Chapter 2

804 59 18
                                    

CHAPTER 2
Reply

"Guys, as of now, you need to spend more time in the library to focus on your articles and improving them. The DSPC is just around the corner and we don't want to let our school down, don't we?" tanong ni Sir Al, school paper adviser namin.

"NO!" determinadong sagot ng mga kasama kong campus journalists.

Nakaka-boring talaga 'yong ganito, ang dami-dami nilang sinasabi sa harap pero hindi ko makuhang makinig dahil tinatamad ako makinig ng motivational words.

"Miss Villegas?"

"Present!" nagtawanan sila.

"Ang sabi ko, gagawa ka ng column mo about 'haze', hindi ako nagche-check ng attendance." natatawang sabi ni Sir.

"Sorry po, Sir." nginitian niya ako at  nag-proceed sa mga reminders.

Napailing na naman ako sa isang moment of my life kung saan ipinahiya ko ang sarili ko dahil sa kalutangan ko.

Kaya naman matapos no'ng meeting, kanya-kanya kaming pumunta sa mga pwesto namin para magsanay.

'Yong mga RB, nasa may mini-stage sila malapit sa mga sound system at speakers. 'Yong mga photojournalists naman, nasa labas, gumagala para kumuha ng mga pictures. At ang mga news, editorial, feature writers at cartoonists, magkakasama sa iisang malaking lamesang pinagdugtong-dugtong.

Pero dahil mabait akong editorial writer, nandito ako ulit sa tapat ng computer sa may likod, nakahiwalay sa kania. Actually, favorite ko dito dahil mas tahimik kumpara sa mga tables. Tsaka, hindi nila makikita apag nanunuod ako ng k-drama dito, unless may lalapit talaga.

Paano ba naman kasi, may news coverage about sa column na gagawin ko kagabi pero 'yong Papa ko, ang damot sa TV. Finals daw sa NBA kaya hindi ko maagaw 'yong remote,  kaya hello internet ulit tayo.

Pero wala namang batas na nagbabawal sa'king gumamit ng computer kaya naman umupo na ako sa favorite spot ko. Nagsimula na ulit akong magtanong kay Manong Google na sinamahan ni Mareng WiFi na makupad.

Tahimik ang paligid nang bigla akong gulatin ng ingay na nanggaling sa likod.

"Ay, tinolang bagoong!" nagkandahulog-hulog 'yong ibang mga libro doon.

Handang-handa na akong sigawan ang kung sinong damuhobng may lakas na loob gulatin ako, pero napatigil ako nang lingunin niya ako ng mga nag-aalalang mata niya.

"Sorry. Nagulat ba kita?"

Hindi ko pinahalata ang panlalaki ng mga mata ko kahit pa si Rigie Elifanio ang nasa harap ko. Head siya sa Photojournalism at member din ng Editorial Board. Tulad ko, four years na siya sa journalism at batchmate ko pa.

"Ayos lang.

Sinubukan kong kumalma bago ako lumapit sa kaniya para tulungan siyang magpulot ng mga librong nahulog at ibalik sa shelf.

"Salamat." aniya nang matapos kami.

Bumalik na ako sa upuan ko at iminuwestra ang mga daliri sa keyboard.

Tumahimik na ulit ang paligid ko.

Umalis na kaya 'yon?

"Ranleigh 'di ba?"

"Ay, galunggong!" halos mapatalon ako nang napagtanto kong nasa likod na pala siya ng inuupuan ko.

"Oops... I did it again." sinimangutan ko siya.

Britney Spears, ikaw ba 'yan?

"Wag mo nang uulitin 'yon, pwede? Magbigay ka naman ng heads up kapag magsasalita ka."

CaptivatedWhere stories live. Discover now