(16)Zeke

2.7K 61 3
                                    







nagising ako sa isang kwartong puti na walang kahit anong gamit





"Akira"




sabi ng isang boses lalaki teka parang boses niya yun






"prinsesa ko halika dito"






tama siya na yun ang tagal ko rin ginustong marinig ang boses niya unti unti kong naaninag ang muka niya





"prinsesa ko pasensya na ngayon mo lang ulit ako nakita"sabi niya at hinaplos ang muka ko






"Zeke bumalik ka"sabi ko at unti unti nang kumawala ang mga luha ko






"Sshh wag ka ng umiyak prinsesa ko ayaw kitang nakikitang ganyan"sabi niya






"ibig sabihin Zeke hindi ka namatay?"sabi ko at patuloy pa rin ang pag iyak







"prinsesa matagal na kong wala "pagpapahayag niya






" Zeke gusto kong sumama sayo isama mo na ko i want to be with you in my my whole life please"sabi ko habang humahagulgol pa rin sa pag iyak






"no akira hindi pwede dahil marami pang nagmamahal sayo at ibinuwis ko ang buhay ko para sayo at kung kailangan mamatay ako ng paulit ulit para lang mailigtas ka ng paulit ulit gagawin ko"sabi niya






"pero Zeke mahal na mahal kita gusto kitang makasama habang buhay"sabi ko






"mahal din kita akira mahal na mahal kita kaya binuwis ko ang buhay ko para sayo kaya sana naman lumaban ka para mabuhay para hindi masayang yung pagbubuwis ko ng buhay ko para sayo"sabi niya kaya humagulgol na naman ako sa iyak






"zeke para san pa yung buhay ko kung wala ka pano ko magiging masaya kung wala ka sa tabi ko"pagpapahayag ko







"may makikilala kang mamahalin ka ng sobra sobra at ito ang tatandaan mo lagi lang akong nasa tabi mo kahit anong mangyari dahil mahal na mahal kita kaya kailangan mo pang mabuhay"sabi niya at niyakap ako






nung aalisin na niya ang pagkakayakap sakin pinigilan ko siya






"pwede bang hayaan mo muna kong yakapin ka"sabi ko tumango naman siya





"paalam na prinsesa ko basta lagi mong tatandaan nandito lang ako lagi sa tabi mo at tatandaan mo rin na kahit kailan hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo kahit na magmahal ka na ng iba"sabi niya at kumalas sa pagkakayakap sakin







naglakad siya palayo sakin hangang hindi ko na siya matanaw dahil nilamon na siya ng liwanag

Queen Of HellWhere stories live. Discover now