Simula

9 2 1
                                    

Simula?
Paano ko nga ba sisimulan?
Paano ko sisimulan ang buhay ko na para bang malapit nang mag wakas.

Nagmahal,nasaktan at nag move on. Pero bakit hirap na hirap akong mag move on?
Bakit hirap na hirap akong kalimutan ang taong naging dahilan kung bakit ako ganito ngayon?

Bakit? bakit? bakit kung makaasta sya parang hindi nya ako minahal? na para bang hindi nya ako pinahalagahan? na para bang hindi ako naging parte ng buhay nya?

Paano nga ba ako makakalimot? kung ang puso ko sya lang ang tinitibok? kung ang ang mga mata ko sya lang ang hinahanap? kung ang pandinig ko sya lang ang nais marinig? kung ang bibig ko sya ang bukambibig?

Kahit na sino, kahit na ako gustong makalimot sa mga sakit at kahihiyan na ipinadama nya saakin. Pero bakit? bakit ang buong pagkatao ko hindi sang-ayon kung ano ang gusto ko?

Hindi ko maintindihan kung ano pa ba ang pinaglalaban ko? Naghahabol ako sa taong ayaw mag pahabol. Nagmamahal ako sa taong hindi na ako mahal. Pinaglalaban ko ang taong matagal na akong sinukuan.

Madalas kong tanungin ang pagkatao ko, kung nasa tamang pag-iisip pa ba ako? Na tama pa ba ang ginagawa ko?

Nakikita ko sya araw-araw masaya habang ako nagdurusa, sya kontento habang ako sya nalang ang kulang, sya na may mahal ng iba habang ako mahal parin sya.

Nasa punto na ako ng buhay ko kung saan despirado na 'kong makuha sya kahit na may masaktang iba. Wala akong pakealam kung may humarang sa daan na tatahakin ko para mapasaakin muli sya.

Kahit na masaktan ako nang paulit-ulit basta sa huli mapasaakin parin sya. Kahit na mapahiya ako araw-araw dahil sa mga ginagawa nya tuwing lalapitan ko sya. Kahit na saktan na nya ako nang pisikal ayos lang basta mahawakan ko muli sya.

Ganoon ako, hindi nyo ako masisisi dahil ipinadama nya saakin noon kung paano magmahal nang sobra. Sobra,sobra kung saan kahit para sa sarili mo walang matira.

Hopelessly DevotedWhere stories live. Discover now