Pls understand.

13 0 0
                                    

Nageemote ako mga besh ahahaha ;-; ang dami kong iniisip. Ang dami kong emotions na nararamdaman ng sabay sabay. Saya, lungkot, takot, etc. Ang daming pwedeng mangyari bukas. Este, marami ngang mangyayari bukas.

Sabi nila kuhaan na raw ng report cards namin bukas. Nananalangin ako sa Diyos na kahit ano mang grade ko dun, matanggap yun ng parents ko. Na sana maiintindihan nila na mahirap i-live out yung expectations nila for me. Sarili ko pa kayang expectations?

These past few weeks, paulit ulit na kong nagsosorry kay Mom. "Mommy, sorry ha? Alam kong hindi ko masyado nagawa yung best ko pero I tried." I tried to the point na naiiyak na lang ako ng palihim kasi tanggap kong failure ako. Tanggap kong bobo ako. Tanggap kong lutang ako. Na tanga ako simula't una palang. Tanggap ko na kahit anong gawin ko, may mas tatalino pa sakin. Kaya sana, please please please, don't take the wrong way and say that I didn't put effort in what I did. I did. I really did. And I really do now too.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko bukas. Hindi pa ko nakakatanggap ng grade lower than 85 since I was in my primary years, and That was just once. Ganito naman talaga ako simula dati. Na kahit anong cheer up, kahit anong tawa, kahit anong ngiti, nagtatago pa rin sa likod nun yung insecurities ko. Kung pwede lang sana ibigay ko yung lahat ko. Minsan di ko na nga namamalayan na delikado na pala yun sakin. Kaya naman nagpapasalamat ako sa mga taong nandiyan para sakin. Yung mga taong nagpapaalala sa akin na "Effort na effort mo na." "Tama na." "Magpahinga ka na." "Ingatan mo sarili mo." "Nandito lang ako para sayo."

Pero sorry rin po. Kasi sa mga oras na yun, desperado na talaga ako nun. Yung mga pinag-iisip ko nun ay "Hindi. Kulang pa 'To." "Walang 'tama na' pagdating sa School." "Gusto ko nang magpahinga. Pero hindi nga. Hindi pwede." "Cat, gumising ka." "Magpakatatag ka." "Kahit Wagenfeld mo na gawin para sayo. Pero para sa mga taong naniniwala sayo. Mga magulang mo rin. Kailangan. Kailangang kailangan." Sorry kung matigas lang talaga ulo ko during those times.

Umaabot na rin sa punto na plastikan na pagdating sa School. Yung persona ko na "optimistic" "supportive" and "hopeful", it's only for you. For you. Yung mga kakilala at hindi ko kakilalang nagbabasa nito. Not for me. It was never for Me. Yung mga bagay na ginagawa ko para sa iba, yun yung pinaka kinakailangan ko at the moment.

Kinakabahan ako kasi sa grade na 'to nakadepende buhay ko. Yung relationship ko sa parents ko, ayokong mabawasan. Ayokong mawala yung trust na matagal na nilang pinagkatiwala sakin. Never in my life have I been taught nor have I heard my parents say na "Basta hindi 70 sa overall grades!" "Passing score is 60%" "ok na 'to." "Basta pumasa ka." "Gawin mo yung pinakakomportable para sayo. No pressure."

At dahil sa mindset na yun, hiyang hiya ako sa parents ko. Hiyang. Hiya. Sobra. Ayoko makita nila yung pagmumukha ako kapag nabigay ko na sa kanila yung report card ko...

Oo, may 3rd and 4th quarter pa... pero OS. Gusto nila OS. tanginang OS yan. Kung tao sana yang salitang yan, matagal na kong naging alipin niya para makapasa sa pagiging OS.

Haysss geh na. Limited lang ang "Free" Time ko. How contradicting.

Wattpad is where I can release all my fxxking emotions without any hesitation. So Thank you for this little piece of comfort. 🙏🏻

And as always,

ANNYEONG! BAIII 👋🏻

🌈 When 🌈 Boredom 🌈 Strikes 🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon