NAGTATAKA si Rosemarie habang tinitingnan ang malalaki at magagandang bahay na nadaraanan nila sa mamahaling subsibisyong iyon. Naisip tuloy niya ang dating tinitirahan nila ni karen. Kahoy lang ang malaking bahay. Bakbak na ang pintura noon at ang mga bintanang jalousie ay basag. Napupuno ng alikabok ang kanilang kuwarto kung tag araw. Kung tag ulan naman, ang mga hinihigaan nila ay nababasa. Inireklamo nila iyon sa kanilang kaseram. Pero sa halip na palitan ang mga salaming nawala, plastic na lamang ang itinapal doon para makatipid.
Hindi na sila muling nagreklamo ni Karen. Mura lang naman ang upa nila sa kanilang maliit na kuwarto sa boarding house. Malapit pa iyon sa kanilang pinapasukang garment factory sa William St., sa may Boni Avenue.
Doon sila nagkakilala ni Karen. Si Karen ay sewer at ang idinudugtong nito ay mga sleeves at collar ng baby dresses. Siya naman ay dating sewer na naging taga cut ng pattern. Nang malaman ng supervisor nila na may tinapos siya, inirekomenda siya sa management at kinuha naman siyang payroll clerk.
Doon niya nakilala si Jhie na kapatid ng may ari ng Forteza Fashion. Si jhie ay kagagaling lang sa Amerika. Doon na nakatapos ng kursong management. Umuwi ito para magtayo rin ng sarili nitong negosyo. Pero bago iyon, pinag aralan muna nito ang pamamalakad ng kapatid nitong si Rocel sa kumpanya.
Minsan niyang nakasalubong si Jhie sa loob ng kumpanya. Nagkatinginan sila. At ang mga sumunod na pangyayari hanggang sa pagkakaaksidente niya sa kotse nito ay isa nang mahabang istorya ng kanilang pag iibigan na di maaaring mabura sa kanyang isip kahit labing isang buwan siyang natulog.
Naging comatose patient siya for eleven months dahil sa pamamaga ng utak at sa fractured ribs na nangangailangan ng dalawang operasyon. Wala na sigurong mag aakala na isang araw ay magigising pa siya at muling babalik sa kamalayan.
Pero heto nga siya ngayon at buhay na buhay. Gising na mulu ang diwa at gising pa rin ang puso.
Kailanman, kahit noong nakahiga pa siya at comatose, ang puso't diwa niya ay nanatiling gising para kay Jhie. Laging bumabalik sa kanyang isip ang kanilang masasayang sandali.
Puro si Jhie ang nakikita niya sa sulok ng kanyang isip. At nang siya'y magkamalay, si Jhie pa rin ang una niyang hinanap.
Mahal na mahal niya si Jhie. At hindi totoo ang paratang ng nakatatandang kapatid nito na pera lang ang habol niya rito.
Kahit siguro anong yaman sa mundo ay hindi makakatumbas o hihigit sa pag ibig niya sa bunsong kapatid ni Rocel Forteza.
At patutunayan niya iyan, kahit muling pumikit ang kanyang mga mata at muling manganib ang kanyang buhay.
"Rosemarie?'
Nag aalalang tinig ni karen na katabi niya sa likuran ng kotse. Salita ito nang salita at nahalatang wala sa loob ang sagot niya. Akala siguro ay nagla lapse na ang kanyang utak.
Sabi kasi kay Karen ng duktor niya sa utak daranas siya ng mental lapse at minsan grabing hilo dahil sa trauma na inabot ng utak niya.
"Malayo pa ba tayo?"nakangiting tanong niya rito. Gusto niyang mawala ang takot na nasa mukha nito.
"M-medyo malapit na." Itinuro nito ang Batangas East. "Doon tayo liliko."
Alanganin ang sagot ni Karen. Bigla siyang nagtaka. Bakit hindi pa yata kabisado ni Karen ang Village.
"Teka muna. . . 'di ba, one month ka na kamong nakatira rito?"
Tumango ai Karen. Umilap ang tingin.
"E, isang buwan na nga akong nakatira rito. Pero nakakotse naman ako kung lumalabas."
Pagkuwa'y ibinaling nito ang tingin sa labas ng kotse para hindi niya mabasa sa mukha ang pagsiainungaling. "Pag naka kotse pala, ang hirap kabisaduhin ang daan," dagdag nito para hindi siya maghinala.
Pero ewan ba niya at hindi maalis ang feeling na si Karen ay nagsisinungaling.
Nang gumising siya, si Karen ang unang taong nasilayan niya. Humagulgol ito sa tuwa nang ngitian niya at itanong si Francis. Pero hindi siya nito sinagot bagkus ay hysterical na tumawag ng duktor at nurse.
Pagkatapos noon. Pero kanina, nang ilalabas na siya dumating ito na shocked pa siya nang sabihing binayaran na nito ang lahat ng gastos niya sa hospital. Nang itanong niya kung saan nito kinuha an pera, ang sagot na pabalang ay ninakaw daw. Nang usisain naman niya kung bakit ngayon lang siya sinipot kung kelan lalabas na, ang sagot na pabalang uli, matagal daw magnakaw ng pera.
Hindi na siya kumibo. Kilala niya si Karen. Matatapat din ito pag hindi na kaya ng kunsensiya.
Katulad ng pagtatapat nito kanina sa kanya tungkol sa bagong tinitirahan nito.
Imagine, ang kanyang bestfriend, may kamag anak palang milyonaryi na nakatira dito sa Ayala Alabang. Iniwan muna dito ang kotseng mercedes at bahay na malaki dahil titigil ang buong pamilya nang anim na buwan sa Amerika.
Fantastic! Biglang naging donya si Karen at isasama pa siya roon para makapagpalakas at makapagpahinga nang husto.
Pero bakit ba may naaamoy siyang hindi tama sa mga pagtatapat nito?
Kasi ang totoo, nagsisinungaling sa kanya si Karen.
Dahil alam niyang walang kamag anak si Karen na mayaman. At pangalawa. . .
Napagibik si Rosemarie nang sumagi sa isip niya ang isang bagay na alam niyang hindi kayang pasinungalingan ni Karen.
"B-bakit, Rosemarie?" Biglang napunta ang buong atensyon ni Karen sa kanya. Halo ang takot at sobrang pag aalala sa mukha. A-ano'ng nararamdaman mo? Nahihilo ka ba? Bilis, sabihin mo at babalik agad tayo sa ospital!"
Umiling siya. Mabilis na itinanggi na may nararamdaman sa katawan.
"May bigla lang akong naalala, Karen," mariin niyang sabi habang nakatitig sa kaibigan.
Nawal ang takot sa pag aalala sa mukha ni Karen. Pero ibinaling na naman ang tingin sa labas ng kotse. Ayaw masalubong ang titig niya.
"A-ani 'yon?" balisang tanong ni Karen.
"Sabi mo kanina, lagi kang nakakotse." Huminga siya nang malalim. Gustong pigilan ang excitement sa boses. "Di ibig sabihin noon, pumapasok ka sa pabrika na de kotse? Hindi kaya ma shock si Rocel Forteza noon? Imagine,isang sewer lang, hatid pa ng kotse at hindi basta kotse ha. Kundi Mercedes Benz pa."
"Kanina ko po ikinuwento sa iyi 'yan. Kaya lang hindi mo yata ako pinakikingan dahil lumilipas ang isip mo." Sumulyap sa kanya si Karen. "Anyway, gusto kong malaman mo na hindi na masa shock si Rocel dahil last month pa ako nag resign sa kumpanya niya. Sawa na rin ako sa trabaho ko roon, e. Ang tagal na natin doon, di ba?"
"Oo, pero..."
"May alok na maganda ang Tito ko pagbalik nila sa States," agap ni Karen. "Isasama nila ako roon bilang yaya ng mga anak nila pag nag immigrant sila. Dollars angmagiging suweldo ko. Times 45 sa pera natin."
"Wala ka namang nababanggit sa akin kahit noong una pa na my Tito kang mayaman, 'no!" Hindi na niya itinago ang paghihinala niya kay Karen.
"E, kase..."
"E, kase wala ka naman talagang Tito na mayaman!"
Hindi kumibo si Karen. Nagbuntong hiniga at tumingin na muli sa labas ng kotse.
"Alam mo, kanina ka pa nag iimbento, e. Puro drawing lang ang mga sinasabi mo. Subukan mo kayang sabihin sa akin ang totoo?"
Hindi kumibo si Karen. Walang reaksyon.
"Akala ko ba bestfriend kita? May beatfriend bang ganyan?" pangungunsensiya niya rito.
Pero nanatiling walang kibo si Karen. At napansin niyang tila wala na sa kanya ang isipan nito.
"Karen, maiintindihan naman kita, e. Matagal na tayong magkasama. Parang kapatid na ang turing ko sa iyo. Sana, lagi kang maging honest sa akin. Hindi naman ako magiging maramot sa pang unawa kung may pinawa kang hindi maganda habang natutulog ako sa ospital."
Kinuha niya ang kamay ni Karen. Pinisil. Saka lang ito tumingin sa kanya.
"Karen, please... okey lang kung sasabihin mo sa aking wala kang Tito na mayaman. Okey lang kung aaminin mo sa aking pumatol ka sa isang mayaman at pumayag kang maging kerida. Hindi naman ako magagalit sa iyo e. Maiintindihan ko kung bakit mo 'yon ginawa."
Namilog nang husto ang mga mata ni Karen.
"Oy, Rosemarie! Sobrab ka!"
Pagkagulat iyon sa sinabi niya sa halip na galit. At siya naman ang nagulat pagdaka. Nag iba kasi ang kislap ng mga mata ni Karen. Sumilay ang mga ngiti sa labi nito hanggang sa yumugyog ang mga balikatn
"Tumigil ka nga! Ano ba'ng nakakatawa sa sinabi ko?" yamot niyang tanong.
Pinigil ni Karen ang sarili. Sinapo ang panga at pinahid ang luha.
"E, bakit naman kasi pumasok diyan sa utak mo ba kerida na ako ng isang mayaman!"
"O, hindi ba?"
"Hindi , 'no!
"E, saan ka kumuha ng perang ipinambayad sa hospital bill ko?"
"Di ba sinagot ko na 'yan?"
"Na ninakaw mo ang pera?" Umiling siya.
"Hindin ako naniniwalang magagawa mo 'yon, Karen. At ewan ko ba kung bakit nararamdaman kong wala ka pang sinasabing totoo sa akin mula nang mag usap tayong muli."
Ngigitian siya ni Karen."
"Pakiramdam mo lang 'yon."
"Kaya?"
Tumango si Karen. Pagkuwa'y sumeryoso.
"Huwag kang mag alala, Rosemarie. Parang kapatid na ang turing ka sa iyo. At kung sakaling nagsisinungaling ako, titiyakin kong para sa kabutihan mo ang lahat nang iyon."
"Karen, naguguluhan ako..."
Tinapik nang marahanbni Karen ang kamay niyan
"Huwag mo munang pagurin ang isip mo, Rosemarie. Masasagot din ang mga gumugulo sa isip mo sa ibang araw."
Pagkasabi noo'y umaliwalas na ang mukha ni Karen.
At nabigla pa siya nang bumusina ang driver na Mercedes Benz na sinasakyan nila.
"Narito na tayo, Rosemarie. Home, sweer home!" sabi ni Karen.
Bumukas ang gate na puti at pumasok sa driveway ang Benz.
At nakita ni Rosemarie na natatarantang iniwan ng mga katulong ang gawain sa garden. May mga katulong naman na nasa pinto ng puting Victorian house para salubungin sila.
"Ang gara ng bahay natin, no?" comment ni Karen nang tumigil ang Benz.
Bahay natin? Napamaang siya. Kung magsalita si Karen akala mo kanila ang magarang Victorian house.
Nang bumaba sila, lumapit ang mga katulong.
"Welcome home, ma'am," bati ng mga ito sa kanya.
Napanganga siya. Tinawag siyang ma'am ng mga katulong. Parang amo tuloy ang dating nila ni Karen.
Hinila ni Karen ang kamay niya.
"Halika na Rosemarie. Alam nang mga katulong ang gagawin sa dala mong mga gamit."
Pumasok sila sa loob. At nakanganga pa rin si Rosemarie. This time, hangang hanga naman siya sa loob ng bahay. Talagang napakaganda niyon. Walang masyadong kasangkapan sa loob pero ang ilang nakalagay ay batid niyang mamahalin talaga.
"Ililibot na kita sa bahay natin at umpisahan natin sa dining room para makapagmeryenda rin tayo!" sabi sa kanya ni Karen.
"Bahay natin?" tanong niya.
Tiningnan niya si Karen. At natawa sa ekspresyon ng kanyang mukha.
"O, nag iilusyon lang ako na atin ito! Ikaw naman sineseryoso mo ang mga sinasabi ko!"
Napangiti sita at natawa rin sa sarili. Oo nga naman. Bakit ba seryoso siyang masyado?
"Hmmn... sige, lusubin na natin ang dining room. Tutal, bahay naman natin 'to!"
Ar para silang mga bata na nagkatuwaang nagtakbuhan sa hall way patungo sa dining room.
Pero hindi akalain ni Rosemarie na may naghihintay sa kanila roon.
At hindi rin niya akalain na muli pa niyang makikita ang mukhang iyon na kinasusuklaman niya!
BINABASA MO ANG
Ms Love My Everything
FanficNilait lait ni Rocel si Rosemarie dahil inakala niyang ang kayamanan lang nila ang habol nito sa kanyang kapatid.Kasintahan ng younger sister niya si rosemarie.Inalok pa niya ito ng malaking halaga layuan lang ang kanyang kapatid. Hindi niy...