chapter 13

1 0 0
                                    


Hindi palang kami nakapark, may nakita akong nagkumpulang mga studyante , makikita sa kanilang mga mata sobrang kinilig

Cassandra ,mauna ka ng lumabas may pupuntahan lang ako sandali. Nabaling ang tingin ko kay Stan na ngayon ay nakatingin  din sakin

Ahh, Oo salamat sa ride Stan. Sabi ko sabay alis ng seatbelt saka lumabas ng sasakyan. Nang makalabas ako agad namang pinaharurot ni Stan ang kotse

Tinahak ko agad ang direksyon patungong classroom pero may humarang sakin.

Miss Cassandra, may nagpapabigay sayo. Anito sabay lahad ng isang rose

Saan galing? Tanong ko sa kanya habang kinukuha ang rose

Doon po ,oh. Aniya sabay turo sa nagkumpulang studyante

Huh? Ah, sige salamat nalang nito. Ngiti ko sa kanya

Saka sabi ng nagpapabigay nyan pumunta ka daw doon. Aniya nakangiti at umalis na sa harapan ko

Kumunot lang ang noo ko dahil sobrang naweweirdan ako ,may nagpapabigay sakin ng bulaklak galing sa nagkukumpulan?tsk

Nagtataka man pero wala akong magawa kundi pumunta nalang sa nagkumpulan ,hindi pa naman ako late sa klase

.
.
Nang makalapit ako sa nagkumpulan naging tahimik sila na kanina lang sobrang ingay. Tsk!weird'
napansin ko lahat sila nakatingin sakin ,
Maya-maya pa ay agad ulit nagtilian

Anong problema nila? Nakahithit ba sila ng katol?..

May narining akong nagstrum ng string ng gitara galing saking likuran dahilan para napalingon ako .

Nakita ko syang may dala-dalang gitara .Nakatingin lang sya sakin at nakangiti ng pagkatamis ,
Nakasuot sya ng barong tagalog wala akong ibang ginawa kundi ngumiti sa kanya

Nabaling ang atensyon ko sa kanyang likuran nakita ko sina Stan,Liam at Dave natudo ang ngiti at may dalang bulaklak

Hey Miss, pwede ba sakin ka lang tumingin. Aniya nagkasalubong ang mga kilay

Kaya tiningnan ko sya ng maigi at nginitian .Nakita ko syang sinimulan na ang pagkanta

Uso pa ba ang harana
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba

Mayron pang dalang mga rosas suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Naka-porma naka-barong
Sa awiting daig pa ang minus one at sing-along

Huminto sya saka nilingon sina Stan ,Liam at Dave natudo parin ang ngiti ,binaling nya naman ulit ako saka nagpatuloy sa pagkanta .

My goodness, para akong nasa langit dahil sa kanyang boses na malaAnghel

Puno ang langit ng bituwin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw

At sa awiting kong ito
Sana'y maibigan mo
ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Para sa'yo

Di ba parang isang sine
Isang pelikulang romantiko
Di ba't ikaw ang bidang artista
At ako ang 'yong leading man
Sa istoryang nagwawakas sa
Pag-ibig na wagas

May mga luhang nagbabadya ng tumulo saking mata ,lumapit sya sakin saka hinawakan ang mga kamay ko habang patuloy parin sa pagkanta.

Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin ako'y nababaliw
Giliw

At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
  Para sa'yo ....

Mas lalong naghiyawan ang mga studyante nakapalibot samin.

Cassandra Mae Fortis alam kong mabilis ang pangyayari parang kailan lang.
Una nating kita hindi naging maganda dahil nagalit ako sayo sa pagreject mo sa feelings at efforts ng iba para sayo. Sabi nga nila lahat may dahilan dahil ika'y para sakin lamang . Nagising nalang ako isang umaga hinahanap-hanap na kita ayaw kong may lumalapit sayo dahil nagseselos ako kaya nalaman kong mahal na kita at higit pa sa inaakala ko .Yung ginawa kong pag-iwas sayo sobra din ako nagdusa gusto kong makita kang ngumiti dahil kinilig sakin at halikan palagi.

Alam kong corny ako ngayon , kaya hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Just answer me Yes or No only at hopefully hindi ako mabiling sa ireject mo.

Can you be my Girlfriend for real   ..Aniya gamit ang masuyong boses

Hindi ko namalayan may mga luhang bumagsak saking mata, hindi ko napigilan ang aking sarili dahil sa tuwa.

Oh, bakit ka umiiyak? Hindi mo ba gusto ang ginawa ko. Aniya na may halong pagkalungkot

Umiling ako bilang sagot ,sabay punas ng aking luha .Nakita ko ang pagbago ng kanyang eskpresyon sa mukha

Umiiyak ako Leon dahil sa sobrang tuwa, Saka di kana dapat nag-abala pa kahit hindi kana manligaw mahal na mahal naman kita ng sobra Sabi ko sabay bigay ng malapad na ngiti

Yes, Carlleon Ocampo tinatanggap ko ang pag-ibig mo. dagdag ko pa
Umaliwalas ang kanyang mukha ,saka lumapad ang kanyang ngiti at hinagkan nya ako sa labi .

Mas lalong naghiyawan ang mga taong nakapalibot samin .

.
.
.
_
Author's note

Okey guys ,alam kong di kaaya-aya ang pangyayari ng kwento but gigawin ko ang lahat para mapaganda lang kaya kung may suggestion kayo ,please paki message sakin para ma-edit ko pa .^_^

Thank You ...

..Harana by Parokya ni Edgar..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined with My EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon