chapter 3:

3 2 0
                                    

Naglalakad ako sa may corridor ,patungong cafeteria

Sandra..

May tumawag sakin galing likuran

Oh, Jacob ikaw pala?.
  Ani ko sa kanya habang naka ngiti

Si Jacob ay kaklase ko simula elementary palang at hanggang ngayong high school , Sikat ang pamilya ko sa business lalo na kay daddy dahil sa pagiging Wise nito sa negosyo ,at ang pamilya  ni Jacod ay sikat rin dahil malaki kung mag invest sa business world. Kaya di ipagkaila close ang pamilya namin ,

M-may kasama ka ba papuntang canteen?  Tanong niya sakin habang nakatingin sa sahig

Ano sa tingin mo? May kasama ba ako?.  Pilosopong balik tanong ko sa kanya habang naka taas ang isang kilay

Umangat sya at ngumiti

Hmmmmm.. di ipagkaila may itsura din itong si Jacod ,kulang lang sa self confidence

Minsan nga kiligin din ako sa  isang toh.  

P-pwede ba akong sumama saiyo sa canteen? huwag kang mag-alala behave ako ,kung gusto mo  treat pa kita.  Aniya

Sure, halika na bilisan natin dahil gutom na ako.

Mabilis kaming nakarating sa cafeteria at naghanap agad ng table

Sandra..
    dito ka lang, ako na ang bibili ng pagkain natin. Aniya

Okey please, Ani ko habang naka ngiti at umupo nalang

Habang naghintay kay Jacob may narinig akong tilian sa may bandang likuran . Nang tiningnan ko ito agad kong nAkita ang pinsan kong lalaki kasama ang kanyang mga kaibigan, napatingin ako sa kanilang likuran ang daming babae nakasunod ,Nakita ko si Leon na walang ekspresyon ang mukha.

Nakita ako ng kaibigan ni Stan bumulong ito sa pinsan ko, kaya naman lumapit sila patungo sakin na nakangiti expect lang sa isa kay Leon.

Sandra.. are you alone?
  tanong ni Stan sakin

Nope, I'm with Jacob hinintay ko lang sya kumuha ng pagkain namin.

Ah, ganun ba .
sige dito lang kami sa kabilang table. Paalam ni Stan sakin

Nakita kong tumingin si Leon sakin, kaya naman nginitian ko sya.

Tsk....
tanging narinig ko galing sa kanya

Hay naku, parang menoposal ang isang to. Tanging bulong ko

Mayamaya pa ay dumating na si Jacob dala ang aming pagkain, Kaya naman agad ko itong hinantakan,

Gutom na kasi ako Jacob .
Tanging na sabi ko sabay ngiti kay Jacob

dahil kita ko ang kanyang pagkagulat saking ginawa

Sorry hah, natagal-
  hindi ko na sya pinatapos pa.

It's okey Jacob, nakakain na naman ako eh , Thanks nga pala . Sabi ko habang kinakain ang fries

Ahmmmm...
Cassandra ,m-may ketchup ka sa gilid ng labi mo. Aniya habang napalunok

Kaya naman napahinto ako sa pagkain ng fries, Agad ko itong pinunasan .

M-meron pa Sandra...

Sabay punas ni Jacob sa gilid ng labi ko ,kaya agad akong napatingin sa kanyang kamay na pumupunas .

Aware na kasi ako, na may tama sakin tong si Jacob , kapag kami ay nag-uusap hindi nya maiwasan ang pagkautal .

Sorry...

It's okey Jacob , Thanks
  tanging nasabi ko sa kanya

Nilingon ko ang kabilang table , nagtagpo ang aming tingin , nakita ko ang pag-iwas ni Leon.

Bakit sya nakatingin dito?
  tanong saking sarili

Bumalik ang tingin ko kay Jacob na ngayon ay nakatingin sakin.

Anong problema Jacob? May dumi pa ba saking pisngi ? tanong ko habang nakataas ang isang kilay

Nothing, Cassandra..
  Aniya habang nakatingin parin sakin

So, anong tinitingnan mo saking mukha?. tanong ko sa kanya na wala sa pag-iisip

Na-ga-dahan lang ako saiyo. Utal niyang sabi at ngumiti ng pagkatamis

Wala akong nagawa kundi lumunok nalang,
hindi ko ipagkaila kapag kasama ko si Jacob may times na kiligin ako .

Awkward masyado...... 

Nilingon ko ulit ang kabilang table para mawala ang tensyong namamagitan saming dalawa ni Jacob.

Nakita kong may lumapit na tatlong babae sa table nila Stan,
nagpakilala ang mga ito at ganun din ang ginawa ng mga lalaki.

Nakita ko ang ngiti ni Leon sa babaeng ka shake hands niya,

Sh*t!  ang Gwapo!!!
Bulalas ng isip ko .

Destined with My EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon