Kakababa pa lang sa jeep ni Anemone ng salubungin siya ng tumatahol na aso. Pinilit niyang huwag matakot dito. Iniisip na lang niya na marami pa siyang kailangang gawin ngayong araw na ito. Pasado alas-6 na ng umaga. Iyon na ang last shift niya sa pinagtatrabahuhang call center. Nagkaroon kase ng kliyenteng nakausap niya sa telepono na inireklamo siya sa supervisor.
Naalala niya ang lahat ng masasakit na sinabi sa kanya nito. Bobo, walang alam, waste of time, inconsistent, incompetent....
'Argh! Kung pwede lang pumatay ng customer, niyari ko na yun e. Samantalang hindi naman kase siya ang walang alam kung pano gamitin ng tama ung produkto nila kaya siya nagrereklamo na nasira. E diba nga, kaya siya tumawag para ako ang tanungin!?! Malay ko ba na hindi rin kayang sumunod sa instructions ng customer na yun kaya lalong nasira ang product. So ako me kasalanan ng lahat ng ito?! Ikaw na...'
Inilapag niya sa maliit niyang dining table ang nabiling pandesal. Magpi-prito na lang siya ng itlog at hotdog para ipalaman dito. Binuksan na niya ang kalan at LPG ng mapansing wala na pala siyang mantika pang prito. Kaya nagmadali siyang lumabas ng bahay at pumunta sa malapit na tindahan.
'Hay, nako naman!'
Sumisigaw ang utak ni Anemone. Pagod na siya sa kaka-apply sa iba't ibang call center companies. Pagkatapos ay aalisin siya sa trabaho pagkatapos ng dalawang buwan. Kung tutuusin, puros training lang ang nangyayari sa kanya. Expert mode na nga siya sa training e. Kaya lalo siyang nag nose bleed nang kanina ay sabihin sa kanya ng supervisor niya na inaalis na siya sa trabaho.
Naglalakad na siya papuntang tindahan ng mapansin na naman niya ng lalake. Nakatayo iyon sa may poste ng kuryente, sa harap ng bahay niya. Nakasandig ito sa poste at nakatago ang dalawang kamay sa magkabila nitong bulsa. Madilim pa rin ang mukha nito at parang pailalim kung tumingin. Dilat na dilat ang mga mata nito na ngayon ay kulay itim na.
"Kinukutuban ako na ikaw yung kaninang nagparinig sa aken kahit ng nag-alis ka na ng weirdo mong contact lenses. Ikaw ba walang matinong magawa sa buhay kaya mo ako sinusundan?" Pinipilit ni Anemone na mag tapang-tapangan. Kahit sa loob-loob niya ay delikado ang lalakeng ito.
"Hindi mo kase sinagot ang tanong ko kanina. Sino ka ba?" Hindi pumipikit ang mga madidilim nitong mata habang nakatitig kay Anemone. Lalo tuloy gumapang ang kanina pa niya nararamdamang kilabot sa buong katawan.
"At baket mo tinatanong? Sino ka rin ba? Teka, pano mo naririnig ang mga iniisip ko?"Napahinto na si Anemone sa paglapit sa lalake. Naramdaman niya ang mainit na hangin sa pagitan nilang dalawa. Parang nagsasabing huwag na niyang lapitan ito.
Kung tutuusin, simple lang ang suot ng lalakeng kaharap niya. Gray blue na plain t-shirt, maong at sneakers na black. Pero habang tumatagal ay nararamdaman na ni Anemone na parang may kakaiba sa pagkatao ng lalakeng kaharap niya ngayon. Parang may aurang sinauna, makaluma, sopistikado at misteryoso.
"Hindi ko basta-basta ibinibigay ang pangalan ko. Pero para mawala na lang ang takot mo at makatulog ka pa rin ng maayos sa gabi, pagbibigyan kita. Taro ang pangalan ko. Matagal na tayong magkakilala, hindi mo lang matandaan"
'Ha!?!Huwat?!?!'
Natuliro ang utak ni Anemone. Naalala niya ang boses na iyon sa utak niya, pareho ang timbre at tono. Pamilyar na pamilyar din ang paraan ng pagsasalita. Napatulala tuloy siya sa posteng kinasasandigan nito.
Rumehistro sa utak niya ang sinabi ng lalake. Pero matay man niyang isipin ay hindi talaga niya matandaan na ni minsan nakasama niya ito sa trabaho, sa eskuwelahan o nakasabay man lang sa pagsakay sa jeep kaya malabo ang sinasabi nitong magkakilala na sila noon pa.
Lumapit ng marahan ang lalake. Lalong naguluhan si Anemone. Malapad ang kalsada sa harap ng bahay niya pero parang naramdaman niyang wala siyang mapupuntahang safe na lugar kung saan makakapagtago siya. Gusto niyang tumakbo, tumili at magsisigaw pero hindi niya magawa hanggang sa tuluyan ng makalapit ang lalake sa kanya.
"Huwag kang mag-alala, hindi ako rapist. Kung gusto mo, kuhanan mo ako ng picture at i-post mo sa Facebook account mo para malaman ng mga kakilala mo na nilapitan kita at tinanong kung sino ka ba talaga. Magandang caption dun e: Mr. Antipatiko did it again, diba?"
'Wow!angas ng dating! Do I know you? Close ba tayo? Anyway....'unti-unting nalusaw ang kaba sa dibdib ni Anemone. Hindi dahil nakumpirma niyang meron naman palang pores ang makinis nitong mukha kaya malamang sa hindi, tunay na tao ang kausap nito ngayon. Kundi dahil may aura ang lalake na para bang pamilyar sa kanya. Komportableng pakiramdam na para bang hindi ito kalaban, kundi isang hindi pa nakikilalang kaibigan. O baka hindi pa lang niya maalalang kaibigan na pala niya.
"Teka lang ah. Una, yes, that's a very good idea kaya lang, Taro, kung yun talaga ang pangalan mo, marami kase akong ginagawa para pagkaabalahan pa kita. Pangalawa, I can't remember that we ever get to chat nor have a cup of coffee together, do we even hang out with each other? Pero I've got to admit na akmang akma sa'yo ung caption na Mr. Antipatiko. Sureness..."
"Seriously, kailangan na tayong mag-usap. Hindi mo na sinusunod ang mga utos ko. Lumalaban na ang utak mo. You've got to listen to what I've got to say. Kailangan mong maniwala ulit sa kakayahan mong espirituwal. Kailangan mo ng muling balikan ang nakaraan."
"Okay, so as weird as it may sound, confirmed!?Di'ba, ikaw nga yung kausap ko parati sa utak ko. Pasensya ka na pero hindi totoo yang mga sinasabi mo. Kung talagang ikaw nga yun, siguro naman natatandaan mo ung sinabi ko na hindi na ako naniniwala sa'yo at gagawin ko na kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko, diba?!?"
Marahan itong napangiti. Ibinaba ang tingin sa kanyang labi, sa kanyang dibdib, sa kanyang beywang, hanggang sa mga paa ni Anemone. Saka unti-unti ring napawi ang ngiti nito sa kanyang mga labi at bumalik ang seryosong aura sa mga mata nito. Naramdaman na naman niya ang mainit na hangin na humahaplos ng marahan sa buo niyang katawan.
Muling bumalik ang mga mata nito sa kanyang mukha. Tiningnan siya nito ng diretso sa mata saka muling ngumiti ng marahan.
"Ms. Anemone, kung may sapat kayong pagkakaunawa, bigyan nyo sana ako ng kahit 5 segundo lang sa buhay ninyo, para ipaalala ko sa inyo ang lahat ng pinagdaanan nateng dalawa. At para rin masagot ang tanong mo, kung bakit ko naririnig ang mga iniisip mo at kung bakit nangyayari sa'yo ang lahat ng ito."
'Hypnotize ba'to? Budol-budol gang ka ba?Kuya, tama na kuya. I admit, ampogi mo, kaya lang conservative ako. Hindi lang basta-basta pogi ang hanap ko.Nako naman....Hindi mo naiintindihan ang mga pinagdaraanan ko. Nawalan ako ng trabaho, mag-isa lang ako sa buhay, wala akong masasandalan kung sakali wala akong mauutangan para pambayad sa nirerentahan kong bahay. Please lang, Lord. Tao lang ako.'
"Ah, okay."Sa pagkahaba-haba ng latanya sa utak ni Anemone, yun lang ang nasabi niya sa estrangherong kaharap niya ngayon. Seryosong usapan ang hamon nito sa kanya. Nakakatakot ang naiwang pakiramdam sa kanya na para bang pagkatapos ng pag-uusap nila, tuluyan na'ng magbabago ng buhay niya.
Bakit nga ba hindi nya pagbigyan?
YOU ARE READING
ORASAN
Paranormal"Sino ka ba?" "Sino ka rin ba?" isang estranghero ang nagtatanong sa isang ordinaryong dalagang si Anemone. Wala siyang kaalam-alam kung sino at ano ang pakay nito sa kanya maliban lang sa naririnig na niya ang boses ng lalakeng ito sa kanyang mga...