SMP 1

897 19 1
                                    

Ang sarap ng malamig na simoy na hangin na dumadampi sa aking balat

Nandito ako ngayon sa aking kwarto at linalanghap ang masarap na simuy ng hangin na nag mumula sa labas

Damang dama ko ito dahil nasa tapat lang ako ng bintana, kitang kita ko ang mga punong nag sasayawan kahit gabi na ay kita ko pa rin ang kagandahan nila
Nasa second floor kasi ng aming bahay ang aking kwarto kaya lagi akong nakatambay dito sa may bintana ng kwarto ko upang makalanghap ng sariwang hangin at makapag relax na din

"Kamusta na kaya sya'' tanong ko sa kawalan ng maisip ko ang taong nag patibok ng aking puso

Bukas ay panibagong araw nanaman ng pasukan at makikita ko nanaman sya

Napahinga na lamang ako ng malalim dahil kahit pilitin ko man syang kalimutan o palitan ay di parin sya mabura bura sa aking isipan at lalong lalo na sa 'king puso

Sinarado ko na ang bintana at dali dali na akong humiga sa kama, iniisip ko parin sya

Hindi nya alam na gusto ko sya dahil lihim ko lamang syang minamahal wala din naman akong karapatang magalit dahil sa una pa lang ay alam ko ng wala akong pagasa sa kanya dahil straight sya di gaya kong bi sexual

Third year highschool na ako bukas at mahigit tatlong taon na din akong nag kakaganito sa kanya

Naalala ko pa tuloy nung unang kita ko palang sa kanya noong first year mag eenrol ako non ng bigla ko syang makita

Flashback..

Masigla akong naglalakad papasok sa aking papasukang eskwelahan upang makapag paenroll na ako dahil nalalapit na ang pasukan

Mag isa lang akong naglalakad ngayon nandito na ako sa may bandang court at hinahanap ko na lang kung nasaan ang faculty office upang makapag pa register na

Excited ako habang nag lalakad kung may makakakita nga sakin ay siguradong mapagkakamalan akong timang ahaha

Excited na may halong kaba ang nararamdaman ka sa aking first year lagi kasi akong loner noong elementary days ko dahil hirap ako sa pakikipag socialize sa mga tao pero ngayon ay susubukan ko ng maging friendly

Naputol ang mahabang pag iisip ko ng may makita akong lalake na nakaupo sa may bandang gilid ng court parang malungkot sya

SANA MAY PAGASA (M2M) (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon