Ikalawang Kabanata

170 12 8
                                    


Nakataas ang noo ko habang naglalakad sa hallway papunta ng aking classroom. Aba syempre, kay ganda ko naman na nilalang para yumuko? Nakangiti pa ako ng pang Miss Universe. Kulang na nga lang ay ikaway ko ang aking kamay pero baka magmukhang tanga ang pagiging dyosa ko, mahirap na.

"Bebsy Fiel Aquillano, para sayo."

Napabaling naman ang atensyon ko sa lalaking tinawag ang aking buong pangalan. Pinaglihi yata sa kabute ito at bigla na lamang sumulpot sa harapan ko. Napako naman ang atensyon ko sa bagay na hawak-hawak niya. Ohh, isang relo. Mukhang hindi lang ito basta relo lang dahil pakiramdam ko'y mamahalin iyon at kulay gold pa.

Inangat ko ang aking tingin at tinignan ang kanyang mukha. Mukha siyang si Jose Rizal na hinaluan ng boy version ni Mona Lisa. Period. Pero gayunpaman, nginitian ko siya ng kay tamis iyong tipong sakto lang para siya ay magkadiabetes bago ko hinawakan ang kanyang pisngi at hinaplos ito.

"Para sa akin ba 'yan?"

Nakagat naman niya ang kanyang ibabang labi at nauutal na sinagot ako.

"Oo, para sayo ito."

Walang pag-aatubili ko itong kinuha at isinilid sa loob ng bag ko. Nilampasan ko siya at nagpatuloy sa aking paglalakad pero bago iyon ay binigyan ko pa muna siya ng isang flying kiss para naman ganahan ulit siyang bigyan ako sa susunod.

"Thank you."

Halos panawan siya ng ulirat sa ginawa ko at napangiti naman ako dahil dun'. Talagang wala nang makakatalo sa lakas ng kamandag ng pagiging dyosa ko. Medyo natagalan ako bago ko narating ang aming classroom dahil sa dami ng ibinigay ng mga admirers ko. Labing limang minuto na lamang ang natitira bago magsimula ang klase at buti ay nakaabot pa ako.

Pagkapasok ko sa room ay si Chloe agad ang unang bumungad sa akin. Madali lamang nitong makikita ang mga tao sa labas sa kadahilanang nasa pinakaharap at pinakaunang pwesto pa north east sa pintuan ang kanyang upuan. Ang galing kong magdescribe diba? Whatever.

"Good Morning Bebsy! Himala ata at medyo on time ka ngayon?"

Parang kambing naman akong tumawa at inipit ko pa ang mga takas na buhok sa aking tenga. Alam kasi nitong madalas akong late sa una naming subject. Ano pa ba ang dahilan?

"Oo nga Chloe. Mabuti nalang at medyo nabawasan ng konti ang aking mga admirers ngayon."

Impit naman itong napatili tsaka mukhang palakang patalon-talon pa.

"You na talaga girl! Mabuti naman at hindi nagseselos si Allen kahit pa na alam niyang maraming mga lalaki ang umaaligid sa iyo."

Bigla naman tuloy akong kinilig at kunwaring inirapan siya. Well, para naman updated kayo sa mga nangyayari sa buhay ko, yeah may boyfriend ako. Like duh, ang dyosa ko kaya huwag na kayong magtaka.

"Aba syempre, alam naman niyang sa kanya lang ako ehh at siya lang ang gusto ko. Pero nakakatampo siya ha."

Nakanguso kong sabi. Nagpapadyak pa ako sa sahig at umupo sa kalapit na upuan. Umarko naman ang kilay ni Chloe.

"Bakit naman? Anyare ba?"

Napabuntong hininga ako.

"Nung' isang araw pa siya na walang paramdam sa akin. Akala ko nga kahapon baka bigla siyang magpakita sa akin tapos susurpresahin niya ako. Napakasakit pala talagang mag-expect."

Sabi ko habang kunwaring naluluha pa. Umakto pa akong humawak sa dibdib ko para mas feel talagang nasasaktan ako. Pakialam niyo? I'm hurting eh. Hindi ko nga siya inisip nang buong magdamag kahapon kasi baka maglaslas ako bigla. Huhu. Ang kaso naman parang unti-unti rin akong pinapatay nina Chloe at Nianna kahapon. Biruin mo, napakababoy ng dalawa kumain nyemas. Tapos may lalaki pang mukhang unggoy na ninakaw ang cellphone ko. Tsk. Napairap nalang ako sa kawalan. Tinapik naman ni Chloe ang aking balikat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's Mine, Get It?(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon