CHAPTER 2: REVELATION 101

5 0 0
                                    


Ayaw niyang aminin sa sarili niya, medyo katangahan ang ginawa niya ngayon. Pinapasok niya sa bahay niya ang lalake. Ngayon, ay nagsisisi siya dahil napapaiyak siya sa sobrang kaba habang nasa salas at nakaupo ang lalakeng antipatiko. At siya ay tanaw-tanaw nitong nagpiprito ng itlog at hotdog para sa kanyang agahan.

Gusto na ni Anemone batukan ang sarili niya. Hindi niya alam bakit siya nagtiwala dito. Hindi tuloy siya mapakali dahil nakatalikod siya sa kinauupuan nito habang nagluluto.

"Huwag kang mag-alala. Dito lang ako."

Lumingon siya dito. Hindi makapaniwala na talagang naririnig nito ang lahat ng sinasabi ng utak niya. Magkahalong takot at kaba ang nagpapatuyo ng labi niya ngayon. Kelan nga ba siya huling nagpapasok ng tao sa bahay niya?

'Kung totoong naririnig mo ang lahat ng iniisip ko, alam mong hindi ako komportable right now.Pwede mo ba akong tulungan?'

Tumatakbo na naman ang pagka-praning niya. Aabutin na niya sana ang kutsilyo sa tabi niya ng magsalita ng marahan ang lalake.

"O, sige. Kundi ka talaga komportable dalawa lang yan. Pwede mong talian ang mga paa at kamay ko habang nagluluto ka OR sa labas na lang ako maghihintay sa'yo para makakain ka rin ng maayos."

Napawi na naman ang kaba niya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Tuwing nagsasalita ang estranghero ay nakakalma ang nagwawala niyang puso't isipan.

Iniahon na niya ang pritong itlog at hotdog. Hinain na niya sa mesa ang isang tasa ng kape at pandesal. Saka niya inanyayahan ang lalake sa lamesa. Tumayo ito at lumapit. Hindi ito katangkaran kesa sa kanya pero parang anlaki-laki nitong tingnan sa malapitan. Habang nakaupo siya sa maliit niyang dining table, hindi niya maiwasang magtaka sa sarili. Para ngang pamilyar...

'You look family..'pagbibiro pa ng dalaga sa kanyang isip. Dinadaan na lang niya sa pagpapatawa ang lahat.

"Para sa'yo 'yang kape. Nagkakape ka ba? Tao ka naman siguro nuh. Hindi kase ako nagkakape eh. Pero iniisip ko, baka ikaw gusto mo."Iniabot na ni Anemone kay Taro ang tasa ng kape.

"Hindi rin ako nagkakape eh. Pero salamat and yes I'm still human."

Pansamantalang tumahimik ang dalawa. Kumuha si Anemone ng tinidor at plato para sa dalawa. Saka lang niya nakuhang itanong ulit ang kanina pa gumugulo sa utak niya.

"Kanina, sabi mo, alam mo kung bakit nangyayari sa'ken ito diba?"

"Yes." Marahang inilapag ni Anemone ang itlog at hotdog sa plato ni Taro. Tinitingnan lang ito ng lalake. Naghihintay na magtanong siya ulit.

"Sige, anong dahilan. Saka bakit sinabi mo na magkakilala na tayo dati pa?"

Napaangat ang tingin ni Taro sa kanya. Kumuha si Anemone ng pandesal at inilagay din ito sa plato ng lalake.

"Hindi mo matandaan ang kahit ano dahil binubura namen ang utak mo. Simula pagkabata mo pa, lumalaban ka na sa mga nilalang na hindi taga dito. Isa kang Soul Soldier, ang human DNA noon na hinaluan ng DNA ng mga aliens ay naging successful na eksperimento na ginamit ng gobyernong Amerikano laban sa mga mananakop na aliens. Ilan sa mga Soldiers ay namuhay na parang normal na tao at isa ka na doon."

Sumabog ang utak ni Anemone sa narinig sa kaharap. Namanhid ang buo niyang katawan. Hindi makapaniwala na ito ang hinihintay niyang sagot kay Taro.

"Hoy, Taro, okay ka lang ba?"

"Makinig ka muna. Makinig ka muna... Isa sa mga kakayahan mo ay makapagbukas ng mga portal, o mga pinto patungong ibang mundo o ibang timeplane. Simula pagkabata mo pa, pinoprotektahan ka na ng mga Secret Agents dahil kung saan-saan ka napupunta na time plane."

"Anong ibig mong sabihin?"nanlalaki na ang mga mata ni Anemone. Hindi na niya nakuha pang bigyang pansin ang pagkain sa hapag-kainan.

"Pumupunta ka sa nakaraan, sa hinaharap, sa iba't ibang mundo, sa mundo ng mga patay, mundo ng mga mataas na espiritu, sa impiyerno, sa langit, sa mundo ng mga maligno o elemental, kahit sa mundo ng mga aliens. Napuntahan mo na ata ang lahat ng mga planeta eh, 'yun ang hindi ko makukumpirma pero ang alam ko, sa tuwing may nangyayari sa'yong masama, kagaya ng nawalan ka na naman ng trabaho, ay dahil sa mga Dark Forces na gusto kang kunin at gamitin. Dahil sa natural mong kakayahan na makapagbukas ng portal, siguradong kakaladkarin ka nila sa kung saan-saan. "

"What the heck...anong Soul Soldiers kuya?Anong portal? Ano ba yang mga sinasabi mo?"

"Kagaya ng sinabi ko, binura namen ang mga ala-ala mo kaya kahit ang third eye mo ay pansamantalang dormant. Pero nagpakita ako sa'yo ngayon para muling ipaalala sa'yo kung sino ka talaga."

"Bakit?"

"Dahil kailangan ka na ng hukbo."

"Parang nawalan ako ng ganang kumain." Marahang inilapag ni Anemone sa plato niya ang pandesal na hawak niya kanina. Matagal na natahimik ang utak niya. Hindi niya alam kung maniniwala siya sa mga sinabi ng kaharap niya pero may palagay siyang totoo ang sinasabi nito sa kanya.

"Pasensya ka na. Hindi sa minamadali kita pero kung pagbabasehan ko ay ang mga kaya mong gawin at ang espirituwal mong kapasidad alam kong makakaya mong tanggapin ang lahat. Mentally, sasabihin ko na sa'yo na halos patay na ang utak mo dahil sa trabahong pinasok mo, pero alam kong marerecover mo ang lahat pagkatapos ng training na gagawin nating dalawa."

"Anong training?"

"Kung kinakailangan utusan kitang tumulay ulit sa alambre, gagawin mo ba? Kung ang kapalit nun ay ang malaman mo ang buong katotohanan. Hindi lang tungkol sa sarili mo, kundi tungkol sa buong mundo."

"Ha ha ha. Ang weird!" natawa na si Anemone sa narinig. Napaka radikal ng pananaw ng lalake.

"Hindi ako nagbibiro, kaya kong paganahin muli ang third eye mo para makita mo ulit ang mga hindi nakikita ng mga pangkaraniwang tao.Hindi lang yan, kaya kong ibalik ang natatago mong potential. Magagawa mo na ang mga sinasabi ko sa'yo na iniisip mo ay imposible."

"Seryoso?!? O sige nga... Pakibuksan nga ang third eye ko?"

Pumikit si Taro. Natahimik naman si Anemone.

Naramdaman na lang niya na para bang may pumapasok na hangin sa loob ng bahay niya papunta sa katawan ng lalakeng kaharap.

Muling dumilat si Taro at inabot ang kanyang noo. Sabay dinampi nito ang hintuturo sa gitna ng kanyang mga noo. 3 hanggang 5 segundo, umusal ng isang maigsing dasal si Taro. Saka muling bumalik sa upuan niya.

Parang walang kaabog-abog na tinusok ni Taro ang hotdog sa plato at ipinalaman sa pandesal.

"Kain na tayo."

picgc#%

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ORASANWhere stories live. Discover now