Chapter one - The transferee

20 6 2
                                    

JACE TANCECO A

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JACE TANCECO A.K.A (ACE)

Jace Pov

Nakatayo na pinagmamasdan ko ang school na pinaglipatan sa'kin. Nandito ako sa harap nang gate at maraming studyante ang napapalingon saakin, iniisip ko kasi kong saan ko ipaparada ang second hand na motor ko.

"Hey Bro, may problema ba?" Napalingon ako sa tumapik sa balikat ko. Tiningnan ko siya at mukha naman ok tong lalake na to, simply lang ang kanyang suot na maong na pants at gray na t-shirt. Tulad ko matangkad din siya pero moreno siya ako naman medyo maputi.

"Saan ba pwede magparada nang motor?" Seryuso na tanong ko

"Ah, yon ba? Diyan sa gilid pwede na kilala ko nakatambay dito" turo nito sa may gilid nang lamesa na may lamang paninda. Kunot naman ang noo ko at tiningnan ko siya.

"Tiwala lang p're" nakangiting sambit nito. "Bilisan na natin kasi plug ceremony na" aya nito kaya kinuha ko na motor ko.

Lingon dito at lingon dun. Pansin ko ang mga pasulyap-sulyap nang mga studyante sa'kin.

"Mukhang magkakagulo sayo p're mga babae dito ah" narinig kong salita nang lalake sa likod ko. "Nga pala Andrei ang pangalan ko" rinig ko pang pakilala niya.

"Jace P're" mahinang sagot ko pero sapat na upang marinig niya.

Matapos ang plug ceremony kanya-kanyang alisan na ang mga studyante. Magkasabay naman na naglalakad kami ni Andrei.

"Saang school ka galing P're?" Maya-maya'y tanong nito sa'kin.

"Sa probinsiya" maikling sagot ko.

"Probinsiya? Di halata ah, mukhang yayamanin kasi ang itsura mo at isa pa mukhang di ka taga probinsiya" di makapaniwala na salita nito.

"Bahala ka kong ayaw mong maniwala" sagot ko lang. Natahimik naman kami matapos yon.

"Anong section kaba P're?" Maya-maya'y tanong niya.

"Section 4B" sagot ko habang ipinasok ko ang isang kamay ko sa bulsa nang pantalon ko, kinapa ko phone ko dun.

"Nice pala iisa lang room natin, sana mag-enjoy ka dito at sisiguradohin ko 'yon" nakakaluko na ngiti nito.

Ilang sandali lang 'ay nakarating na kami sa room namin sa fourt floor pala ang Section 4B. Pag-enter ko palang nang room lahat nang nasa loob na studyante natigalan pagkakita sa'kin.

"Oh? Nakakita na naman kayo nang artistahin gaya ko tulala na naman kayo" ngising sabat ni Andrei di ko nalang pinansin nauna na ako at naghanap nang mauupuan.

"Sino siya Drie? Ang gawapo naman" narinig kong salita nang isang babae sa unahan.

"Oo nga ang gawapo tapos ang kinis nang balat" sabi pa nang isang babae. Tahimik na umupo ako malapit sa dulo sa gitna.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love story Natin toTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon