Kriiiing! Kriiing!
Iminulat ni Hannah ang kanyang mga mata ngunit napakurap-kurap siya ng masilaw sa liwanag.
Hindi niya sigurado kung nasaan siya.
Ngunit nang maalala ang nangyari sa kanya ay agad siyang napabalikwas.
Kinapa-kapa niya ang kanyang leeg.
Walang sugat.
Kriiiing! Kriiing!
Napalingon siya sa kanyang kanan at nakita ang telepono.
May tumatawag, naisip niya.
Dahan-dahan niyang nilapitan ang telepono na nakapatong sa isang lamesita ngunit biglang tumigil ito sa pagring.
Napatigil din si Hannah sa kanyang kinatatayuan.
A-Ano bang nangyari? Panaginip lang ba iyon?
Tiningnan niya ang orasang bilog na nakasabit sa pader.
“Alas tres na ng hapon.”
Muli niyang kinapa ang kanyang leeg.
Mukhang panaginip nga lang.
Nakatulog pala ako dito sa sofa, hindi ko man lang napansin.
Malakas na napabuntong-hininga si Hannah.
Gamit ang kanyang kamay ay pinunasan niya ang mga butil ng pawis sa kanyang noo.
Biglang kumalam ang kanyang sikmura .
Gutom na ko, nasabi niya sa sarili.
Teka, hindi pa ba ako nanananghalian?
Nagkibit-balikat na lamang siya at tinungo ang kusina.
Naghanap siya ng mailuluto at makakain.
Ngunit, nadismaya siya ng makitang walang bigas, o anumang ulam siyang pwedeng lutuin.
“Pambihirang buhay ito,” nasabi niya. “Bibili na nga lang ako sa labas.”
Matapos suklayin ang kanyang maiksing buhok, lumabas si Hannah at ini-lock ang pinto ng kanyang bahay.
Dahil mainit ang sikat ng araw, iilang tao lamang ang nasa labas.
May ilan-ilan ding tricycle ang maingay na nagdadaan sa kalsada.
Ano bang bibilhin ko? Yung luto na lang, kaya?
“Ikaw!”
Isang malakas na sigaw ang gumulantang kay Hannah.
Nang lumingon siya sa kanyang likuran ay nasindak siya sa kanyang nakita.
Hinahabol siya ng babaeng nakaputi.
“H-Hindi…”
“Ikaw na naman!” sigaw ng babaeng nakaputi.
“Hindi totoo ito,” sabi ni Hannah.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at kinusut-kusot ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Baliw
Historia CortaAng babaeng BALIW... baliw ba sa pag-ibig o wala sa tamang pag-iisip?