001

3.5K 123 66
                                    

Nababasa ko sa mga storybooks na pinabili ko kay Dad na nagsisimula ang isang love story sa once upon a time. Kung si Cinderella ay nakilala niya si Prince Charming (iyon ba talaga ang name niya?) sa ball, si Ariel naman ay nakilala niya si Prince Eric sa dagat at si Belle ay nakilala si Beast (seryoso ba talaga na iyon ang pangalan niya? or nakalimutan ko lang?) sa castle dahil hinahanap niya ang kanyang father dear, ako naman ay... sa bahay ng mga Rosales.

Kapag magkukuwento tayo ng ating dakilang love story with the one we love, let's start from the beginning.

"Peter, this is Sugarcane," pakilala ni Tita Pepper sa akin sa anak niyang bungi. "Anak nila Tita at Tito Sugar mo."

"Hi Cane! Ako si Peter!" nakangiti niyang bati and I was about to bow like what princesses do during meetings but he ran to me and hugged me like he really wanted to. "We're friends na!"

Oo, doon talaga nagsimula ang pagiging malandi ko. That very exact moment, Peter Piper Rosales... became my everything.

"Peter, meron akong sandwich! I helped Mom to make this!"

"Peter, gwapo mo!"

"Go Peter! Go Peter!" I screamed like a mad woman. Sino ba namang hindi magch-cheer sa isang Peter Piper sa track and field? Look at his legs! So sexy! Ugh! Pati ang biceps niya ay kitang-kita mula sa kinauupuan ko. The sun is hot, same as the son of Tita Pepper and Tito Wayne!

"Peter! Panalo ka na nga diyan, panalo ka pa rito!" sigaw ko habang tinuturo ang puso ko. At sa sobrang lakas ng boses ko ay napalingon lahat sa akin ang mga tao sa harapan ko. Pati rin sila Deity, Simon at Weeya ay napatingin sa akin.

Saktong napatingin sa akin si Peter na sinusuotan ng gold medal. Siyempre, may hiya pa ako at napatago sa likod ng mga nanonood sa harapan.

"Landi mo, bes!" bulong ni Deity kaya napahighik ako sa pwesto ko. Sumilip ako kay Peter na kasalukuyang mahinang tumatawa habang may hinahanap sa audience.

He.. he's so perfect. Kahit ilang taon na kaming magkaibigan, tinuturing niya akong parang dati lang. Kung ano ang tinuring niya sa akin noong mga bata pa kami, hanggang ngayon ay parehas na ngiti ang binibigay niya sa akin.

"Uwi ka na?" tanong niya habang pinupunasan ang pawis niya. Galing siya sa practice nila ng sayaw at sinasadya kong dumaan sa dance studio ng Delin North Academy.

"Hindi mo man lang itatanong kung paano ako napadpad rito?" tanong ko pabalik. May ibabanat kasi ako kung bakit ako nandito. Tapos isasagot ko, sinundan ko ang tinitibok ng puso ko at ikaw pala ang sinusundan nito, ganunㅡkaso napag-isip-isipan ko na medyo off pa iyon. Naisip ko lang kasi 'yun biglaan kaya mabuti na lang pala hindi siya nagtanong.

Mahina siyang natawa at mahinang tinapik ang tuktok ng ulo ko. He was smiling! I really love his smile because his eyes were smiling too!

"Tara, sabay na tayo umuwi."

He was the best! He was like an idol and I'm his fangirl. And I was the luckiest fangirl!

"Peter, bakit?"

"Hmmm? Anong bakit?"

Bakit ang gwapo mo? Bakit ang bango mo? Bakit kumpleto na ako sa mga ngiti mo? Bakit ang tangkad-tangkad mo? Bakit crush na crush kita? Bakit ang bait mo? Bakit nga ba mahal kita? Kahit 'di mo pinapansin ang damdamin ko? O, napakanta pa ako, hmmp.

"Wala lang." I laughed like something's funny.

"Uh, Cane," he called me and I immediately turned around to face him. "May contest kami sa Central next week."

Peter Pied Piper (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon