One Man Too Many (Tagalog Version)

302 10 0
                                    

Nangyari ito February 2012. Nagtatrabaho ako bilang IT contractor. Lima kaming na-assign na tapusin ang infra layout ng isang bagong call center na mag-o-open sa isang bagong gawang tower sa Ortigas, malapit sa Meralco Pasig main office. Night shift ang schedule namin, para tuluy-tuloy ang gawa.

 Night shift ang schedule namin, para tuluy-tuloy ang gawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Madalian ang trabaho, rush. Kasi noong buwan ding 'yun naka-schedule mag-open 'yung nasabing call center.

Nasa kalagintaan kami ng pagtatrabaho, mga bandang 2:30 ng umaga, nang bigla kaming tawagin nung nag-iisang pang-gabi na guwardiya. Nag-headcount siya. Nagtaka kami, kasi ang headcount ginagawa lang sa simula at dulo ng kada shift. Chineck rin niya kung naka-uniporme kami lahat na light blue. 'Yung uniporme naman ng guwardiya, puting barong.

Namutla siya noong makitang tama ang bilang namin, at nasa ayos ang uniporme namin.

Sinabihan niya kaming baka may ibang taong nakapasok sa area namin. Sa CCTV, bandang 2:12, may nakita daw siyang taong naka-pulang damit na pumasok sa CR. Nakasalubong pa daw nung isang kasamahan namin palabas ng CR. Mukha daw construction 'yung lalaki.

Nagkasalubong daw 'yung kasamahan namin at 'yung lalaki sa hallway sa labas ng CR na para bang walang nangyari. Hindi daw niya nakitang lumabas 'yung lalaki sa CR.

Sabay-sabay namin ni-review yung CCTV, pero talaga ngang may taong pumasok sa CR na hindi na lumabas pa ulit. Hindi namin siya nakita sa kahit saang footage ng ibang camera. Wala dun sa mga camerang naka-puwesto sa may main door o elevator.

Kaya naman hinalughog namin 'yung buong lugar. Pero wala, hindi namin siya matunton kahit saan. Sa CR na lang ang hindi pa namin na-check. Siguradong wala siyang ibang lulusutan, at hindi siya makakatakas sa dami namin... mag-isa lang siya, anim kami.

Sabay-sabay kami pumasok sa CR, sabay bukas lahat ng cubicle. Walang tao. Walang ka-tao-tao.

Sabi nung ka-teammate ko, wala naman daw talaga siyang nakasalubong palabas ng CR. Basta ang natatandaan lang niya, mejo malamig sa hallway pero hindi niya ito pinansin kahit na alam niyang nakapatay ang aircon sa gabi.

Ang nakakapagtaka talaga sa footage, 'yung kuha nung mama. Yung parte na kung saan dapat yung leeg at mukha niya, sobrang itim. Parang anino. Walang paraan na makilala mo siya. Kahit anong playback, rewind, slow mo namin sa video, ganoon talaga eh. Imposible siyang ma-ID dahil dun.

Mahigpit ang security sa lugar. Tanging 'yung guwardiya lang ang me access card sa main door na papuntang elevator area. Kaming mga contractors, hindi kami allowed na magkaroon ng sariling proxy card o pumunta sa lugar na hindi sakop ng work area namin.

Sinubukan naming kumuha ng kopya ng video, kaso hindi pumayag 'yung management. "Security-related" daw. Hindi puede. Sayang, upload namin sana online. Viral 'yun, sigurado.

Si manong guard, napa-kuwento rin maya-maya. Sabi niya, tingin niya 'yung lalaki sa video, isa sa mga unang construction na nagtrabaho sa penthouse na 'yun may limang buwan na nakalilipas. Lando raw ang pangalan. Ang siste, itong si Lando nagpakamatay... isang araw, bigla na lang daw tumalon sa may balcony ng penthouse habang tinatapos pa 'yung construction nung lugar. Bali-balita noon na may kalaguyo 'yung misis ni Lando. Ang masakit dun, kaibigang matalik daw 'yung bantay-salakay. Kahit daw 'yung panganay ni Lando, hindi raw sa kanya. Hindi siguro kinaya, kaya siguro tuliro at naisipang gawin 'yun.

Naka-duty si guard nung araw na mangyari yun, at tandang-tanda niya 'yung suot na damit ni Lando noon... 'yung pulang t-shirt. Si manong pa nga mismo ang tumawag ng pulis matapos tumalon ni Lando.

Pangatlong beses na pala nakita ni manong 'yung taong iyon sa CCTV - wala pa diyan sa bilang 'yung mga beses na namalik-mata siya, na nakatayo sa ibang area si Lando habang rumoronda siya. Kaya naman nung gabing nangyari 'yun sa amin, bumigay na si manong at napa-kuwento.

Simula noon, nag-buddy-buddy system kami. Kumng may kailangang humiwalay sa grupo, kailangan me kasamang kahit isa man lang. Panigurado na namin.

Hindi na namin nakita ulit si Lando. Kung siya man 'yun.

'Yung pakiramdam sa lugar na 'yun, kaka-iba talaga. Kahit noong simula pa lang, hindi pa namin alam 'yung istorya. Kahit bago 'yung lugar. Nakakapangilabot. Para bang laging may nakamasid sa 'yo. Basta halo-halo ang pakiramdam... para kang nalulungkot na nagagalit, parang magugunaw ang mundo mo. Ang hirap ipaliwanag talaga.

Natapos rin namin kaagad 'yung project. Eh 'di, maganda para sa amin... malas ni manong guard. Kasi puny**a, hinding-hindi na ko babalik sa lugar na 'yun.

:::::
If you liked this chapter, HIT THE VOTE BUTTON! It helps every Wattpad creator whenever you do so!
:::::

One Man Too ManyWhere stories live. Discover now