Chapter 2

527 6 0
                                    


Pagdating namin sa Faro, malapit-lapit lang ito sa amin mga 10 minutes siguro ay andito kana, may Parola sa di kalayuan dito , tahimik at maraming mga puno kaya mahangin at may mga madidilim na parte na maraming nagdedate at hindi ko alam kung anong mga kababalaghan ang ginagawa nila.

Pagpasok namin ay marami-rami rin ang mga tao. Pumunta kami sa may dulo sa medyo malayo-layo na table. Pinaupo niya ako sa upuan at umupo na rin siya , pagka-upo namin ay pumunta agad ang waiter .

"Goodevening, Mam and Sir can I take your order?"

Kinuha ko ang menu at tiningnan ito.

"Pasta Carbonara lang yung sa akin and juice " tumingin ako uli sa menu , eh hindi naman ako sanay sa ganito ,tsaka ito lang ang pamilyar na pangalan sa akin dito eh, yung iba parang ang jeje,usually ako kasi ang mag yaya kay JM na kumain sa mga fastfood chain o sa mga tabi-tabi kaya wala siyang choice.

Sumunod narin si JM "Mine will be Mushroom Risotto and wine, Please" sabi niya at binigay sa waiter ang menu, binigay ko rin sa waiter ang menu.

Luminga-linga ako sa paligid, may mga nagde-date meron ring mga barkada na nagtatawanan, may mga pamilya na nagtitipon-tipon, at syempre meron rin mga mag girlfriend at boyfriend na nag-aaway na patungo na sa paghihiwal----.

"Hey, Asphene are you okay?" napatingin ako kay JM.

"Ah, ok lang ako " tumingin ako sa mata niya, parang may mali talaga eh, parang may tinatago.

" Here's your order Mam, Sir" napatingin ako sa waiter , inilagay niya ang order namin sa table.

"Enjoy your diner" ngumiti ito sa amin at umalis na ang waiter.

We eat our dinner peacefully, walang nagkikibuan parang ako lang mag-isa ang kumakain, kaya sinubukan kong mag tanong.

" Kamusta ang trabaho mo?" sabi ko.

" Ahmm, it's ok wala namang problema, sa mga empleyado naman medyo nagka problema , kasi may nag resign na manager , pumipili pa kami ng pamalit niya."

" Ok , si Tita maayos naba siya? Sabi kasi ng papa mo , dinala naman daw siya sa hospital dahil sa puso niya." I asked worriedly , inatake naman kasi ang mama niya, may sakit kasi sa puso.

"Mom's ok now, pwede na siyang umuwi bukas ."

Sabi nito at nginunguya ang pagkain. Ang liit naman ng information nito, sa pagkaka-alam ko , pag inatake ang mama niya ,ay sasabihin nito ang dahilan kung bakit ito inatake. Kaya nalilito ako, bakit hindi nito sinabi ang dahilan. Baka may nasabing hindi maganda. Tatanungin ko nalang siya.

"At , bakit naman inatake ang mama mo? May nasabi kang hindi maganda nuh?"

Napatigil ito ng kain, at tumingin sa akin.

"No , wala naman, sa negosyo lang , may problema , kaya ayun na hi-highblood at inatake."

Bakit parang natatae itong isang to?

" Naku , kawawa naman si tita." Ang bait kaya ni tita, palagi niya akong iluluto ng mga specialty niya.

" Don't worry , magpapahinga na si Mom , pagkatapos ng anniversary ng company." Sabi niya sabay ngiti.

" Siguro nga , dapat magpahinga muna si tita, baka ma stress siya lalo ." Malapit na pala ang anniversary ng company nila. And speaking of anniversary.

"Malapit na pala ang ating 4th anniversary , gusto mong mag travel tayo ? you know for us to have time together." Tumingin ako sa kanya, patuloy parin siyang kumakain.

" Hey are you listening?" I said tsaka ko winagayway ang kamay ko sa mukha niya, syempre sa malayo lang para hindi ko naman matamaan ang mukha niya.

Napatingin siya sa akin. " Yeah, yeah what is it?"

"Sabi ko , let's try to travel , kasi malapit na naman ang anniversary natin , tsaka busy ka rin sa work mo diba? So it's time para makapag relax ka"

Napatingin siya sa akin, ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya na nasa mesa.

" Diba promise mo sa akin yun, na mag ta-travel tayo sa iba't ibang bansa ? diba ?".

Ngumiti ako sa kanya , bigla niyang binawi ang kamay niya, kinabahan agad ako , kaya nag patuloy lang ako sa pag-alala sa kanyang mga pangako sa akin.

" Asphene, kas---." Bigla niyang sabi, kaya nagpatuloy lang ako.

" Diba sabi mo, sabay tayong pumunta sa Paris , tsaka sabi mo bubuo pa tayo ng pam--- "

" Let's break up" diretsong sabi niya. Ano daw? Parang mali eh , mali yung pagkasabi niya.

" Ano? Anong let's break up, diba dapat will you marry me? Mali ata pagkasabi mo eh" Pagjojoke ko , mali naman diba?

" I love someone else , and we're engaged" sabi niya sabay tingin sakin. Ito ba ang sinabi niya , sa mama niya? ang sakit pala talaga.

" Owkeyyyy, pwede bayun? Yung may karelasyon kang seryoso, pero may mahal palang iba. " sabi ko sabay tawa, pinapagaan ko lang ang sarili ko eh, pero deep inside nasasaktan na ako.

" Asphene , listen, I'm sorry kasi nagmahal ako ng iba, hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko sa kanya. Parang hindi ko kayang iwan siya, may iba akong nararamdaman pag kasama ko siya, iba yung saya ko pag nandyan siya, I felt like sa kanya lang umiikot ang mundo ko."

" I'm so sorry Asphene , sinubukan kong iwasan siya pero hindi eh, nabihag niya ako." He said at kinuha ang singsing sa bulsa niya . Alam ko eh ito na naman , ito na naman ang tagpo , na iiwan nila ako dahil may iba sila.

" I'm so sorry." Hindi ako umimik , at hinayaan siya.

" I'm so sorry , for everything ." Nilagay niya ang singsing sa lamesa , at tumingin sa akin.

" Goodbye" and he walked away. Mas masakit pa yata ito sa heart attack ni tita.

Ang sakit.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His PromisesWhere stories live. Discover now