chapter 6

66 3 0
                                    

CHAPTER SIX

BINUKSAN NI Sasha ang bahay nang makauwi siya.  Mabuti na lang pala at pina-duplicate ni Kaniel ang susi ng gate at maindoor.  Kung hindi pala ay nakatanghod na naman siya sa labas.

Tumuloy siya sa kaniyang kuwarto para tingnan ang mga ibinigay sa kaniya ni Julia na damit.

Nahigit niya ang kaniyang hininga nang makita ang mga damit.  Ang seseksi naman ng mga iyon.  Karamihan ay low waste shorts na halos kita kuyukot ang laman ng plastic bag.  At ang mga sexy tanks na naroroon ay puro revealing. 

Hindi nga kaya rape ang abutin niya kung iyon ang susuutin niya?

Bakit ba may kiliti siyang naramdaman sa loob ng kaniyang katawan nang maisip niyang re-reypin siya ni Kaniel.  Bakit parang naeexcite pa siyang isipin iyon?  Umaalembong na ba talaga siya?

Hindi iyon kinaya ng powers niya na suutin ang magkaternong damit na iyon kasi tiyak niyang maninibago si Kaniel kapag nakita siyang biglang nagtransform. 

Isinuot niya ang shorts pero tinernuhan niya iyon ng isang ladies shirt na may manggas.  Mahirap naman kung biglain niya ang pagpapakita ng kaniyang flesh kay Kaniel.  Lalaki pa rin si Kaniel, kahit pa sabihing mabait iyon. 

Baka iba na ang maging pakahulugan nito kapag nakita nitong bigla na lang siyang nagsuot ng gano’n ka-seksing damit.  Baka isipin nito’y sine-seduce niya ito.  Baka bigla na lang siyang sunggaban nito. 

Gusto niya lang talagang itong i-tease hanggang sa maulol ito at magmakaawa sa kaniya na pakasalan niya ito.  Hindi naman siya papayag na may mamagitan sa kanila nito kung hindi siya nito papakasalan.  Matindi ang pagmamahal niya dito pero hindi naman siya papayag paisa dito.

Nasa banyo siya nang marinig niyang dumating ang sasakyan ni Kaniel.  Busy siya sa pagkuskos sa toilet bowl.  Nais niyang panatilihing malinis iyon.

“Sash!”  Narinig niyang tawag nito sa kaniya.

“Nandito ako sa banyo.  Do you need help?”  Tugon niyang itinigil ang paglilinis.  Sumilip siya mula sa pinto ng banyo.

Nakita niyang buhat nito ang tulog na anak habang bitbit pa nito ang bag ni baby Meryll at ilang pinamili.

Napatalon siya para tulungan ito.  Tumakbo siya papasok sa kaniyang silid habang naramdaman niya naman na nakasunod ito sa likuran niya.  Mabuti na lang pala at nailipat na niya ang crib sa kuwarto niya kaninang naglinis siya sa kuwarto ni Kaniel.  Inayos na niya iyon kanina kaya pwede na nitong ipahiga doon ang bata.

“Dito na lang.”  Aniyang itinuro ang paglalapagan  nito sa bata. 

Napatingin siya dito kasi hindi niya naramdaman na kumilos ito.

Nais niyang mapangiti nang makitang nakatitig na lang pala ito sa hita niya.

“Hoy!”  Tinapik niya ang braso nito. 

Parang nagulat pa ito nang maramdaman nito ang pagtapik niya.  Nakita niyang namula ang mukha nito.

Nagmadali nitong inilapag ang anak sa crib.

“Sige, tapusin ko lang ang ginagawa ko.”  Paalam niya dito. 

Nagmadali na rin siyang tumalikod dito.  Kahit hindi niya ito nilingon ay alam niyang sinundan siya nito ng tingin.  Mukha kasing namangha ito sa suot niyang shorts.  Litaw kasi talaga ang makinis niyang hita sa shorts na iyon. 

Sige lang, maglaway ka!

Naramdaman niyang lumabas ito ng bahay kaya naisip niyang baka babalik na ito sa lugawan. 

TEASING HEART (NAUGHTY GIRL 3) Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon