Mr. Sticky Note (Chanyeol FF)

317 9 0
                                    

||Dedicated to: Kaye Duran||

©Copyrights 2014 Written By: GalaxyGull

-

"Psssst. Kaye. Psssst." panggugulo sakin ng impaktong katabi ko

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagtitig sakanya.

"Mr. Oh can you please come to the board and solve this problem?" tanong ng teacher namin na si Ms. Choi.

Agad naman siyang tumayo at pumunta sa harapan para sagutan ang problem.

Natapos niya agad ito and as expected, tama siya.

"Ang galing talaga ng Hunnie ko." pabulong kong sinabi

Oo. Hunnie ang secret na tawag ko sakanya at tama din kayo. Crush ko siya. 3rd year high school na kami dito sa Bangtan Academy at since 1st year, crush ko na siya.

"Psssst Kaye." pangungulit nanaman nitong katabi kong lintek sa buhay.

Tinignan ko lang siya at sinamaan ng tingin.

"Ang gwapo ko noh?" tanong niya

Ay kung wala lang talagang klase nabatukan ko na to.

Nakisakay nalang ako sa trip niya at tumango-tango. Binalik ko na ulit ang tingin ko kay Hunnie.

Basketball player siya sa school namin at miyembro din siya ng pinakasikat na grupo sa school namin, ang XO. Di nga ako makapaniwala na kasali din si Chanyeol dun eh.

"Talaga gwapo ako?" pangungulit uli ni Chanyeol habang kinikiliti yung tagiliran ko

"Ano ba?!" sabi--sigaw ko

Napatitig ang lahat samin.

"Ms.Duran and Mr.Park get out of this room."

dun dun dun

Dahan-dahan kaming tumayo at--

"NOW!"

--agad kaming napatakbo ni Chanyeol sa labas.

-

Dumeretso na kami sa labas. Umupo muna ako sa isang bench sa may ilalim ng puno.

Napapikit ako dahil sa sariwang hangin. Umupo na din si Chanyeol sa kabilang dulo ng bench.

"Bespren, pasensya ka na kanina ah. Ikaw kasi eh. Ayaw pa maniwalang gwapo ako." Ay pucha. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

riiiiiiiiinnnggg

Sa wakas ay nag-ring na din ang bell para sa break. Nagsilabasan na ang mga 3rd year students. Hindi muna kami umalis dahil hihintayin pa namim ang sasabihin ni Maam.

Nakaupo lang kami ni Chanyeol sa bench. Nakaakbay ako sa kanya habang nakapatong ang ulo ko sa balikat niya. Pero hindi yung ulo talaga ah, yung baba ko yung nakapatong. Gets niyo?

Nakaakbay lang ako sakanya. Wala namang malisya eh. Sanay na kami syempre mag-bespren kami since elementary. Hindi din ako makapaniwala nang may bigla lumapit samin.

Tinanggal ko na ang pagkakaakbay at pagkapatong ng ulo ko kay Chanyeol.

"Chanyeol hyung wag mo kalimutan sa 14 ah." sabi ni S-sehun

Nakita kong tumango si Chanyeol tsaka ngumiti ng nakakaloko. Lumapit na din yung ibang miyembro ng XO.

"Chanyeol hyung di pa ba kayo mag-brebreak?" tanong ni Dyo

"Mamaya pa. Hihintayin pa kasi namin si Maam. May sasabihin daw eh." sagot naman ni Chanyeol

"Wala kasing naglalandian sa loob ng room." pang-loko ni Chen

Kkaebsong ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon