Kristal Pov
As usual, eto ngayon nag iimpake. Wala eh, lilipat na talaga.
"Are you ready?" Tanong ni Mommy kasama ni Daddy pag baba ko.
"I'm always ready."
"Psh. Andyan na ang sasakyan sa labas" sabi mommy saka kami nag diretso palabas.
"Good bye nak, mag iingat ka dun. Love you."
"Yeah dad, love you too." Sabay yakap ko kay Daddy.
"Bye sweety, ayusin mo na yang sarili mo ha? Jusko. Love you" Sabi naman ni Mommy sabay yakap sakin.
"Love you too, my. Bye na." Sabi ko sa kanila bago pumasok sa kotse.
**
"Ma'am nandito na po tayo." Sabi sakin ni manong driver. Mahigit usang oras din ang byahe papunta dito.
Bumaba na ako sa kotse at pumasok dala ang isang maleta.
Maayos naman yung school, wala ngang masyadong studyante ngayon, siguro nasa klase pa. Dumiretso na muna ako sa Principal Office.
"So eto na yung susi sa dorm mo, ung schedules mo, uniform lahat lahat ay nasa dorm mo na. Bukas pwede ka nang pumasok." Daldal ni Principal.
"K"
**
Pagkatapos kong pumunta sa dorm, pumunta ako sa cafeteria. Nakakagutom kaya!
Saktong paglabas ko ang pag bell. Hay, labasan na tuloy.Tuloy- tuloy lang ako at di pinansin ang mga studyante kahit na pinagtutunginan na ako. Pake ko ba sa kanila?
Pagpasok ko sa cafeteria halos tumingin sa akin ang lahat, siguro dahil sa di pa nila ako kilala at di ako nakauniform kagaya ng kanila. So what?
Pagkabili ko ng binili ko, malamang ay naghanap nako ng vacant table. Habang naghahanap ako ng table ay may biglang nagtapon sakin ng ew, ano ba 'to? Juice? What the hell?! Eww.
Pagtingin ko sa bumuhos sakin ay oh! May palaka din pala dito. Nakatingin sya sakin habang nakangisi kasama ang mga alipores nya. Pinagtitinginan na din kami dito.
Hays, di pa nga ako pumapasok, mapapaaway nanaman?
And I was like 'OMG, Yes!'
