Kabanata 3
Flashback
Saturday ngayon at ilang araw ding hindi kami nagka-usap ni Zack kaya pinuntahan ko nalang siya sa condo niya para magpaliwanag sa lahat. Aaminin ko nahuhulog na talaga ako kay Zack, eh sino bang hindi mahuhulog sakanya. gwapo naman siya pero maypagka isip bata lang nga.
Pumasok ako sa elevator at Pinindot ang floor sa unit ni Zack.
Tumunog na, kaya lumabas na ako sa elevator.
Sumalubong sa akin ang tahimik na hallway na kahit apak mo sa paa nagiingay kaagad.Nung narating ko na ang pinto sa unit niya, nag doorbell kaagad ako, bumukas ang pinto at siguro hindi inexpect ni Zack na pupunta ako kaya nanlaki ang mga mata niya pero kaagad naman siyang nakabawi at malamig na mata ang ipinukol niya saakin.
"What are you doing here?" Malamig niyang sagot.
"Zack let me explain, hindi ko sinasadya yun at hindi totoo ang mga narinig mo sakanila, oo pinagplanuhan naming mahulog ang loob mo saakin para mabawi ang sasakyan ko pero hindi ko naman inaasahan na mahuhulog din ang loob ko sayo, alam ko na hindi ka maniniwala pero kasi bawal mahulog ang loob ko sayo, pag nangyari yun titigil ang deal namin at hindi ko makukuha ang sasakyan kaya nagsinungaling ako sakanila na hinding-hindi mahuhulog ang loob ko sayo—" naputol ang sasabihin ko nang sumabat siya.
"Pero hindi mo parin sinabi saakin na meron kayong deal." Anito sa malamig na boses.
"Sasabihin ko naman, naghahanap lang ako ng tiyempo. Maniwala ka."
(3rd Person's Point of View)
Lumipas ang mga araw graduate na sila at nasabi niya na sa mga kaibigan niya ang totoo'ng nararamdaman niya kay Zack at naintindihan naman siya nito. nabalik narin sakanya ang kotse niya at naging maayos ang pagsasama nila ni Zack kahit mayroong away ang nagaganap.
Pero nagbago ang lahat ng iyon nang may natanggap siyang tawag mula sakanyang ama.
"Keziah Nicole! Ano tong nalalaman ko na nakipagrelasyon ka sa anak ng mga Buenaverde, alam mo bang karibal natin sila!? At may sakit ang mama mo! Bumalik ang sakit niya sa puso, kung pagpipilitin mo pa ang katigasan ng ulo mo pwedeng atakihin ang mama mo at mamatay! Gusto mo na iyon ha!?
At meron kanang ticket pabalik dito sa America."Tuluyan ng Tumulo ang luha sa nga mata niya at napagpasyahan niyang mas mabuting e sakripisyo nalang niya si Zack kesa ang kanyang ina ang mamatay, Wala siya sa mundo kung wala ang mga magulang niya kaya mag importanteng sumunod Nalang siya sa magulang niya kesa may mangyaring masama.
Nahihilo siya kaya umupo muna siya, parang binibiyak ang ulo niya at gusto niyang masuka kaya dumiretso siya sa banyo upang isuka ang lahat ng kinain niya at laway nalang ang naisuka niya dahil kahit gusto niya pang masuka wala ng lumalabas sa bibig niya.
Tinignan niya ang itsura niya. Magulo ang buhok, pulang-pula ang mata at masyadong pale ang lips. Nagpahinga muna siya at napagdisesyonan niyang pumunta sa botika para bumili ng Pregnancy Test.
May malakas na hinala siya kung bakit siya nagka ganon pero winawaksi niya lang dahil hindi pwede at gumagamit naman siya ng Proteksyon.
Nanghina siya ng maalala na nakalimutan niya palang uminom ng pills.
Bumili siya ng dalawa upang sigurado talaga at pagka uwi niya sa condo niya naabutan niyang meron ang dalawang kaibigan niya sa loob, alam naman nila ang passcode kaya pumasok na sila.
"Uy Beb! Saan ka galing?" tanong kaagad nila kierre at Maye sakanya.
Pinaliwanag niya na madalas ang pagsusuka niya at pagkahilo, sinabi niya ring bumili siya ng Pregnancy Test.
Pumasok na siya sa banyo at nasa labas naman ang dalawa niyang kaibigan para maghintay.
(First Person Point of View)
Pumasok na ako sa banyo at malakas ang kalabog ng dibdib ko sa magiging resulta.
Dalawang Linya!
Kumalabog ang dibdib ko at parang lalabas na sa kaba. Sinubukan ko parin ang isa baka negative na!
Dalawang Linya!
Parang Naiiyak ako at masaya rin sa pakiramdam pero mas lumilitaw rin ang kaba.
Masaya naman ang naging reaksyon ng nga kaibigan ko sa nangyari pero nag alala rin sila. Iyak ako ng iyak nung nakatulog na si Zack sa tabi ko. Ito na ang huling gabi namin dahil aalis na ako mamayang alas tres at alas dose pa ngayon.
Hinalikan ko siya ng isang beses at Nagbihis na. Alam ko hindi ako mapapatawad ni Zack sa ginawa ko sakanya.
Nung malaman ng mga magulang ko ang nangyari sa akin, galit na galit sila pero pagkanganak ko naman na kay Zachary medyo nawala na ang galit nila saakin at napatawad na nila ako.
Tanggap narin nila ang ama ni Zachary kahit alam kong hindi na ako mapapatawad ni Zack.