Chapter 3

1 0 0
                                    

NOON, sabi sa kanya ni Jhie, kung gusto niya talagang makakain nang tipid, dadalhin siya nito sa bahay nito sa Antipolo. Doon daw, libre ang dinner. Iyon pala, hindi lang ang dinner ang nasa utak nito kundi ang pagpapakasal na nila.
      At noon, kahit nakita niyang sumama ang mukha ng kanyang mga magiging biyenan, pati na ang mukha ni Rocel nang i announce ni Jhie ang balak nilang pagpapakasal, hindi pa rin niya maiwasang di mag react sa tuwa. Nayakap niya si Jhie at nahalikan sa pisngi sa harap ng mga ito. Ang saya saya niya. Imagine, magiging Mrs. Jhie Forteza na siya.
      Nangingiti siya sa alaalang iyon. Pero bigla ring naglaho ang ngiti. May kumislap sa kanyang isip. Ang aksidenting iyon...
      Ang red sportscar ni Jhie na walang bubong ang dala nito. Ihahatid siya pauwi pagkatapos ng dinner. Ang saya saya nila. Nagbibiruan. Nagkukurutan habang mabilis ang takbo ng sportscar.
      Wala sa pagmamaneho ang konsentrasyon ni Jhie kaya kapwa pa sila nabigla sa nakakasilaw na headlight ng isang parating na trak. Napatanga sila. Ang parating na trak, tutumbukin sila!
      Mabilis ang pag iwas ni Jhie. Hindi sila nabangga pero nawalan ng preno ang kotse. Nawalan ito ng giya. Naitumba nito ang isang signboard sa gilid ng daan. Napasigaw siya. Diretso ang kotse. Parang torong galit. Gumasgas ang tagiliran sa bakal na harang ng isang makipot na tulay. Sigaw uli. Hanggang sa masinagan nila ang punong iyon. Ang punong iyon...
     

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms Love My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon