Ayessha's POV
Hingal kabayo na ko ng makarating sa 10th floor. Nubayan! Nalusaw na yung Johnson's ko. Kailangan ko na magretouch! [Kala mo naman mamahalin yung nasa mukha hahaha] Ay nako bwisit kasi yung Red Lady na yun e! -_-
"Uy! Hi girl, mag-aaply ka rin?"tanong sakin ng isang babaeng chubby na nakacorporate din.
"Obvious ba? Haha. Teka nagstart na ba?"tanong ko sa kanya ng mapansing nakasarado yung isang room.
"Oo. Group interview nga daw e, kinabahan tuloy ako bigla!"hala sya oh? Group interview! Parang nakakahiya naman yata yun kasi magkakarinigan ng sagot yung mga aplikante.
"Sabay tayo Jasmine! Kinakabahan din ako ng pasweet e" halata ang gulat sa mata nya ng banggitin ko ang pangalan nya.
"Pano mo nalamang Jasmine ang pangalan ko?" Manghang tanong nya sakin ngunit nagkibit balikat lang ako. Medyo mahina rin siguro ulo neto, ang laki kaya ng nametag sa dibdib nya haha
"Next three please"sabi ng isang babaeng lumabas dun sa nakasaradong room.
Napagpasyahan namin na sa susunod na batch na kami, para naman makapag practice kahit papano. Itatanong nyo pano kami nagpractice? Simple lang, nilabas ko lang ang mahiwaga kong notebook. Haha buti na lang naisipan ko itong dalhin.
"What is your motto in life?"basa ni Jasmine sa nakasulat.
Hala mga bes ano ba yang motto na yan? Ilang beses na kong nakapagsagot ng ganyan pero puro gaya gaya lang ang nilalagay ko.
"Sige Jasmine, ikaw muna sumagot. Pag-iisipan ko pa yung akin hehe" ano ba kasing magandang motto? Sana pala'y nagtanong ako kay Gabbi.
"Time is gold. Life is too short to waste it." Nakangiting sabi ni Jasmine. Aba aba! Di ko akalaing matalino rin ang isang tao ah? Teka ako din!
"Ano may naisip na ko!... Love is blind!" Buong pagmamalaki kong sabi sa kanya. Pero nakatingin lang sya sakin na nakakunot ang noo.
"Luh? Anong Love is blind pinagsasabi mo dyan? What is your motto IN LIFE nga e! IN LIFE!" Yun naman pala ang problema. Nga naman, life nga pala yung tanong hindi love. Anubayan out of topic ako.
"Ahh.. edi palitan natin. Life is blind pala. O ayan ha!" Buong pagmamalaki kong sabi kaya naman sabay kaming napatili ni Jasmine habang magkahawak ang kamay. Paniguradong may isasagot kami.
"Tsk. Ingay." Sabat nung babaeng nasa may likuran namin na nag-aantay din. Hmp! Palibhasa di ko sya pinapasilip sa Slam book kong Stitch! Bitter.
"Next three please." sabi ulit nung babae pagkalabas niya nung room.
"Hala Ayessha, ito na yun. Wooh! Inhale... Exhale..." kinakabahang wika ni Jasmine.
Nako sana lang wag akong matanong ng Who is your crush o Who is your first love. Paniguradong di ako makakasagot...
Nakakahiya kaya! Sobrang personalised yung tanong na yun ano! I kennat mga bes.
"Sana madali lang. Sana madali lang..." mahina kong dasal bago kami tuluyang pumasok sa loob.
Teka parang nasira ata ang tiyan ko. Kinakabahan ako.
---
"Have a sit." ma-awtoridad na wika ng isa sa mga nakaupo sa harap namin. Feeling ko tuloy para akong candidate sa Miss Universe na tatanungin ng mga judges. Mabuti na lang at mahilig akong nanood ng mga ganyan kaya di na rin ako gaaanong kinakabahan.
Nagsimula silang tignan ang mga resume namin na nasa harapan nila. Bigla naman akong kinabahan kasi...
"Ms. Dimaculangan?" O.O teka..sya yung... yung...
Nagulat ako ng bigla s'yang ngumiti sakin...
Teka... Ngiti ba yun o ngisi?
S'ya yung Babaeng naka Red manicure!
Oh! Kala nyo siguro yung lalaking g*** kanina no? Tapos magiging boss ko sya at papahirapan nya ako, tapos di magtatagal mafafall syal sakin, tapos magiging kami pero iiwanan nya rin ako kasi walang poreber?
Pero hindi! Yung babaeng impakta to mga bes! Grrr. Nasa boiling point na ang dugo ko.
BINABASA MO ANG
Mr. CEO's prisoner
HumorDefine swerte. A-Y-E-S-S-H-A! Hahahaha ako na yata ang pinakaswerteng babae sa buong mundo! Baket? Kasi nandito ako ngayon sa trunk ng sasakyan at nakagapos. Tinatanong nyo kung anong swerte dun? Duh! Perst taym ko lang kasi makasakay sa mamahal...