Chapter 1

1K 11 0
                                    


Napatingala ako sa langit ,, ang ganda tingnan ng mga ulap ng biglang umihip ang malamig na hangin, napayakap bigla akong sa aking sarili, malapit na kasi ang December kaya medyo malamig dito ,napatingin ako sa cellphone at tumingin kung ano na ang oras oh! it's almost time , tumayo ako mula sa pagkakaupo sa terrace namin.

Pumunta ako sa kwarto para mag linis ng katawan at magbihis ng simpleng damit , I opened my closet pagtingin ko karaniwan kay mama ang mga damit, binibigay niya kasi sa akin ang pinaglumaang mga damit niya na hindi niya masyadong ginagamit kaya binigay nalang niya sakin , mga magaganda pa naman , pareha daw kasi kami ng katawan noong kabataan pa niya, kinuha ko ang simpleng puting bestida, above the knee ito at sleeveless at may tupi sa collar at may belt na naghubog sa maliit kong bewang, I just put the dress on the bed at kinuha ang tuwalya ko at pumunta sa banyo para mag linis ng katawan.

After 10 minutes I wrapped my towel on my body at lumabas ng banyo and I just put my essentials on my skin and blow dry my hair, noong medyo na tutuyo na ang buhok ko ,kinuha ko ang dress at sinuot ko to napatingin ako sa salamin at ngumiti , bagay ito sa aking balingkinitang katawan na namana ko sa mama ko noong kabataan pa niya ,morena ako at namana ko iyon sa papa ko .

Pagkatapos ay ang mukha ka na naman,I have a small face na merong may porma na nakilay,deep eyes , pointed nose, at pouty pinkish lips.Dahil ako ay simpleng babae nag pulbo lang ako at nag liptint ,just when I finished to put on my liptint ay sumigaw si mama galing sa sala.

"Inday!, nandito na si JM!" ugh! dali – dali kong sinuot ang dollshoes ko at kinuha ang shoulder bag "Opo Ma!" , tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at nang satisfy na ako ay lumabas na ako ng kwarto, at bumaba na sa sala, pag baba ko ay nakita kong nakaupo na si JM sa sofa namin,  naka white polo shirt siya at jeans na tinupi ang dulo nito at naka sneakers . Ngumiti ako sa kanya and he smiled back, pero may kung ano sa ngiti niya .

"Hi" I greeted him ,tumayo siya at hinawakan ang bewang ko "Hi" he said.

"So let's go? It's almost 6 baka ma late tayo sa date natin." Sabi niya.

"oh!, wait magpapaalam lang ako kay mama" sabi ko at kumalas sa kanya. Pumunta ako sa kusina at nakita ko si mama na nagluluto.

"Ma" I hug her from the back and rested my chin on her shoulder "Labas na po kami ni JM" I said.

" Mag ingat kayo lalo na sayo"sabi niya at tumingin sa akin, I look down " Baka umuwi kana naman na umiiyak" may halong pag-aalala sa boses niya.

"Ma, hindi yan mangyayari ngayon, nag promise siya sa akin na ako lang wala ng iba" kumalas ako sa kanya at humarap siya sa akin, bumuntong hininga siya at namewang "Yan, yan eh! Mga promise nila na hindi naman matutupad ,at uuwi kana na naman ng luhaan" I pouted " Ma ,naman eh mabait si JM, pati ba naman ito pag aawayan natin" lumapit siya sa akin at niyakap ako "Basta anak , nandito lang ako ,dadamayan ka" sabi niya at ngumiti.

"I love you ma" sabi ko at hinalikan siya sa pisnge, "Mahal din kita" sabi niya at kumalas para bumalik sa pagluluto "O, sige mag date na kayo,ang late niyo na oh"sabi niya at tumingin sa orasan ,"Ikaw kasi eh nag e-emote pa" sabi ko ng tumatawa ,"tse! Pag ikaw umiyak pag uwi mo" sabi niya ,sumimangot naman ako "Bye ma!".

Pagdating ko sa sala , nakita ko si JM pa balik-balik ng lakad ,parang nininyerbos na ewan "Hindi ka ba nahihilo sa pa balik-balik na lakad mo?" sabi ko bigla , nagulat siya at napatingin siya sa akin.

"uhmm, tara na? late na tayo " sabi niya at hinawakan ang kamay ko ,ang lamig ng kamay niya , tumingin ako sa kanya "Ok, kalang?" sabi ko at tumingin sa mukha niya, "Yah, I'm ok medyo kinakaban lang" napangiti ako "Ngayon kapa kinakabahan eh halos nag dedate tayo eh" napa iwas siya ng tingin.

 " Kinakabahan din ako noon nuh,hindi lang halata " sabi niya at pumunta na kami sa sasakyan niya na BMW m5 series.

"Eh, bakit ngayon?" sabi ko at pinagbuksan niya ako ng pinto. "Mas gumanda ka eh" sabi niya sabay tawa , tumawa narin ako pumasok na rin siya sa sasakyan at pinaandar ang sasakyan.

Sana hindi ako uuwi na luhaan.


His PromisesWhere stories live. Discover now