MCP.1

7 0 0
                                    

Ayessha's POV

"Mirror mirror on the wall, who is the fairest of them all?" Tanong ko sa salamin na hawak hawak ko. Duh! On the wall nga e syempre sa dingding nakalagay ano ba naman yan! Napag-aralan ko kaya yan nung grade 1!

"Sha! Basag na yang salamin oh! Isang oras ka na nakatingin dyan!" Sigaw ng kaibigan kong si Gabbi. "wag nyo pansinin yang bestfriend ko na yan. Insecure kasi yan sa kagandahan ko e."

"Alam mo bang minsan sinasabi mo kung anong nasa isip mo?" 0.0 horoshitto! Di ngaaa?

"Okay lang. Mas maganda naman kasi talaga ako sayo e. Pasalamat ka talaga at mayaman ka at matalino, kung hindi nako! pano ka na lang? Kawawa ka kung nagkataon! Hahahaha"

*boogsh*

"Bwisit ka bes. Wag mo nga akong mabatukan dyan, kawawa ang mga brain cells ko!" O dba taray! May pa-brain cells Hahaha kakabasa ko lang nan sa magazine ni bes e. Tunog sosyal kaya naalala ko Hahaha

"Wow! Brain cells, may brain ka ba?"

Asdfghjklmagandalangakohindimatalino!#$! &@:

"Ang aga aga bes iniinis mo ko! Hindi mo ba alam na ngayon ang interview ko sa trabaho? Eto na yun bes oh! I will be... I will be..." ano ba ulit sasabihin ko?

"Ay nako bes. Pag ikaw nag English dun paniguradong uuwi ka na namang luhaan!" Mapang-asar nyang sabi sakin habang nakangisi. Nakakairita talaga tong taong to pag naganon e! -.-

"Wow ha! Napakasupporting mo talagang kaibigan. Dyan ka na nga, Alis na ko!" Iniwan ko na sya sa kwarto ko, alam naman nya pano lumabas sa bahay ko dahil ang liit lang naman nun kumpara sa bahay niya.

"Sige sige ingat ka ah? tsaka Supportive nga pala yun bessy Haha tanga mo talaga!" Luh? Iniba na ba yun? Support na nga lang para di ako magkamali sa susunod! Hahaha

"Hindi man ako magaling magEnglish at kasing yaman ng bessy ko, isa lang ang alam ko. MAGANDA AKO! Hahahaha
I'm make sure na matatanggap ako! Ako pa ba? Ang nag-iisang Ayessha Meikah Dimaculangan tatanggihan ng isang kumpanya? No waaay!"

"Bes mali grammar mo! Hahahaha"  kabayong may pakpak! Shetnamalagket tong babaeng to e, talagang sinundan pa ko para lang mang-inis! Pati iniisip ko pinapansin -.-

"Tse! Dyan ka na nga. Panira ka talaga e!" tuluyan ko na nga s'yang iniwan at baka pati iniisip ng di nasstress kong utak ay marinig nya pa. Minsan nakakajirits talaga yung babaeng bakla na yun e.

"Basta this is it pancit! I'll bring home the position!"
Wag nyo kong macorrect dyan na bacon dapat yun dahil di ko kayo kasing ganda! Djk. kasi kumpanya naman ang pupuntahan ko hindi kainan kaya walang bacon! Keh?

O magsitabi! Dadaan ang tunay na dyosa!

[Howell Group of Companies]

Define Big-time. H-G-C! Grabe mga bes bagsak ang panga ng lola mo! Hangtaas ng building bongga! Feel na feel kong bagay ako dito~

Nafeel nyo na ba yung naglalakad kayo tapos posturang postura kayo na parang ang sosyal nyo? Hindi? Ay kawawa naman Haha. Ako kasi feel na feel ko ngayon e, sabayan pa ng pag-ihip ng hangin- nalilipad tuloy ang kulot kong buhok. wooh! Mukha akong model feel na feel ko talaga na MAS gumanda ako ngayong araw na to.

"Papasok ka ba o babantayan mo tong building?" Biglang may nagsalita sa likuran ko kaya medyo nagulat ako, okay lang kasi di ko naman kinapangit yun [Nagbabagang balita: May napakalakas na hanging dala ang di maipaliwanag na sama ng panahon ngayon.Kumapit ng mahigpit.Hahaha]

"Tsk. Get out of my way." Ma-awtoridad na sabi nung lalaking gwapo este g*** tameme tuloy ako. Grabe parang nabawasan ang kagandahan ko dun ah! Naapakan nya ang... ang... ang ego ko! O kala nyo ha? Alam ko ang ego na yan nabasa ko yan sa wattpad nung highschool ako.

Feeling ko ang talino ko dahil sa ego na yun, pero nakakaasar lang yung mayabang na poste na yun! Hmp. Matangkad lang sya,di sya gwapo! Grrr >.< Badtrip ako ngayon, tumabi tabi na sila sa dadaanan ko at baka mabara ko lang ang kung sino mang makasalubong ko...

pero syempre charot lang yan, mabait kasi ako tsaka maganda! Hihi

"Good Morning Miss Ganda" bati sakin nung gwardiya. Kuuh~ kung di lang nya nilagyan ng depinisyon kung ano ako [Ehem!] baka nasungitan ko na yun.

Syempre di na ko gumanti ng bati sa kanya,  baka masyado kasi syang matuwa maging crush pa ko nun. Wag na oy! Parang tatay ko na ata ang edad nun e.

Rumampa na ko agad papunta sa reception area ba yun? Ah basta! Yung desk na pinagtatanungan. Feel na feel ko ang getup ko ngayon. Professional talaga ang datingan ko!

"Good Morning Ma'am, do you have any business po ba with HGC?" polite na pagkakasabi nung babaeng matangkad sa harapan ko. Nako kahit pa gaano sya ka polite ako'y naiirita, bakit may pabusiness business pang kailangan? Mag-aapply pa lang naman ako.

"Ah ano... kase..." dahil di ko naman alam ang sasabihin ko pinakita ko na lang yung mga papeles na hawak ko. Ayan feeling ko tuloy ang bobo ko na!

Agad naman nyang naintindihan yung gusto kong sabihin kaya sinabi nya na sa 10th floor daw ang pupuntahan ko. Grabe lang dba? 10th floor agad agad! Buti na lang may escalator.
O baka di pa kayo nakakakita ng escalator ah? Sige dahil maganda ako idedescribe ko, ang escalator yun yung parang maliit na kwarto na may mga button tapos dadalhin ka somewhere! Alam nyo na? Hay nako hirap magexplain sa mga earthlings na gaya nyo. Djk baka mainis na kayo sakin ah? Peace tayo! Maganda lang ako hahahaha
---

Wooh! Buti na lang kasya pa ko. Marami ng tao sa loob pero keri pa para sa kagandahan ko. Pasarado na sana yung escalator kaya lang may kumapit bigla na kamay sa may pinto. Red na red ang manicure ni ate girl kabog!
Medyo shookt naman ako ng tumingin sya sakin ng masama.Problema nito?

"Alam mo miss masyado ng masikip dito. Kung tutuusin naman mas nauna ako sayo, naunahan mo lang akong maglakad papasok." sabi nya sakin with matching taas kilay.

Ang nakakainis lang pati yung ibang nasa loob e nakisang-ayon sa kanya, kesyo malalate na daw sila at naaabala kaya nagka-isa silang pababain ako. Tsk! Porket matangkad, maputi, sexy, at sosyalin yung babae papababain nila ako? Maganda lang ako okeh? Jirits e!

Syempre lumabas na ko at nag-antay dun sa susunod. Ayoko namang ipagsiksikan pa yung sarili ko dun. Kaso lang...

"Horoshitto! Late na ko!!!" ay bwisit naman oh!

Agad akong tumakbo papuntang hagdan. 10th floor pa pupuntahan ko tapos maghahagdan. Pawerrr naman oh! Goodluck sa itsura ko, baka mahaggard ako. Syempre Charot lang yan, ang magaganda hindi nahahaggard! Tandaan nyo yan.

***
Author's Note:

Ayan mga Earthlings, naiintriga ba kayo sa itsura ni Ayessha at bakit gandang ganda sya sa sarili nya? Ilalagay ko ang picture nya sa susunod na taon.

Keme! Next chapter po makikita nyo na ang pinagmamalaking kagandahan DAW ng ating bida.

Mr. CEO's prisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon