganda ka anak kapag natural lang mukha mo."
Nakataas ang kilay kung tinignan si mama. Ngiting-ngiti pa itong nakatingin sa akin. Mas lalo pa tuloy akong napasimangot.
"Are you serious ma? Hindi pwedeng hindi ako maglagay ng lipstick. Ano nalang sasabihin ng mga friends ko sa akin? Na nagiging poor na ako? No, hindi pwede iyon! Gosh"
Sabi ko habang nakatirik pa ang aking mata at pinapaypayan ang aking sarili gamit ang aking kamay.
"A--anak, hindi naman k--kasi tayo mayaman. Tsaka, h--hayaan mo nalang mawala iyon. H--hindi naman sayo--"
"Argh! Wala akong pake. Tsaka hindi nga sabi pwedeng mawala iyon ehh! Ipagmamalaki ko pa iyon sa mga friends ko para naman matigil na sila kasasabing mahirap lang daw ako."
Biglang napanis ang mga ngiti sa labi ni mama. Bumalatay sa kanyang mukha ang lungkot. Nakita ko pang nangingilid ang kanyang mga luhang nagtatangkang kumawala sa kanyang mga mata. Tumingala ito sandali bago bumuntong hininga at nginitian ulit ako, ng pilit. Nawala ang pagkasulubong ng kilay ko at nakaramdam tuloy ako ng konsensya.
"Hayaan mo 'nak, pagsisikapan ni nanay ng maigi. Gagalingan ko pa lalo sa paglalaba baka sakaling bigyan ako ng tip ni Aling Nena."
Napayuko nalang ako at kinuha ang cellphone kung IPhone 5s na napulot ko lang sa tabi ng kanal na muntik pang mahulog at kunwaring may kinakalikot dito. Narinig kung tumawa ng pilit si mama.
"Baka sa susunod na araw, bibigyan na ako ng sweldo nun'. S--Sige anak iiwan ko lang ang pera mo rito. H--hindi ba't may lakad ka? Sabihin mo lang s--sakin kapag kulang ha? Pupunuan ko."
Iyon lang ang mga katagang binitawan ni mama bago siya pumanhik palabas ng kwarto. Iniangat ko ang aking tingin at tinignan ang perang binigay ni mama na nakalagay sa ibabaw ng tukador. 1,000 Napabuntong hininga ako't tumayo. Isinilid ko ito sa aking bag bago ako tumungo palabas ng bahay.
~~~
"Oh my Gosh, Biatch bakit ang tagal mo?"Bungad sakin ni Nianna eksaktong pag-upo ko pa lamang sa upuan nang marating ko ang pwestong kaharap sa kanila. Narinig kong humagikhik si Chloe bago pabirong hinampas si Nianna sa kaliwang braso nito.
BINABASA MO ANG
He's Mine, Get It?(On Hold)
Teen Fiction"What's mine is mine , so back off!" Author's Note: Ang lahat ng parte ng istoryang ito ay pawang galing sa imahinasyon lamang ng may katha. Ang anumang pagkakahawig nito sa aktuwal na pangyayari, lugar, pangalan atbp. ay hindi sinasadya at nagkatao...