Chapter 1: Here it goes..

65 3 14
                                    

  Sigh. Sigh. Sigh. Sigh. Sigh.

Yan lang yung paulit-ulit na maririnig na lalabas sa bibig ko, e paano ba naman kasi sobra akong tinatamad ngayong araw na to. Kakauwi ko lang from school and dumiretso agad ako sa bahay since sobrang tinatamad talaga ako lumabas at mag-stroll kasama yung mga kaibigan ko so yun, ni-reject ko yung pag-invite nila saken na magpunta muna ng mall. 

After kong makapagpalit ng uniform, diretso ako sa harap ng computer like the usual na ginagawa ko, maglaro maghapon. Minsan nga, dadating yung parents and kapatid ko tapos makikita nila ako sobrang busy dahil dun e. Paborito kong laro yung mga about sa witchcrafts and kahit anong related dun, minsan nga kapag nagsasawa ako, race car naman and nakikipag-duel sa ibang mga players na adik din katulad ko. Pero ewan ko ba anong meron saken ngayong araw na to, kasi usually once na open na yung computer next kong gagawin e iopen yung icon para sa mga laro pero yung ginawa ko, nag-open ako ng Google and nagbukas ng tatlong tabs. YEP. tatlong tabs agad, ewan ko kung bakit. So yun, dun sa first two tabs, binuksan ko yung mga accounts ko sa mga social sites and yung isa?..wala, nandun lang sya, 'untouched'. Pinabayaan ko na lang since baka may maisipan din akong puntahan na ibang sites e. After kong mag-open ng mga accounts ko, nakita ko dun sa account ko sa Facebook yung isang request from a 'friend', asking me to check her stories from this particular site. Na-curious naman ako kung para saan yung site na yun so I click it, the next thing I knew I signed myself up sa site na yun and nagsimulang magbasa ng kung anu-anong random na stories. 

Nakaka-enjoy nga yung site kasi feeling ko ang 'crowded' nya kahit through sa net lang. Ang dami kasing mga users from all over the world, I noticed. Nababasa ko mga nagkukumustahan sila, yung iba nga nakikipag-away pa e. haha. Grabe sila no, may isang magco-complain na hindi pa daw nag-uupdate yung author, tapos yung author naman magso-sorry kasi busy daw sya about doon and about dito. Nakakatuwa lang. Meron naman, family na daw sila. 

I continued 'strolling' sa mga stories, nakalimutan ko na nga yung two accounts kong naka-open pa rin because of that. Pinabayaan ko na lang since wala rin namang kumakausap saken e. Ganun ako ka-loner sa mga sites e. haha. Kaya nga, hindi rin ako nagbubukas dun. So ayun, continue pa rin ako mag-stroll, pero ngayon sa mga profiles naman and sobrang nagulat ako nung nabasa ko yung isang profile ng girl na may 'internet boyfriend', e di yan, curiousity got me completely na e. Chineck ko yung both profiles and nakita ko kung gaano sila kalayo sa isa't-isa! Yung girl e somewhere from America and yung guy naman nasa Asia. At that time, naisip ko, 'Does that even work?' Kung ako lang siguro yung type na mahilig mag-appreciate ng mga ganung 'drama' sa relationship, baka natuwa ako ng sobra e kaso, ako yung type na hindi mahilig sa ganun so yun, pinabayaan ko na lang sila, it's not like may magagawa naman ako e. Hindi ko nga sila kilala e. XD Pakialam ko ba. haha!

So yun nga, pinabayaan ko na lang sila and nag-continue ako mag-stroll. (ginawa kong parang mall yung site sa kaka-stroll! XD). Hanap na naman ako ng magandang story but this time, yung napuntahan kong category e about naman sa mga 'kpop idols'. Napaisip talaga ako, 'Meron palang ganito'. Basa na lang din ako, hooked na rin naman kasi ako e. So yun, scroll ako dito, scroll ako doon hanggang makita ko yung isang particular na story na ewan ko ba, hindi siguro believable kung sasabihin kong 'attracted' ako sa istorya. haha. Abnormal ako e bakit ba. XD Pero kasi yung story, meron syang something....hindi ko ma-explain e. Basta, 'ATTRACTED' ako sa kanya! (sa story ha). Sisimulan ko na sanag basahin kaso biglang nag-ring yung phone ko. Tumatawag pala si Mama and ang bilis ko sinagot.

'Hello Ma.' sagot ko pero yung mata ko nakatututok pa rin sa screen.

'Ano bang ginagawa mo?! Computer na naman? Kanina pa ako tumatawag ah!'.

Saka lang ako natauhan nung narinig kong mataas ang boses ni Mama, nilayo ko yung phone sa tenga ko and also yung mata ko from screen and chineck ko yung phone. PATAY! 4 MISSED CALLS galing sa kanya. Kinabahan talaga ako.

'S-sorry na po Ma. may binabasa kasi ako e.' Oo na, takot kaya ako sa Mama ko. Ano unbelievable na naman? haha.

'Nagbabasa ka? Himala!' And narinig kong tumawa sya, nabawasan yung kaba ko ng kaunti. haha. 

'Ano ba yun Ma?' tanong ko.

'Ah, sunduin mo yung kapatid mo. Hindi ko kasi masasabay sya e, may pupuntahan pa kami ng Papa mo after ng meeting.'

'Ano?' Narinig ko yun clearly, gusto ko lang ipaulit. haha. 

'Sige na. Gawin mo ha. Ngayon na, malapit na maglabasan e.'

Ayoko sa lahat yung pagsundo sa kapatid ko. Nasabi ko na yun diba, younger sister ko sya, pangalan nya, 'Venice'. 3 years lang tanda ko sa kanya. Actually close kaming dalawa, yun nga lang ayoko kasi talaga sa lahat yung pagsundo. haha. Ang sama kong Kuya diba, pero syempre kapatid ko pa rin kaya umoo na lang din ako.

Pagkatapos ibaba ni Mama yung phone, tumingin ulit ako dun sa story na binabasa ko, and since, kailangan kong umalis, kailangan ko munang i-close yung computer and again! ewan ko ba! NALUNGKOT talaga ako bigla e. Ang drama ko lang e no. haha. Pero yun talaga naramdaman ko. Natakot ako na baka mawala yung story kapag hindi ko sinave, so yun ang ginawa ko, I subscribed sa fic. After alam kong successful na, saka ko lang kinlose yung pc and dumiretso na ako sa pinto para umalis...pero bago ko tuluyang isara yung pinto...nag-last look ako sa pc na nakangiti....

One For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon