Kabanata 1

7 2 1
                                    

It's been 6 months seens hiniwalayan nya ako. Oo sya nakipag hiwalay, Bago kami maghiwalay masaya kami at ramdam ko na mahal namin ang isa't isa. Nagulat nalang ako hindi sya nagparamdam ng tatlong araw, sya kasi yung lalaking dumadalaw saakin sa bahay gabi-gabi para makipag kwentuhan at lalambingin ka. Sya mismo nag sabi saakin na hindi daw kompleto araw nya kapag hindi nya ako nakikita at nakakausap, Kaya naman ganoon nalang ang pag aalala ko that time dahil hindi sya nagparamdam man lang saakin. Nagpasya ako na hanapin sya pero paglabas ko palang ng bahay nasa harapan ko na sya. Gumaan ang loob ko dahil akala ko may nangyari nang masama sa kanya. Pero bakas sa mukha nya noong araw na 'yon ang pagiging seryoso pero hindi ko nalang pinansin at lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

Mahigpit ko syang niyakap at hinalikan sya sa pisngi. Pero inalis nya ang mga kamay ko na nakayakap sa balikat nya, kaya napatingin ako sa kanya na nagtataka.

"Maghiwalay na tayo Heathee." sinabi nya na seryoso habang ang paningin nasa akin.

"Ha? ano ba sinasabi mo Rusvel?" gulat kong tanong sa kanya. Ano bang problema nya? may ginawa ba akong kasalanan? ano ba nangyayari? mga tanong sa isip ko noong araw na 'yon.

"Patawarin mo ako. Kung nagtataka ka kung bakit hindi ako nagparamdam ng mga ilang araw dahil nag isip-isip ako. Narealize ko na hindi pala kita mahal gaya nang iniisip natin pareho, na naawa lang ako noon kaya pumayag akong maging tayo. Sorry dahil iba pala ang pagmamahal ko sa 'yo at sa babaeng gusto ko." hindi ko sya maintindihan pero nasasaktan ako. Tumutulo na ang luha ko at hindi ko alam kung bakit

"Ba..bakit? I.. mean hindi ko maintindihan Rus please wag naman oh. Mahal na mahal kita hindi ko kaya." 

"Mahal kita dahil nandyan ka lagi sa tabi ko. Mahal kita dahil napapagaan mo loob ko. Mahal kita kasi inaalagaan mo ako! Pero hindi pala sapat yun na dahilan para masabing "Mahal talaga kita" dahil napag isip-isip ko na, Oo mahal kita bilang kaibigan na laging nandyan mahal kita dahil kailangan kita! Pero mahal bilang babaeng 'gusto kong makasama habang buhay? pasensya na hindi ikaw ang babaeng 'yon."

"Ma..hal mo a..ko dahil kailangan mo ako? What do you mean by that? I don't understand! Lahat nang sinasabi mo hindi tugma sa mga pinaramdam mo saakin noon! Alam kong mahal mo ako please sorry sorry sorry kung may nagawa akong mali." lumapit pa ako sa kanya at niyakap sya pero pilit nyang nilalayo ang sarili nya saakin. Pero hindi ako nagpatalo at mas hinigpitan ko pero laking gulat ko nang itinulak nya ako sanhi nang pagbagsak ko sa lupa. Hindi lang gulat ang naramdaman ko sa ginawa nyang 'yon. Dahil ramdam ko ang sakit sa puso,panghihinayang,at sakit mismo sa pag upo at bandang tiyan ko dahil napalakas ang pag tulak nya. Napatingin ako sa kanya na lumaluha habang naka-upo pero sya ay nakatingin lang saakin na parang walang pakialam! Lalo akong nanibago at nasaktan dahil halatang wala na syang pakialam! Samantalang noon ni lamok bawal akong dapuan.

"Wag mo na akong guguluhin. Hiwalay na tayo at wala na akong pakialam sa'yo. Aalis na ako." tumalikod na sya saakin at umalis nang walang alinlangan. Hindi ko sya nahabol hindi ko na kaya ang sakit na nararamdam ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nasa Hospital na ako paggising ko. Doon ko nalaman at sobra sobra ang sakit ang naramdaman ko.

"Heathee pinapatawag ka ng mama mo sa baba. Pasensya na at pumasok ako hindi ka kasi sumasagot kanina pa ako kumakatok at tumatawag sa'yo." si Manang Selia kasambahay namin sya simula daw noon bagong kasal palang si mama at papa. Naalala ko nanaman pala ang nakaraan na syang naging dahilan kung bakit ako nasasaktan. Hindi na ako nagulat kung bakit may mga luha sa mukha ko. Ganito lagi basta naaalala ko ang pangyayaring 'yon. "Ayos ka lang ba? umiiyak ka nanaman basta nadadatnan kitang tulala lumuluha ka." si manang na bakas ang pag-aalala. Ngumiti lang ako at pinunasan ang mga luha

"Ayos lang po ako manang. Wag nyo nalang po ipaalam kila mama at papa. Baba na po ako mag aayos lang ako." ayaw ko na mag alala pa sila. Tama na 'yong mga nangyari noon.

"Sige ikaw ang bahala. Magmadali ka at importante yata 'yong pag uusapan nyo. May mga bisita din kasi kayo." nagtataka naman akong napatingin sa kanya

"Sino po sila manang?"

"Hindi din sila pamilyar saakin. Kaya baka mga importanteng tao dahil ang mga kasuotan nila halatang mamahalin." ha? sino naman kaya sila.

"Sige po manang susunod nalang po ako."

"Sige bababa na ako."  nang tuluyang nakalabas na si manang napabuntong hininga nalang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hopelessly DevotedWhere stories live. Discover now