Chapter Five

192 15 8
                                    

Chapter 5

Bro Code


Magmula nong birthday ni Sky, napadalas na ang interaksyon namin sa isa't-isa. Kadalasan ay tahimik siya kaya madalas din na kinukulit ko. As I grew fond of teasing her, she grew fond of getting teased.

"Huwag mo nga akong tignan ng ganyan!" She scolded me.

"How can I not look when you..." umiling nalamang ako natawa sa sarili.

Sa sobrang pagod niya sa P.E. namin, itinupi niya ang kanyang pants hanggang sa tuhod. Not that she looked like a guy but I just find it weird. Katabi pa mandin niya si Sunshine na abala sa pagpupunas ng pawis sa mukha.

"Aasarin mo na naman ako na tomboy?" she asked me. Umirap din naman siya kalaunan kaya hindi ko mapigilan na hindi matawa sa kanya.

"Well, yeah."

Tumayo si Sunshine at nagpaalam kay Sky na babalik na muna siya sa room namin.

"Hi, Darren," she greeted me. May kasama iyon na pagtapik sa aking balikat.

"Hello, Sunshine," bati ko na lamang at inalis na ang tingin sa kanya pagkatapos kong ngumiti.

Dumiretso ako sa tabi ni Sky.

"What?" Pagsusungit niya habang inaayos ang tuwalya sa likod niya.

"Wala. Am I not allowed to sit here?" tanong ko naman sa kanya at sumulyap sa ginagawa niya.

Nailagay na niya ang towel sa likod niya. Inaayos na lamang niya sa taas para maayos ang sa loob nito. Kaso mukha siyang nahihirapan. I'm hesitant to help her. I mean, I lived in a westernized country for a few years. She might take everything falsely.

"Ngalay na ako," natatawa niyang saad sa sarili.

It's a go.

"Teka anong gagawin mo?" Napatingin siya sa akin nang nakakunot noo.

"Para hindi ka na mahirapan," sagot ko. "Don't worry. I won't touch your skin."

Tumikhim nalang siya at hinayaan na ako.

I held the two sides of the tower. I stretched it out wide so that the towel in her back would be flattened. Pagkatapos ay ibinaba ko na ito palabas ng kwelyo ng uniform niya.

"Done."

Kinapa niya ang likod at tumango-tango.

"Salamat," aniya. "Oo nga pala. Laking Canada ka. Pero buti naman at maayos ka na mag-Tagalog," she laughed.

I remember how I tried to conversate with my little sister. Magaling kasi siya mag-Tagalog kumpara sa akin. I can even remember how she swats my arm while telling me that I'm bad at speaking Tagalog.

"Kuya, I'm younger but I'm more fluent!" Tinatawanan niya ako.

Kumapara kasi sa akin, mas sinanay siya na magsalita ng Tagalog. At sa mga panahon na nasa Canada ako, andito lang siya sa Pilipinas kasama ang lola ko.

"Sinanay ko sarili ko, syempre." Sagot ko naman sa kanya.

Pagkatapos ng klase namin sa Physical Education, sabay nalang kami na naglakad pabalik sa classroom namin. Our next class is Filipino and I'm a bit startled to find out that we're bound to make a recital of any poem by group.

"Bubunot kayo sa box at kung anong numero niyo, iyon ang kukunin niyong tula sa akin."

Nagsimula sa likod ang teacher namin. As she let everyone pick a piece of paper, I can't help but shift on my seat. I'm hella sure that the words are so deep. Kaya kong basahin, pero hindi ko alam kung paano bibigkasin.

PULLED AT HIS STRINGS | Darren Espanto #3 (Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon