SMP 3

668 24 11
                                    

Hi guys Comment lang kayo kung may hindi kayo maintindihan na parts
Gabi kasi ako nag susulat ng story kaya ang ending ay lagi akong napupuyat pero ang mahala ay wala namang may pake ata hahaha K Bye 😂

**

DEKU'S POV

Kasalukuyan akong kumakain ng pancit canton ngayon dito sa bahay wala kasi si mama dahil pumasok sya sa office wala naman kaming pasok ngayon kaya dito lang ako sa bahay naka tengga

Napag isip isip ko ilang linggo ko na ring iniiwasan si Victor naiinis nga ako sa sarili ko dahil heto na nga't maayos na ang pakikitungo sakin ni Victor ay saka naman ako umiiwas

Madalas akong kulitin ni Victor lagi rin sya sumasabay kumain sakin pag break time and he even get my number pero iniiwasan ko parin sya mahirap na at baka mapamahal ako lalo sa kanya eh alam ko namang may iba na syang gusto baka ako lang masaktan sa huli

Napapansin na din Nila Maki na nagiging malapit sakin si Victor na labis naman nilang pinagtaka dahil daw dati ay di naman ganon ito ang sabi ko nalang ay hayaan na lang and besides part of me gusto din iyon

Ng matapos kumain ay agad ko itong linigpit at dumiretso na sa taas gusto kong matulog ng mapayapa naman ang aking isip puro si Victor nalang ang laging nasa isip ko

Habang nakahiga ako ay naramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone agad ko naman itong tiningnan upang malaman kung sino ito

"Good afternoon Deku pwede ba akong tumambay dyan sa inyo?" Text mula kay Victor na akin naman ikinagulat at bakit naman nya naisipang tumambay dito at bakit ngayon lang sya nag text eh ang tagal tagal ng nasa kanya netong number ko

"Huh?" Reply ko dahil parang unusual naman yun na sa daming tatambayan ay dito nya pa naisip pwede namang sa mall at saka pano naman sya makakapunta dito eh hindi nya alam kung san ako nakatira

"Please" reply naman nito

"Pano ka naman pupunta dito eh di mo naman alam bahay ko?" Reply ko din

"Akong bahala :)) so ano payag ka?" Reply din agad nito alam kong di ako titigilan nito kaya pumayag nalang din ako

"Sige na nga" reply ko

"Really?? Okay I will be there in no time just wait me ha" 

Napapailing na lang ako mukang di naman umepekto ang pag iwas ko sa kanya parang lalo lang kaming pinag lalapit

Pagkatapos kong mag linis ay saktong may kumatok alam kong si Victor na iyon pero pano nya kaya nalaman kung san ako nakatira

Pinagbuksan ko ito ng pinto at tumambad sa akin ang isang napaka gwapong nilalang simple lang suot nya naka White shirt lang sya at black jeans pero ang lakas padin ng dating kahit siguro basahan ang isuot nya ay babagay sa kanya

Nakangiti lang ito sa akin na may pataas taas pa ng kilay parang aso lang haha joke

Pinapasok ko naman agad sya baka makahalatang nagwapuhan ako sa kanya

"Upo ka muna" sabi ko dito at pumunta ako sa kusin upang mag timpla ng maiinom namin

Pag balik ko ay nakaupo na sya sa sofa
Agad ko naman linipag sa katapat nitong table ang inumin

SANA MAY PAGASA (M2M) (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon