Malamig.
Dahan-dahang idinilat ni Hannah ang kanyang mga mata.
Nasaan ako?
Iginala niya ang kanyang mga mata. Nasa isang maliit na silid siya.
Ang mga pader ay pulos kulay puti. Nakahiga siya sa isang maliit ngunit malambot na kama.
Sa isang pader ay may nakakabit na wall fan at maingay na umiikot-ikot.
O-Ospital ba ito?
Bagamat nanghihina ay pinilit niyang tumayo.
O-Ospital nga! Ospital nga ito. Ligtas ako.
Muli niyang naalala ang mga nangyari.
Isang babaeng nakaputi, isang babaeng baliw ang humabol sa kanya at tinadtad siya ng saksak.
Biglang nanlaki ang kanyang mga mata.
Agad niyang ininspeksyon ang kanyang katawan.
Wala siya ni isa mang sugat.
“Ano ito? Panaginip na naman ba iyon?
P-Pero, bakit nasa ospital ako.”
“Talagang hindi mo ako tatantanan, ano!”
Isang matigas na bagay ang tumama sa kanyang ulo kaya’t muli siyang napahiga.
Pagkatapos ay isang mabigat na bagay ang pumatong sa kanya.
Ang babaeng nakaputi.
Inupuan nito ang kanyang tiyan at dinaganan ng mga tuhod nito ang kanyang dalawang braso.
“Ikaw ang sumira ng buhay ko!” sigaw nito sabay sampal kay Hannah.
Napasigaw si Hannah sa sakit at sa pagkagulat.
“A-Ano bang ginawa ko sa iyo? Bakit mo ba ako ginaganito?”
nagmamakaawang tanong ni Hannah.
Tumawa lang ang babae. “Ang tibay mo rin, ano? Kahit ilang beses
kitang patayin, nandiyan ka pa rin palagi.
Sabi tuloy nila, baliw daw ako.
Na imahinasyon lang kita. Na hindi ka totoo.”
“Nababaliw ka na talaga!” sigaw ni Hannah.
Sinubukan niyang kumawala ngunit mabigat ang babae.
Muling humalakhak ang babae. “Ako? Baliw?
Paano akong magiging baliw eh, nandito ka nga.
Nakikita kita.
Nahahawakan.”
Mabilis na inilagay ng babae ang kanyang dalawang kamay sa leeg ni Hannah.
“Maawa ka.
Hu—“ Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin ng sakalin siya ng babaeng nakaputi.
“Mamatay ka na!
Mamatay ka na!
Mamatay ka na!
Mamatay ka na!
Please!”
sundan...
BINABASA MO ANG
Baliw
Short StoryAng babaeng BALIW... baliw ba sa pag-ibig o wala sa tamang pag-iisip?